Chapter 54

6.7K 163 0
                                    

Kanina pa pinipigilan nina Nick at Drake si Ezekiel sa pagwawala nito. Kadahilanan na gusto itong pumasok sa loob ng warehouse kahit na nilalamon na ito ng apoy. Hindi niya lubos maisip na ganun ang mangyayari. Kung sana, nagmamadali siyang balikan si Kiara sa loob.. maiiligtas niya pa sana ito. Pero huli na ang lahat, dahil bago pa siya nakapasok sa loob.. sumabog na ang warehouse. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari, dahil hindi niya man lang nailigtas ang taong mahal niya.

Balak niya pa sanang ipatapat ang nararamdaman niya dito, pagkatapos ng lahat. Pero huli na siya at ni hindi man lang nito nalaman kung gaano niya kamahal ang babae, kahit kunting panahon lang sila nagkasama. Ni hindi niya pa lubos pinaramdam dito kung gaano kahalaga sa buhay niya si Kiara.

Kahit na sina Mandy at iba pa ay lubos na nalulungkot ng malaman na nasa loob ng warehouse si Kiara, at hindi nila alam kung nakaligtas ba ito sa pagsabog kanina. Kung alam lang nila na ganito ang mangyayari, edi sana hindi nila hinayaang mag-isang pumunta dito si Kiara at kumilos ng mag-isa. Pero alam nilang huli na ang lahat. Huli na para magsisihan sila.

Biglang napaupo si Ezekiel sa lupa ng bigla siyang suntukin ni Mandy, dahilan para dumugo ang bibig niya.

" Pwede bang tumigil kana? Tanggapin nalang natin na wala na si Kiara. " galit na sabi ni Mandy kahit na patuloy paring lumalabas ang luha sa kanyang mga mata.

" P-paano mo nasabi nyan? Kaibigan ka niya diba? " galit ring sabi ni Ezekiel dito.

" Oo! Kaibigan niya ako. At ikaw! asawa ka niya. Pero anong ginawa mo? Mas inuna mo pang niligtas yang ex mo kaysa sa asawa mo? "

Natahimik naman si Ezekiel sa sinabi nito. Kahit na si Trexie na nandon parin ay napapahiyang umiwas ng tingin sa kanila dahil sa sinabi ni Mandy.

" H-Hell. Tama na yan. " pag-awat sa kanya ni Annika. Pero hindi siya pinansin nito. Nakikita mo parin yung galit ni Mandy habang nakatingin kay Ezekiel.

" Pareho nating alam na malakas si Kiara. Pero shit lang! Ezekiel! Hindi mo ba naisip na tao rin si Kiara? Nanghihina at nasasaktan rin siya.. At kailangan niya rin ng tulong mo bilang asawa niya? Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo lang siyang mag-isang makipaglaban doon.. habang ikaw ay halos magkandarapa dyan sa pagbuhat sa ex mo. "

Lahat! Lahat sila nasasaktan sa bawat salitang binibitawan ni Mandy. Kahit na sina Kyle, Tyler, Marko, Drake, Chris at Clay ay napapaiyak na rin. Maging si Annika na nakayakap kay Andrew at doon umiyak. Hindi rin mapigilang umiyak ni Trexie sa mga naririnig niya ngayon-ngayon lang. Ang sakit-sakit sa dibdib ng marinig ang mga salitang yun. Lalo na at si Kiara ang pinag-uusapan. Si Kiara na alam nilang lahat nong bata palang ito ay wala ng kasalanan.

" Hindi ko sinasabi na hindi iligtas si Trexie.. Ang sinasabi ko lang, ay kahit kunti lang. Ipakita mo naman sa kanya yung totoong nararamdaman mo... Kasi nakikita ko sa mga mata mo na mahalaga sayo si Kiara. At sana pinakita mo yun sa kanya. Kasi alam mo si Kiara? Naghihintay lang yun na may taong magmamahal sa kanya. Naghihintay lang yun ng may taong magpapasaya sa kanya... Hindi pandalian lang? Pangmatagalan! "

Nilapitan ni Jaysen ang asawa niya at niyakap ito para patigilan na. Nakikita niya kasi, hindi lang ito ang nasasaktan. Maging ang mga taong nandon ay nasasaktan din. Lalong-lalo na si  Ezekiel na siya ang mas nasasaktan sa nangyayari.

" Hon! Thats enough. " mahinahong sabi sa kanya ni Jaysen.

Tulad kanina, hindi rin siya pinansin nito.

" Alam mo bang sinabi sa akin ni Kiara noon? Mas gusto niya pang mawala na lang! Kaysa mabuhay na puro sakit lang ang nararamdaman. " sabi nito saka tumingin sa kinaruruunan ni Mrs. Lopez.

Kanina pa nandon si Mrs. Lopez at Mr. Lopez. Sumama kasi sila kay Drake papunta doon ng malaman itong naligtas na si Trexie.

Biglang napaiwas ng tingin si Mrs. Lopez kay Mandy. Dahil hindi nito makayanan ang kakaibang tingin ni Mandy sa kanya. Para bang nililibing siya nito sa lupa sa mga titig nito. Idagdag mo ng hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Matutuwa ba siya, dahil wala na si Kiara sa buhay nila? O malulungkot dahil nawala ito? Talagang sa mga oras na yun ay nalilito siya sa nararamdaman niya. At parang bumalik lang ang pagkalitong nararamdaman niyo nong isinilang niya si Kiara.

" Alfred! "

Lahat nabigla sa pagsigaw ni Chris. Sinundan nila ito kung saan nakatingin. At doon nakita nila si Alfred na papalabas sa gilid ng warehouse at nagmamadali itong tumakbo papunta sa kinaruruunan nilang lahat. Nong una hindi pa nila namukhaan kung sino ang karga nito. Pero nong napadaan ito sa kanilang harapan at parang hindi man lang sila nakita nito dala ng sobrang pagmamadali. Doon lang sila nagulat ng makitang si Kiara ang karga nito. At parang bigla silang nabuhayan ng loob ng makita ito.

" Alfred! Anong nangyari sa kanya? " tanong sa kanya ni Kyle ng makahabol ito sa kanila.

" Tabi dyan, Kyle. May tama si Ms. at kailangan ko siyang madala agad sa hospital. " galit na sabi ni Alfred dito, dahil nakaharang ito sa dinadaanan niya.

Dahil sa gulat, agad namang tumabi si   Kyle. Ipapasok na sana ni Alfred si Kiara sa backset sa isa sa mga kotseng naroon ng may pumigil sa kanya.

" I'll carry her. " seryuso nitong sabi.

Hindi pa man nakapagreact si Alfred ng kinuha na nito si Kiara sa kanya. Kita mo yung pagdidilim ng mukha niya habang nakatingin sa mukha ni Kiara na walang malay.

" Here, use my car. " sabi nito.

Kahit na naguguluhan, kinuha naman ni Alfred ang susi ng sasakyan ni Ezekiel, saka pumunta doon at agad na minaneho. Sumakay naman si Ezekiel sa loob ng sasakyan habang buhat nito si Kiara. Pagkaparada nito sa harapan nila. At saka tuluyan ng umalis doon sa lugar.

Agad namang sumunod sina Mandy sa kanila. At kahit na may kunting saya ng makita nila si Kiara at hindi ito nadamay sa pagkasunog kanina. Nandon parin ang takot sa mga puso nila, dahil hanggat hindi nila nakikitang dumidilat si Kiara. Hindi sila mapapanatag sa kalagayan nito.

Pero ang mas nakakagulat ay ng makita ni Nika si Mrs. Lopez na halos matumba na ito sa kinatatayuan niya kung hindi lang ito nakahawak kay Mr. Lopez na mapatingin ito kay Kiara kanina. Hindi rin makawala sa paningin niya na halos mawalan na ito ng dugo sa mukha, habang nakatingin kay Kiara kanina. Kung ano man yung nangyari sa kanya. Masasabi niya huli na ang lahat para pagsisihan nito.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now