Chapter 25

6.5K 163 0
                                    

* Ezekiel POV *

Ilang araw na ang nakalipas matapos ang nangyari sa parking lot. At sa mga pinag-usapan namin ng babaeng yun. Talagang tinutoo niya ang sinabi niya.

Sa lumipas na araw. Walang araw din na hindi niya ako ginugulo para lang siraan ako kay Trexie. Kapag gusto kung puntahan si Trexie? Bigla nalang siya susulpot sa tabi ako, sabay hawak sa kamay ko. At talagang sinisigurado niya na makikita yun ni Trexie.

Tulad nalang sa bigla niyang pagyakap sa akin sa tuwing nasa cafeteria kami at sa paghalik niya sa pisngi ko kapag pumupunta ako sa room ni Trexie kung saan magkaklase silang dalawa. At lahat yun nakikita ni Trexie, dahilan para mas lalo itong magalit sa akin. At yun ang isa sa kinaiinis ko sa babaeng yun.

Kaya kanina ko pa iniisip kung papayag ba ako sa gusto niya. At isa pa gusto ko ng matapos ang mga kalakuhan niya, dahil ayaw kung makitang nasasaktan si Trexie.. dahil sa pinagagawa ng babaeng yun.

Papayag na ba ako sa gusto niyang mangyari?

At isa sa mga kinaiinis ko... ay yung paghalik niya sa akin! Simpleng halik lang yun. Pero shit lang! Hindi mawala sa isip ko yung ginawa niyang paghalik sa akin. At hanggang ngayon, parang nararamdaman ko parin yung labi niya sa labi ko.

" Shit! " inis kung sabi. Dahil para akong mababaliw nito sa kakaisip.

"  Pumayag kana lang kasi sa gusto ng babaeng yun, Kiel. " sabi ni Marco sa akin.

Nakwento ko kasi sa kanila yung nangyari sa parking lot. Kahit sila ay hindi makapaniwala sa gusto ng babaeng yun. Except nalang kay Chris na mukhang alam niya na mangyayari toh.

" Tama si Marco, Kiel. Kilala ko si Kiara. Hindi yun sumusuko hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. At isa pa, wala namang masama kung makasal kayo ni Kiara... Maganda naman siya, mabait, matalino, palaban at sexy... Hindi nga lang mabait. "  sabi naman ni Chris sa akin.

Tiningnan ko sila ng masama. Nasasabi lang nila yan, kasi wala sila sa sitwasyon ko ngayon.

" Sa palagay niyo.. ganun nalang kadali yun? Kasal yun! Isang kasal na sagrado! At nangako ako sa sarili ko na si Trexie lang yung papakasalan ko... Kaya bakit naman ako papayag sa sinabi niya? " nanggigil kung sabi sa kanila.

" Alam namin yun, Kiel. Pero hindi naman ikaw ang kailangan ni Kiara, diba? Yung surname mo lang? "

Kanina ko pa napapansin si Chris na kanina niya pa pinagtutulukan sa akin yung babae na yun?

" Matagal mo na ba siyang kilala? "  tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin saka ngumiti.

" Yes! Kaya alam ko kung bakit gusto niyang pakasalan mo siya. " sabi nito sa akin saka umalis para mangbabae. Nandito kasi kami ngayon sa bar para uminom.

" These is fucking bullshit! " galit kung sigaw.

" Bakit hindi kana lang pumayag, Kiel? Yung surname mo lang naman ang kailangan niya diba.. At pwede kayong maghiwalay kapag natapos niya na ang ginagawa niya. May annualment naman sigurong mangyayari diba? " sabi ni Drake sa akin.

" Gusto mo rin akong maikasal sa kanya? "  naguguluhan kung tanong.

" Yeah! Para matapos na ito. Dahil sa nakikita ko ngayon at sa pinagagawa niya? Mukhang determinado talaga siyang makuha ang gusto niya. " seryuso nitong sabi sa akin.

Sino nalang ba ang hindi against na makasal ako sa babaeng yun? Lahat sila gusto akong maikasal doon sa babaeng yun... Pati mga magulang ko na matagal na pala nilang kilala ang babaeng yun.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now