Prologue

18.5K 347 17
                                    

Love? Isang salita na mararamdaman ng lahat ng tao sa mga taong gusto nila. Sa mga taong gusto nilang makasama at makasalamuha. Kahit sa mga kaibigan mo, mararamdaman mo ito. Mararamdaman mo kung paano ka nila pahalagahan. Kung paano ka nila tinuring bilang kaibigan.

Hindi lang kaibigan, kundi bilang kapamilya. Sa mga taong kahit hindi mo kilala.. ramdam mo yung pag-alala nila sayo. Ramdam mo yung paghahalaga nila sayo bilang tao.

Pero paano ang lahat ng yun ay walang saysay? Kung hindi mo man lang maramdaman ang pagmamahal ng isang ina para sayo. Pagmamahal ng isang ina na simula bata ka palang.. hindi mo man lang naramdaman ang pagmamahal ng isang  ina na siyang nagluwal sayo. Pagmamahal na gusto mong maramdaman mula sa ina mo.

Love? Isang salita na kay daling bigkasin. Pero hindi naman maibibigay ng sarili mong ina.

Sabi nga nila, mas mabuti pa yung ibang tao, pinaparamdam sayo na mahalaga ka, na importante ka. Pinaparamdam nila sayo na mahal ka nila. Pero yung sarili mong pamilya, kahit kailan hindi mo naramdaman.


*****

Sana po nagustuhan niyo yung prologue ko. At suportahan niyo rin ang story ko. Thank you po.

Please vote and comment.

Thank you! ( ^_^ )

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now