Chapter 56

7K 168 14
                                    

* Ezekiel POV *

Ipinarada ko yung sasakyan sa may garahe pagkadating ko sa mansyon. Kakauwi ko lang kasi galing sa company namin... Ako na kasi pinahawak ni Papa sa mga negosyo namin, dahil gusto na nila ni mama na magpahinga at mag-enjoy nalang. Binibiro pa nga nila ako nag gusto na nilang magkaapo.

Tsk! paano sila magkakaapo, kung yung babaeng magiging ina ng anak ko ay wala tulog parin? Naiinis na nga ako minsan kay Mae eh. Ang tagal gumising, at masyadong nagpapamiss.

Namimiss ko na yung mga yakap at halik niya.

" Good Evening, Sir. " bati sa akin nong katulong pagkapasok ko sa loob.

Tumango lang ako saka umakyat na sa may hagdan. Pero bago pa ako makahakbang muli, napatigil ako ng may sinabi pa ang katulong namin.

" Aah...Sir. May diniliver po palang envelope dito kanina, para daw po sa inyo. Importante daw po yun sa inyo, kaya nilagay ko nalang po sa kwarto niyo. " sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wala kasi akong inaasahan na may delivering dadating ngayon.

Tumango nalang ako ulit at pinagpatuloy  ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto.. hinubad ko yung coat na suot ko at itinapon lang yun sa kama.

Papasok na sana ako sa may banyo ng maagaw pansin ko ang isang brown envelope na nakapatong sa mesa malapit sa may kama. Lumapit ako don at kinuha yung envelope saka tiningnan yung laman non.

Bigla akong napaupo sa may kama ng mabasa ko ang nakasulat don. Parang tumigil ang mundo ko at nanginginig na rin ang buo kung katawan... Kasabay non ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Pilit kung iprocess sa utak ko na hindi totoo ang hawak ko ngayon. At sana panaginip lang ito. Pero kahit anong kurot ko sa sarili ko. Talagang masakit, katulad ng nararamdaman ko ngayon.

Ganito pala kasakit kapag nakita mo yung Annulment papers niyo. At ang masakit pa, talagang desido na si Mae na makipaghiwalay sa akin! Dahil talagang may pirma niya lahat ng papers na hawak ko. Alam kung ako yung may gusto maghiwalay kami. Pero noon yun na hindi ko pa siya mahal... Pero ngayon na mahal ko na siya.. nawala na sa isip ko na makikipaghiwalay sa kanya. Dahil gusto kung araw-araw ko siyang makasama. Kaya nga hindi ko na pinaprocess yung paghihiwalay naming dalawa dahil ayaw ko yung mangyari. Pero ngayon, siya na mismo ang gumawa ng paraan.

Inis kung pinunit yung mga papel saka itinapon sa may basuran na nandito sa loob ng kwarto.

Gusto kung malaman ang rason niya kung bakit gusto niyang makipaghiwalay sa akin, kapag gising na siya. Pero kung ano man ang rason niya. Wala parin akong balak na hiwalayan siya. Mananatili siyang asawa ko hanggang sa mamatay kami.

Pumasok na ako sa may banyo saka naligo. Kailangan kung pumunta sa hospital para bantayan si Mae. Mas gugustohin ko pang bantayan siya, kaysa mamahinga ako galing sa trabaho na ganun parin ang kalagayan niya.

Pagkatapos kung maligo, lumabas na ako ng banyo at nagbihis ng damit. Isusuot ko na sana yung damit ko ng sakto namang nagring yung phone ko. Kinuha ko ito saka sinagot.

" Hello! Mr. Peterson. Kailangan niyo pong pumunta dito sa hospital ngayon din. "

" Why? May nangyari ba sa asawa ko? " nagtatakang tanong ko dito.

" Yes! Mr. Peterson. Nawawala po ang asawa niyo. "

Matagal bago ko maprocess yung sinabi niya.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now