Chapter 1

13.7K 254 7
                                    

" Expell ka na naman? " galit na sabi sq akin ni Nick.

" Tsk! Hindi na kayo nasanay dyan. Araw-araw naman siyang na-eexpell. "  sabi naman ni Tyler.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Talagang ipamukha pa kasi sa akin na lagi akong neexpell.

" Hahanap na ba kami ng bagong school, ULIT. "  sarcastic na sabi ni Clay. Nagkibit balikat lang ako sa kanya.

Umakyat na ako sa hagdan papunta sa kwarto ko. Pero bago pa ako makapasok sa loob. Narinig ko pa yung huling sinabi ni Kyle.

" Ayaw talaga tayong pansinin. Tsk! "

Napailing-iling nalang ako at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama. Kung nagtataka kayo kung bakit ako na expell sa school. Well! Simple lang naman ang ginawa ko.

*Flashback*

Boring ang klase namin, dahil paulit-ulit nalang ang tinuturo sa amin. Dicuss doon, discuss dito. Nakakasawa na. Wala bang bago?

Lumabas nalang ako sa room namin, hindi ko talaga matiis ang pagkaboring ng klase namin. Pumunta ako sa may rooftop para mawala ang pagkaboring ko. Balak ko sanang magpalipas oras lang doon, kaya lang may nahagip ng mga mata ko ang mga pintura doon at brush.

" Hmm... ano kaya ang magandang gawin sa mga ito? " bulong ko sa sarili ko.

Napangiti  naman ako sa iniisip ko, at siguradong masisiyahan ako. Kinuha ko yung mga pintura ay tsaka yung brush saka sinimulan ang magpaint. Matapos kung gawin ang kalukohan ko. Hinagis ko pababa yung mga lata ng pintura. Saka umalis. Pero bago pa ako makaalis, may narinig pa akong sigaw na nanggagaling sa baba.

" WHAT THE- SINO ANG TUMAPON NITO? "

Oops... mukhang may natamaan yata? Umalis na ako doon sa rooftop at pumunta sa may garden para magdilig ng mga halaman. Hindi naman talaga ako nandidilig ng halaman. Bali trip ko lang gawin ito.

" What are you doing, Ms. Lopez? "

Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw mula sa likuran ko. Lumingon naman ako.

" Kayo pala Mr. Prin- "

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko yung itchura niya.

" Oops...Sorry. " bagot kung sabi pero nakangisi.

Kita ko naman yung galit sa mga mata niya, parang sasabog na nga siya sa sobrang galit eh. Napansin ko rin yung mga pintura sa mukha niya, idagdag mo pang basang-basa na siya. Pagkaharap ko kasi, sa kanya ko natapat yung hose. Parang ewan siya sa itchura niya ngayon.

" Gusto mong maligo, Mr. Principal? " nakangising sabi ko sa kanya.

" Go to my office. Now! " galit nitong sigaw sa akin.

Sumunod naman ako sa sinabi niya. Nauna akong pumunta sa office niya, dahil alam kung magbibihis pa yun. Nakakahiya naman sa kanya kung haharap siya sa akin ng ganun ang itchura diba? Napatingin ako ng bumukas ang pinto. At doon pumasok si Mr. Principal na ang sama parin ng tingin sa akin hanggang ngayon. Saka umupo sa upuan niya.

" Hindi kana talaga nadadala, Ms. Lopes? Marami kanang nagawang kalukuhang, simula nong pumasok ka sa school namin. " galit nitong sabi.

Nakapoker face lang yung mukha ko habang nakatingin sa kanya. Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi niya eh. Dahil alam ko kung ano ang ginagawa ko.

" Wala na akong magagawa kundi paalisin ka dito sa school, Ms. Lopez. " sabi nito.

" Hindi na ako magugulat sa sinabi mo, Mr. Principal. Tutal, matagal ko na talagang gustong umalis dito sa school niyo? Nakakasawa na kasi. " nakangising sabi ko sa kanya.

Mas lalo akong napangisi ng parang papatayin niya na ako sa titig niya. Sasampalin niya sana ako ng pigilan ko siya.

" Huwag kang magkakamaling, idampo yang kamay mo sa mukha ko. Kung ayaw mong pasabugin ko tong walang kwenta niyong school, kasama ka. " malamig kung sabi.

Napaatras naman siya sa sinabi ko. Kita rin yung takot sa mukha niya at ang panginginig ng katawa niya. Tumayo na ako at iniwan siyang gulat na gulat parin sa nangyayari. Pero bago pa ako tuluyang makalabas sa office niya. Narinig ko pa siya nagsalita. Para matigilan ako.

" Wala ka talagang modo kahit kailan! Yan ba ang epekto sa walang magulang? "

Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang bugbugin ng paulit-ulit ora mismo sa office niya. Yung siguradong hindi na siya makakatayo at makakapagsalita sa kinaupuan niya?

" Control your self, Kiara. Hindi tamang mambugbog ng matanda. " pangpakalma ko sa sarili ko.

Tuluyan na akong umalis sa office niya at hindi pinansin yung sinabi niya. Dahil kapag nanatili pa ako doon? Baka hindi lang bugbog ang matatanggap niya sa akin. Baka maaga niyang makita ang empyerno.

*End of Flashback*

Wala naman talaga akong pakialam kung maexpell ako? Dahil na sanay na ako. Pang ilang na ba tong school na napasukan ko? 4....6....8? Aahh....ewan. hindi ko alam.

" Kiara, kakain nah. "  rinig kung tawag sa akin ni Chad mula sa labas ng kwarto ko.

" Susunod na ako. " sabi ko sa kanya.

Bumangon na ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto saka dumiretso sa may kusina. Pagdating ko doon, agad akong umupo sa tabi ni Nick at saka tahimik na kumain.

" Bukas na bukas din, hahanap na kami ng bagong school na papasukan mo. " pag-uumpisa ni Nick.

" Kayo ang bahala. " sagot ko sa kanya.

" Nga pala! Nagtext sa akin kagabi si John. " sabi ni Tyler.

" Anong sabi niya? " tanong ni Chad sa kanya.

Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. At patuloy lang ako sa pagkain. Hindi naman siguro importante yung sasabihin niya diba?

" May laban daw tayo bukas. " sabi nito.

Agad akong napatingin kay Tyler ng sabihin niya yun. At napansin ko rin na nakatingin silang lahat sa akin.

" Basta laban ang pinag-uusapan, nagiging interesado ka. " sabi ni Nick sa akin.

" Shut-up! " sabi ko sa kanya, at tumingin kay Tyler. " Sino ang kalaban? "  tanong ko sa kanya.

" Ang rank 5. 9:30 ng gabi magsisimula ang laban. " sabi naman nito.

" Hindi parin nadala yung mga tarantado na yun? Ilang ulit na natin silang pinatumba, Ha. " iretang sabi ni Kyle.

" Baka gusto na nilang, mamatay? " malamig kung sabi para matigilan silang apat.

Matapos naming kumain lahat, nagprisinta na akong maghugas ng mga pinagkainan namin. Nakakahiya naman, kung sila pa yung manghugas noh.

The Life of a Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon