Chapter 42

6.6K 179 9
                                    

Napatingin ako kay Mae na kakalabas lang ng bahay namin. Agad akong lumapit sa kanya at hinila siya papunta sa kotse ko. Pero napatigil ako ng malakas niyang binawi yung kamay niya.

" What are you doing, Peterson? " malamig nitong sabi.

Alam kung hindi dapat ako magalit sa inaasal niya ngayon sa akin? Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis ng tinawag niya na naman ako sa last name ko?

" Sa akin kana sumabay. Pinaalis ko na ang Kuya mo. " mahinahon kung sabi sa kanya. Dahil kapag tinaasan ko yung pride ko? Mag-aaway naman kaming dalawa.

" What? " gulat nitong sabi. Pero agad ding nakabawi. " Magcocommute nalang ako. " sabi nito at tinalikuran ako.

Pero agad ko siyang hinila saka pinasok sa loob ng sasakyan. Sinabi ko kasi kanina kay Drake ang nangyari sa amin ni Mae. Kaya nakiusap ako sa kanya na sa akin nalang sumabay si Kiara para makapag-usap kami ng maayos. Nong una hindi siya pumayag, dahil nagalit din ito sa ginawa ko. Pero sa huli napapayag ko rin siya at sinabihan ako na aayusin ko yung tungkol sa amin ng kapatid niya. At talagang yun ang gagawin ko.

" Ano ba ang ginagawa mo, Peterson? Nag-usap na tayo kagabi diba? At hindi pa ba malinaw sayo na ililigtas ko si Trexie. " sabi nito na halatang galit.

Hininto ko yung sasakyan sa may tabi at tiningnan siya ng seryuso. Nakita ko naman yung pagtataka sa mukha niya. At tulad kanina mabilis din ito nawala at umiwas ng tingin sa akin. Napabuntong hininga nalang ako sa nangyayari.

" I'm sorry. " sabi ko.

Hindi siya kumibo at nanatiling tahimik.

" Sorry sa mga sinabi ko sayo kagabi, Mae. Nadala lang ako sa nararamdaman ko kaya nasabi ko ang mga bagay na yun. "

" Nangyari na ang nangyari, Peterson. At tanggap kuna.. na kasalanan ko ang lahat. "  napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun.

" No! Mae. Hindi mo kasalanan ang lahat. Kasalanan lahat ni Evilton. Kasalanan niya kung bakit nangyayari toh sayo? " sabi ko sa kanya.

Kung hindi ulit ginulo ni Evilton ang pamilya ng mga Lopez. At kung hindi niya sana kinuha ang kakambal ni Drake. Hindi sana lahat mangyayari toh. Hindi sana siya nasasaktan ngayon.

" Pero sa akin parin nagsimula ang lahat, Peterson. Kung hindi ako nabuhay sa mundong ito? Hindi mangyayari lahat ng kamalasan sa buhay niyo? Kaya mas mabuti pang maw- "

Hindi ko na siya pinatapos ng halikan ko siya, dahilan para tumahimik siya at magulat sa ginawa ko.

" Huwag na huwag mo yang sasabihin, Mae. Alam kung napakalaki kung tanga ng sinabi ko yun sayo kagabi.. At nagsisisi na ako sa ginawa ko sayo. Ayaw kitang mawala, Mae. At hindi ko kakayanin... kapag nawala ka. "

Kitang-kita ko yung pagkalito sa mukha niya ng sabihin ko yun sa harapan niya. At parang gusto kung ngumiti ng makita yung reaksyon ng itchura niya. Ang cute niyang tingnan.

" A-ano bang pinagsasabi mo dyan, Ezekiel? "

Tuluyan na akong ngumiti ng marinig ko muli ang pagtawag niya sa pangalan ko. At this time, hinalikan ko ulit siya. Halik na kanina ko pa gustong gawin sa kanya. Sa isang linggo niyang pagkawala.. ito ang isa sa mga namiss ko sa kanya. Ang halikan siya. At mas lalo pa akong napangiti na tumugon siya sa mga halik ko.

Ngayon sigurado na ako. Sigurado na ako sa nararamdaman ko sa babaeng toh.

* Kiara POV *

The Life of a Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon