Chapter 2

10.1K 205 0
                                    

Maaga ako nagising dahil maaga ang pasok ko ngayon. Pagpasok ko sa kusina.. yung tatlo lang ang nakita ko at wala si Nick.

" Good morning, Kiara. " bati sa akin ni Clay at ganun rin yung dalawa.

Tumango lang ako sa kanila saka umupo at kumain.

" Nasan si Nick? " tanong ko habang naglalagay ng ulam sa plato ko.

" Maagang umalis.. tumawag kasi sa kanya si Tito kagabi. " -Kyle.

" Bakit daw? "

" Hindi din namin alam e. " sabi nito.

Hindi na ako nagtanong pa at tahimik nalang kumain. Matapos naming kumain lahat, sabay-sabay na kaming umalis ng bahay. Yung tatlo, maghahanap daw sila ng school na papasukan ko. Gawain naman nila yun tuwing naeexpell ako sa school na pinapasukan ko. Ako naman pumasok sa trabaho ko.

Oo! Nagtratrabaho ako kahit na sabihin na nating nandyan ang mga kaibigan ko para tumulong sa akin.  Actually! Mayaman silang apat, ako lang ang hindi. Kaya kailangan kung magtrabaho. Dahil hindi ko kailangan iasa sa kanila lahat.

" Aga natin ha. " pagbungad sa akin ng isa sa mga crew dito.

Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglakad papunta sa locker ko.

" Ang aga-aga ang sungit mo. " rinig ko pang sabi nito.

Matapos kung magbihis, lumabas na ako at nagsimula ng kumuha ng mga order ng mga customer. Sa isang sweet shop ako nagtratrabaho, madali lang ako nakapasok dito at maganda din ang pagsasahod nila sa akin. Si Tyler ang nagpapasok sa akin dito dahil kilala niya ang may-ari ng shop nato. Ayaw sana nilang apat na magtrabaho ako dahil sila na daw ang bahala sa akin. Pero, syempre hindi ako pumayag sa gusto nila.. dahil ayaw kung iasa sa kanila ang lahat.

Matapos kung magtrabaho. Umuwi na ako hanggang 4:00 lang naman ako ng hapon dito.

Habang naglalakad ako pauwi.. may naramdaman akong sumusunod sa akin. Huminto ako at tumingin sa likuran ko, wala naman tao? Nagpatuloy nalang ako ulit sa paglalakad. Pero maya-maya lang naramdaman ko naman yung presensya na sumusunod sa akin. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Naramdaman kung may paparating na isang matulis na bagay sa akin. At sinalo ko yun gamit ang isang kamay ko. Tiningnan ko ito at may maliit na papel ang nakalagay dito. Kinuha ko ito at binasa.

" Prepare yourself. "

-Rank 5

Matapos kung basahin yun. Kinumot ko ito at tinapon. Saka yung hawak kung shuriken na itinapon sa akin. Itinapon ko yun pabalik na hindi lumilingon.

" Aahh.... "

Napangisi ako ng marinig ko ang sigaw na yun.

" Pinapadali niyo ang katapusan niyo.. Rank 5. "

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko silang kumakain ng chichirya habang nanunuod ng T.V. At kasama na nila si Nick.

" Kamusta? " tanong sa akin ni Nick.

" Pagod. " sabi ko at umupo sa tabi ni Clay.

" Kawawa naman ang princess namin. Napagod sa kakatrabaho. " sabi ni Clay na nakaakbay na sa akin ngayon. Ipinatong ko yung ulo sa balikat niya saka pumikit.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now