Chapter 33

6.4K 180 0
                                    

* Ezekiel POV *

Parang gusto kung sirain itong monobela na nasa harapan ko dahil sa kakaisip sa babaeng yun. Kung ako lang sana ang masusunod.. hindi ko talaga hahanapin ang babaeng yun.

Gabi na kasi pero hindi pa siya nakauwi ng bahay. Tumawag kasi si Mommy kanina sa mansyon na doon daw kami magpapasko sa kanila. Pero nalaman nito na hindi pa nakauwi si Mae. Kaya ayun tinawagan ako at pinagalitan dahil hindi ko daw hinahanap ang asawa ko.. at hindi ko daw alam kung saan pumupunta ang babaeng yun? Alam niya naman na matigas ang ulo ng babaeng yun, kaya dapat masanay na sila na laging ginagabi ng uwi ang babaeng yun.

Dahil hindi ko matiis si Mommy, hinanap ko siya. Pinuntahan ko siya sa kahit anong lugar na maaari niyang puntahan. Kahit sa mga kaibigan niya ay nagtanong rin ako. Pero wala din silang alam kung nasaan ito.

Tumingin ako sa relo ko at kunti nalang magpapasko nah.

" Shit! 10:45 pm nah, hindi ko parin siya nahanap. " inis kung sabi sa sarili ko.

Nalaman ko kanina kay Chris na napadetention ito dahil sa pagsira nito sa net ng mga soccer players. Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa utak ng babaeng yun para gawin niya yun.

Malapit na ako sa mansion ng may nakita akong kotse na nakapark sa harap ng bahay namin. Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari nito dahil bago ko lang nakita ang kotse dito sa lugar namin.

Hininto ko muna ang sasakyan ko sa isang tabi at tiningnan ang sasakyan na nasa harapan ko kung ano ang ginagawa nito sa harap ng mansion namin.

Pero napakunot ang noo ko ng makita kung bumaba doon ang babaeng kanina ko pa hinahanap! At ang kinagulat ko ay yung makita siyang nakangiti. Yung ngiti na kahit kailan ay hindi niya pa pinapakita sa akin. Ngiti na alam mong totoo at masaya siya.

At hindi ko maiwasan makaramdam ng inis sa babaeng yun. All this time! May kasama pala siya? At ang mas kinainisan ko ay yung makita siyang masaya kasama ang iba.

Inistart ko na yung sasakyan ng makaalis na yung sasakyan sa harap ng bahay namin. Ipinasok ko na sa garahe yung sasakyan at pinatay yung engine, saka pumasok sa loob ng  bahay.

" Saan ka galing? " tanong ko sa kanya ng makapasok ako sa loob ng bahay.

" Dyan lang sa labas. " sabi nito ng hindi lumilingon sa akin.

" Sa labas? Sabihin mong nakipagdate ka lang. "

Agad naman siyang lumingon sa akin na  nakakunot ang noo.

" Anong ibig mong sabihin? " nagtataka nitong tanong sa akin.

Napangisi nalang ako sa inaasta niya  ngayon.

" Nagtaka ka pa? Nakita kita kanina na bumaba sa sasakyan yun... Now! Sabihin mo sa akin kung sino yun, Mae... Siya ba ang dahilan kung bakit gumabi ka ng uwi? " inis kung sabi sa kanya.

" Kung sabihin kung oo! May magagawa ka? " sabi nito na kinainit ng ulo ko.

Hindi ko dapat nararamdaman ang pakiramdam na toh. Dahil alam ko yung sitwasyon naming dalawa. Pero hindi ko parin maiwasan makaramdam ng galit ng makitang may kasama siyang ibang lalake. Parang ang sarap bugbogin ng makitang may ibang lalakeng humahawak sa kanya. Lahat ng nararamdaman ko ngayon. Lahat ito ay bago sa akin. At hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkaganito pagdating sa babaeng toh.

Huminga ako ng malalim saka kinalma ko ang sarili. Ayaw kung makipagtalo sa kanya ngayon lalo na at pasko. At alam ko din na kapag nag-away kaming dalawa ngayon? Isa sa amin ay hindi magpapatalo.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now