Chapter 36

6.4K 169 0
                                    

Papunta na sana ako sa entrance ng hall ng biglang may humila sa akin at dinala ako sa gitna kung saan maraming nagsasayawan.

" What are you doing? " nagtatakang tanong ko sa kanya.

Sa halip na sagutin ako? Hinawakan niya ako sa likod ng bewang ko at hinila papalapit sa kanya, dahilan para mapahawak ako sa balikat niya. At saka nagsimula na siyang kumilos para sumayaw, na sinabayan ko narin. Napaiwas ako ng tingin ng nakatingin siya sa akin.

" Are you jealous? "

Gulat naman akong napatingin sa kanya ng sabihin niya yun.

" W-what? Me? Jealous? Are you kidding? " inis kung sabi

Ngumisi lang siya sa akin at mas lalong pinadikit yung katawan namin sa isat-isa. Pero ang mas kinagulat ko at yung hinalikan ako nito. Smack lang yun, pero malaking epekto na yun sa akin.

" Kahit huwag mo ng sagutin.. nakikita ko naman. " nakangisi nitong sabi.

Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita si Clay sa kabilang linya.

" Sorry to interrupt both of you. But, I want to tell you na dumating na si Evilton... At sa palagay ko masasalubong niya sina Mrs. Lopez. " sabi ni Chad.

Nagkatinginan naman kami ni Ezekiel at nagmamadaling umalis ng dance floor. Hindi pwedeng magkita silang dalawa.

" Hell. " pagtawag ko sa pangalan niya.

" Dont worry, Heaven. Kami na ang bahala ni B.A. " sabi nito.

Kinalma ko naman ang sarili ko sa sinabi niya. Napahawak ako sa braso ni Eze habang papunta kami ng entrance at sakto namang nakabangga ko si Evilton. Which is, sinadya ko talaga.

" Oh! I'm sorry. " sabi ko.

" Its ok- "

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng napatingin siya sa akin. At mukhang nagulat pa siya ng makita niya ako dito. Pero agad napalitan ng ngisi ang pagkagulat niya.

" Mrs. Peterson. " nakangiti nitong sabi na halatang may kakaiba sa ngiti niya.

" Evilton. " sabi ko na kunwaring nagulat ako ng makita ko siya dito.

Bigla naman siyang sumeryuso ng mapatingin siya kay Ezekiel na seryuso rin ang mukha.

" Hindi mo man lang ba ipakilala ang Daddy mo sa asawa mo? " nakangisi nitong sabi.

Demonyo talaga!

" Calm yourself, Heaven. Hindi pa ito ang oras. " rinig kung sabi ni Nick.

Nakangiti naman akong humarap kay Evilton. Na kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang sugurin.

" Why not! But dont expect me na tatawagin kitang Daddy? Hindi kasi bagay sa pagkatao mo ang maging ama. " nakangising sabi ko.

At mas lalo akong napangisi ng magbago ang reaksyon ng mukha niya. Hindi ko alam na may epekto pala sa kanya ang sinabi ko?

" Excuse us. " biglang singit ni Eze ng mapansin niya yung tensyon na namamagitan saabing dalawa.

Pero bago pa man kami makaalis na dalawa may sinabi pa si Evilton na ikinatigil namin pareho..

" Dont show your very bad attitude at me, Heaven.. Baka nakalimutan mo kung sino ang nasa harapan mo? At kaya-kaya kung pasabugin ang building na ito kasama ka. "  nakangisi nitong sabi.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now