Chapter 16

6.3K 186 4
                                    

Pagpasok ko sa room, mas lalong sumama ang aura ko ng makita ko siya dito mismo sa loob ng room. Mukha yatang magkaklase kaming dalawa.

Pwede bang lumipat nalang ako ng ibang department?

Alam kung wala siyang kinalaman sa nangyayari sa akin ngayon. Pero hindi ko maiwasan namainis sa tuwing makita ko ang pagmumukha niya. At mas lalong nakakaramdam ako ng galit sa mga taong yun.

Napansin ko rin na masaya silang nag-uusap ng Nerd na yun. Napatingin naman siya sa akin.. dahilang para mapataas ang isa kung kilay. Agad akong umupo sa upuan ko ng makarating ako. At hindi ko inaasahan na uupo siya sa harapan ko, na mas lalong dumagdag sa inis na nararamdaman ko ngayon.

" Hi! Ako nga pala si Trexie. Nakwento ka sa akin kanina ni Megan na... Kiara Mae Lopez pala ang ang pangalan mo? Alam mo bang kapa- "

" Stop! " cold kung sabi sa kanya.

Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. Pero sa halip na huminto? Nagsalita lang siya ulit.

" Bakit? Gusto ko lang naman sabihin sayo na kapangalan mo yung namatay na anak nila- "

" I said STOP! Hindi ka ba nakakaintindi o sadyang bobo kalang? "  galit kung sigaw sa kanya, dahilan para magulat siya at mapatingin sa amin ang mga kaklase namin.

Napakunot naman ang noo ko na parang iiyak na siya sa takot? Bwesit! Ang ayaw ko sa lahat ay yung tulad niyang iyakin.

" S-sorry. "  napapahiya nitong sabi, habang nakayuko sa akin.

Mas lalo pang nadagdagan amg galit ko dahil sa inaasal niya ngayon.

" Sorry? Alam mo bang hindi ako tumatanggap ng sorry! Kaya sa susunod. Huwag kang feeling close? At kung hindi kita kinakausap? Huwag mo akong kausapin! " galit kung sigaw sa kanya.

" K-Kiara.... "

Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. At doon ko nakita ang ang mga kasama ni Chris. Nandito na pala sila? Mabuti naman nakalabas pa sa hospital ang leader nila.

" Trixie... " sabi nito saka lumapit dito sa babaeng nakaupo sa harapan ko.

* Drake POV *

Kakabalik lang namin at agad kaming dumiretso sa room nila Trexie, pero eksena kaagada ang naabutan namin. At nagulat ako ng makita ko si Kiara na nakaupo sa harapan ni Trexie. Habang si Trexie ay nakayuko sa harapan niya. Rinig na rinig namin ang pinagsasabi niya dito dahil sa lakas ng boses niya. Tiningnan ko ang buong pagkatao niya. At talagang masasabi kung malaki na ang pinagbagi niya. Malayo sa agwat niya dati.

" What did you do to her! " lahat kami ay nagulat dahil sa sigaw ni Kiel.

Talagang manginginig ka sa takot dahil sa galit na sigaw nito. Lahat ng tao ay natatakot sa kanya sa tuwing makakaharap nila si Ezekiel. Pero ang taong kaharap nito at kaharap naming lahat, ay hindi ko man lang makitaan ng takot sa mukha. At hindi man lang ito natinag sa sigaw ni Kiel. Nanatili lang itong seryuso at wala kang makikitang reaksyong sa mukha niya.

Pero mas nagulat kami ng bigla siyang hilain ni Kiel sa braso, dahilan para mapatayo ito. Alam kung masakit ang ginawang paghila ni Kiel sa kanya. At nakikita ko sa mukha ni Kiel na talagang galit na galit siya ngayon. Pero hanggang ngayon nakapoker face parin ang mukha ni Mae at parang hindi man lang ito nasaktan sa ginawang paghila sa kanya ni Kiel. Pero unti-unti naman itong inalis ni Mae ang kamay ni Kiel sa pagkakahawak sa kanya na para bang ang dali lang sa kanyang alisin yun?

" Sya pala yun. Akala ko ba hiwalay na kayo? Bakit parang concerned ka yata ngayon sa kanya? " nakangisi nitong sabi.

Pareho kaming napaalertong tatlo ng makita namin ang pagtaas ng kamay ni Kiel para sampalin si Maie. Pero napatigil kami at nagtatakang nakatingin sa kanya ng mapigilan niya ang kamay ni Kiel.

" Don't you ever do that. Kung ayaw mong bumalik ulit sa hospital... Eze.. kiel. "

Lahat kami ay napasinghap at para bang naestatwa kaming lahat ng marinig namin ang malamig at nakakatakot niyang boses. Ang boses niyang na kasing lamig pa kay Kiel. Sa boses niya palang, siguradong nagbabanta na ito at para bang may gagawing siyang hindi mo inaasahan at magugustuhan? Kahit si Kiel ay natulala rin dahil sa boses niyang nakakatakot.

Sinundan ko siya ng tingin ng mapadaan siya sa harapan ko. Tumigil ito at deritso akong tiningnan sa mata. Kahit ang mga tingin niya ay talagang nakakatakot. Para bang papatayin ka niya sa tingin niya palang? Kaya umiwas ako sa kanya dahil hindi ko maiwasan ang pagkatitig niya sa akin.

" Hindi ko alam na patay na pala ako? Sana ininform niyo man lang ako.. para makaprepare ako. " sabi nito dahilan para gulat akong mapatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang namumuong galit sa mga mata niya. " By the way! Thanks to your family. " sarcastic nitong sabi.

Doon lang kami nakahinga ng maluwag ng lumabas na ito ng room. Para bang biglang nawala ang kaninang masamang aura? Pero hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya kanina.

Paano niya nalaman? Sinabi ba sa kanya ni Trixie, kaya siya nagalit? Oo! Inaamin ko na pinalabas namin siyang patay! Sa tagal niyang nawala at hindi napakita sa amin sa loob ng 12 years? Hindi mo kami masisi na ganun ang pinalabas namin. Dahil akala namin ay patay na siya. Kaya talagang nagulat ako ng makita ko siya dito sa school na nag-aaral. Kahit na matagal siyang hindi nagpakita sa amin? Natatandaan ko parin ang mukha niya. Mukha niya na siyang nagpapaalala sa amin na nangyari 12 years ago. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko na nakakasama ang kakambal ko ngayon. Kaya hindi ko masisi si Mama kung bakit kinamumuhian siya nito.

The Life of a Cold PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora