Chapter 34

6.2K 188 0
                                    

Pagdating namin sa bahay, agad kaming dumiretsong dalawa sa aming mga kwarto. Ipinatong ko lang yung mga regalo na binigay nila sa akin kanina, saka dumiretso sa ma banyo para makapagligo. Pagkatapos kung maligo at maglinis ng katawan? Lumabas na ako ng banyo. Pero kakalabas ko palang sa banyo ng magulat ko ng makita ko si Peterson sa loob ng kwarto ko.

" W-what are you doing, here? "  gulat kung sigaw sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin. At shit lang! Parang gusto kung barilin ang lalakeng toh ng makitang nakatingin siya sa akin. Ako naman ay hindi na mapakali sa kinatatayuan ko dahil sa ayos ko.

Nakatapis lang kasi ng tuwalya ang buo kung katawan. Sanay naman akong lumalabas ng banyo na ganito ang ayos ko. Pero hindi ko inaasahan na papasok sa kwarto ko ang Peterson na toh!

" Eyes up, Peterson. " galit kung sabi ng makitang nakatingin siya sa legs ko.

Napatingin naman siya sa akin, sabay ngisi nito.

" Sexy. " sabi nito.

" Shut-up. " inis kung sabi sa kanya.

Lumakad ako at saka pumasok sa walk-in closet ko, para magpalit ng damit. Pero bago pa ako nakapasok don, hinarangan niya na ako.

" A-ano ba ang ginagawa mo? " kinakabahan kung sabi.

Sa bawat araw na nakikipaglaban ako? Ngayon lang ang nakabahan ng ganito dahil sa lalakeng toh.

" Aalis lang ako kung ibibigay mo sa akin ang regalo ko? " nakangiti nitong sabi.

Ganun ba talaga kaimportante sa kanya ang regalo ko, para hindi niya na ito ipagbukas pa? At talagang nag-effort pa siyang pumunta dito sa kwarto ko.

" Talaga bang atat na atat kang makuha yung regalo ko sayo? " inis kung sabi na hindi ininda kung nakatapis lang ako ng tuwalya sa harapan niya.

" Yes! Ngayon lang kasi ako makakatanggap ng regalo galing sa asawa ko. "  nakangiti nitong sabi sa akin.

At nakikita ko talaga sa mga mata niya yung excitement sa regalo ko sa kanya. At hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganito ang isang toh?

" Eh....pano yan Peterson.. nakalimutan ko palang bilhan ka ng regalo. " nakangising sabi ko sa kanya.

Bigla namang nawala yung ngiti sa mukha niya at nagseryuso. Tingnan niya ako ng masama na para bang may ginawa akong mali sa kanya?

" Are you sure? "  seryuso nitong tanong sa akin na hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan?

Napaatras ako ng lumapit siya sa akin habang seryuso paring nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan na hindi siya titigan? Lalo na at may kakaiba sa mga tingin niya sa akin?

" Y-yes Peterson. " kinakabahan kung sabi.

Nagulat ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang papalapit sa kanya.  Pinilit ko siyang itulak papalayo sa akin, pero shit lang! Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin? Hindi ko alam kung saan ba ako kakabahan? Sa ayos ko ngayon na nakatapis lang na tuwalya, dahil maling galaw ko lang maaring itong maalis sa katawan ko. O sa gagawin ng lalakeng toh na hindi ko alam kung ang iniisip niya ngayon?

" W-what are you doing, Ezekiel? " sabi ko na pilit pinapakalma ang boses ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Daig ko pa yata yung sumali sa marathon dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Napakunot naman ang noo ko ng ngumisi ito sa akin. Ngisi na parang bang may sinabi akong nagustuhan niya?

" Say it again, wife. " sabi nito na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

" What? " nagtataka kung tanong sa kanya.

Shit! Muntik na akong mapasigaw ng mas lalo niyang ilapit yung katawan ko sa katawan niya. At ramdam ko rin na malapit ng maalis sa katawan ko yung tuwalya, dahil sa ginawa niya.

" Say it again my name, wife. " nakangiti parin nitong sabi.

" A-ano? Asa ka " inis kung sabi sa kanya..

" Sinabi mo na kanina.. bakit hindi mo nalang ulitin? "

" Dahil isang beses lang akong tumawag ng pangalan, Peterson. " nakangising sabi ko sa kanya.

Sumama naman ang tingin nito sa akin. Kasabay non ang sunod-sunod kung paglunok ng ramdam ko na talaga yung katawan niya sa akin. Dahil sa pagkahapit nito.

Naiilang rin ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Idagdag mo ng paglapit nito ng mukha niya sa mukha ko.

" Uulitin mo o huhubaran kita. " pagbabanta nito nabsiyang kinalaki ng mga mata ko.

Ayaw ko man pero kailangan ko yung sabihin dahil kita ko sa mukha niya na seryuso siya sa sinabi niya.

" Ezekiel. " simpleng sabi ko.

" Again. "

" Ezekiel. "

" Again. "

" Ano ba! Namimiha- "

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan na talagang ikinagulat ko.

Literal na lumaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan yung ginawa niya. Ng makabawi ako sa pagkakagulat, pilit ko siyang itinulak, pero tulad kanina wala talaga akong balak na bitawan ng lalakeng toh. Sa halip, mas lalo niya pang pinadikit yung katawan namin at ramdam ko rin na gumalaw yung labi niya.

Alam kung hindi tama itong ginawa namin. Lalo na at may girlfriend siya na dapat niya pang suyuin. At alam ko din na sa sarili ko na dapat ko siyang pigilan sa ginagawa niya ngayon. Pero bakit sa ganitong sitwasyon ngayon ay ayaw sumunod ng utak ko at ayaw kumilos ng katawan ko? Parang sinasabi pa ng puso ko na gustong-gusto ko yung ginagawa niya. Pinipilit ko naman siyang itulak papalayo sa akin. Pero itong lintek na puso ko at katawan ayaw sumunod.  Dahil sa bawat halik at haplos na binibigay niya sa katawan ko ay lalong nagpapahina sa akin.

Hanggang sa naramdaman ko nalang yung sarili ko na humahalik pabalik sa kanya na hindi inaalala ang mangyayari bukas.

Mas lalong naging aggresibo sa ginawang paghalik sa akin ni Ezekiel. Ramdam ko rin na lumalakbay yung kamay sa bawat maselang parte ng katawan ko. Hanggang sa naramdaman kung binuhat na ako nito at dinala sa kama na hindi parin bumibitaw sa halikan namin dalawa. Dahil nakatapis lang ako ng tuwalya, walang kahirap-hirap niya itong inalis sa katawan ko. At siya ring paghawak nito sa bawat maselang parte ng katawan ko.

At yun ang unang gabi na may nangyari sa aming dalawa. Gabi na alam kung pareho naming nagustuhan yun. Gabi na walang pakialam kung ano ang mangyayari sa amin pagkatapos non. Gabi na siyang isinuko ko ang sarili ko sa kanya. Gabi na hindi ko pinagsisihan na sa kanya ko ibinigay ang pagkababae ko.

At yun din ang gabi na nalaman ko sa sarili kung ano siya sa buhay ko.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now