Chapter 9

6.8K 191 0
                                    

* Kiara POV *

Pagkagising ko, agad akong umalis doon sa sasakyan nong lalakenh. Kung alam ko lang na doon siya papunta. Umalis nalang sana ako sa sasakyan niya. At hindi na nagstay doon. Peste kasi itong sugat na to.. sagabal.

Hindi naman sana talaga ako magstay doon sa sasakyan niya, kung hindi lang ako nahirapan kanina at kumirot yung tama ko. Kung hindi lang sana ako hinabol kanina! Hindi sana ito mangyayari.

Alam niyo kung bakit ako nagkaganito? Bahay lang naman yun ng mga taong kinamumuhian ako. Paano ko nalaman? Nakabukas lang naman yung gate nila pati narin yung pinto ng bahay nila. Hindi ko alam kung ano ang relasyong ng lalakeng yun doon sa kanila. Ang pinagtataka ko lang. Sino yung babaeng kasama nila kanina sa bahay? Ang pagkakatanda ko, wala silang anak na babae. Kaya sino yun?

Dahil hindi ko na kayang maglakad. Umupo ako sa may gilid ng kalsada at kinuha yung phone ko at tinawagan si Boss.

" Kakaalis mo lang? Namiss mo kaa- "

" B-boss. "

Agad naman siyang natahimik sa kabilang linya. Matagal bago siya makapagsalita kaagad.

" B-bakit ganyan ang boses mo? Napano ka? M-may nangyari bang masama sayo? "

" Huwag kang O.A Boss. "

" Kiara.. ano ba! May nangyari ba sayo? Nasaan ka? Pupuntahan kita..

Sa tono ng pananalita niya. Alam kung kinakabahan at nag-alala na ito ngayon.

" H-hindi ko alam kung anong lugar toh. Hanapin mo n-nalang ako B-boss. " nanghihinang sabi ko sa kanya at binaba yung phone ko.

Napasandal ako sa posteng nasa likuran ko at doon hinintay si Boss. Hindi ko na kayang maglakad pa, kaya kailangan ko ang tulong niya ngayon.

* Boss POV *

Agad kung nilocate kung saang lugar si Kiara. Mabuti nalang nakaopen ang GPS nito kaya agad ko siya nahanap.

Nagmamadali naman akong lumabas sa opisina ko ng malaman ko kung nasaang lugar siya. Saka umalis at pinaharurot ng mabilis sakay ng sasakyan ko. Bigla kasi ako kinabahan ng tumawag sa akin si Kiara. Alam kung may nangyaring masama sa kanya, dahil sa boses niya na nahihirapan.

Pagkarating ko sa lugar kung nasaan siya. Natigilan ako ng makita siyang nakasandal sa isang poste ng kalsada at sigurado akong masama ang lagay nito. Kaya agad akong lumapit sa kanya para matingnan ang kalagayan niya.

" Kiara, gising... " nag-aalala kung sabi.

Tinatapik ko pa yung mukha niya kung sakaling magising siya. Pero wala naman akong nakuhang response na galing sa kanya. Kinapa-kapa ko yung katawan niya para malaman kung may tama siya. Hanggang sa makapa ko yung bewang niya na basa at malagkit. Pagtingin ko sa kamay ko. Parang bigla akong nawalan ng dugo sa mukha ng makita yung dugo sa kamay ko na nanggagaling sa katawan niya.

Shit!

Agad ko siyang binuhat at ipinasok sa loob ng sasakyan. Nagmamadali naman akong pumunta sa driver seat at pinaharurot ito ng mabilis. Dahil sa lagay niya ngayon. Marami ng dugo ang nawala sa kanya.

Pagkarating ko sa bahay namin, nataranta naman yung mga katulong na makitang buhat-buhat ko si Kiara ng walang malay.

" Prepare the guest room. " utos ko sa kanilang lahat.

Agad naman silang sumunod sa akin.

" W-what happened? " tanong ng asawa ko  pagkababa niya ng hagdan.

The Life of a Cold PrincessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant