Chapter 48

6.2K 151 4
                                    

" Hoy! Eze. Sorry na. " sabi ko pero ayaw parin ako pansinin.

Umusog pa ako ng kunti para makalapit ako sa kanya. Pero ang gago, umusog din papalayo sa akin? Nainis naman ako sa ginawa niya, kaya tumayo ako at pumunta sa likuran niya, saka siya niyakap sa leeg. Napansin kung parang nagulat yata siya sa ginawa ko?

" Hon, sorry na. Patawarin mo na ako please? Wala naman talaga akong intensyon na tulongan sila kanina. Kaya lang naawa na talaga ako sa kanilang tatlo. " paglalambing ko sa kanya.

Ipinatong ko yung baba ko sa balikat niya para lambingin pa siya lalo. Nandito parin kami malapit sa may dagat, nakaupo siya sa tela na nilatag niya kanina habang ako naman ay nakaluhod sa likuran niya habang nakayakap sa kanya.

Kanina pa nga ako naghihingi ng sorry sa kanya dahil nagalit ito sa akin dahil nakisali ako sa gulo na hindi ko naman gulo? Ang kinagagalit niya kasi ay baka may mangyaring masama sa akin o di kaya ay mapahamak ako? Pero parang hindi niya ako kilala... Hindi niya ba alam na sanay na ako sa gulo? Pero ang mas kinagagalit niya talaga ay itong suot ko? Bakit daw ba kasi ako pumunta doon na nakatwo piece lang? Ang sarap ngang batukan eh. Hindi niya ba alam na nasa beach kami kaya nakatwo piece ako. Isa pa, nakasuot ako ng T-shirt kanina, kaya malamang hindi nila nakita yung suot  kung two piece. At ang mas lala pa, bakit daw ako nagpahawak sa kanila? Anong gusto niyang gawin ko? Umilag lang ng umilag, hanggang sa mapagod sila?

Iwan ko nga ba kung bakit ako nagsosorry ngayon? Hindi pa kasi ako pinapansin nito simula pa kanina. Kaya ako nalang yung nagsorry para matapos na. Kahit wala naman akong kasalanan.

" Hon, sorry na. "  sabi ko at hinalikan ko pa siya sa pisngi.

Alam kung nagulat ko siya sa ginawa ko. Dahil ito ang unang pagkakataon na ako yung humalik sa kanya. Gusto ko lang kasing ipakita sa kanya yung side ko nong bata ako. Yung sweet at masihayin na si Mae.

Pero dahil ayaw talaga akong pansinin ng lalakeng toh? Inis akong umalis sa pagkakayakap sa kanya, saka tinulak.

" Kung ayaw mo akong pansinin, edi wag! " inis kung sabi at hinampas siya sa balikat. Pero hindi man lang nasaktan ang gago.

Inis kung hinubad yung suot kung damit at itinapon nalang sa kung saan saka pumunta sa may dagat para lumangoy. Wala naman akong mahihita doon sa gagong yun, kaya mas mabuti pang iligo ko nalang toh.

Sobrang naiinis ako ngayon. Akala ko ba pumunta kami dito ay para sumaya? Pero ano ang ginagawa niya ngayon? Nag-iinarte siya. Kasalanan na bang tumulong ngayon?

Pero may side na nalungkot ako. Kasi ito na ang huling araw na magkakasama kaming dalawa. Kailangan ko na kasing bumalik para simulan ko na yung binabalak ko. Ilang araw na kasing lumipas pero hindi pa ako kumikilos para iligtas sila.

Aaminin kung nawala sa pag-iisip ko sina Kuya David at Trexie na iligtas. Ngayong lang kasi ako nakaramdam ng ganito kasaya sa buong buhay ko. Kaya nawala sa pag-iisip ko yung pagligtas sa kanila. At kailangan na naming kumilos, dahil baka kung ano na ang pinagagawa sa kanila ni Evilton.

Habol ko ang hininga ko ng may biglang umahon sa akin mula sa tubig. Napaubo naman ako dahil sa tubig na pumasok sa ilong ko.

" Damn! Magpapakamatay kaba? " galit nitong sabi.

Nang makabawi na ako. Napatingin ako sa lalakeng nagbigay ng kasiyahan sa akin kahit sandali lang. Ang lalakeng nagbibigay halaga sa akin. Bawat araw na magkasama kami dito. Walang araw na hindi niya ako napapangiti. Kahit simplenh bagay lang at kahit simpleng joke niya lang na hindi naman talaga nakakatawa? Napapangiti niya parin ako. Nakita ko rin yung side niya nong magkasama kami. Napakaalaga niya at napakasweet. Ang swerte ni Trexie sa kanya. Sana huwag na siyang pakawalan ni Trexie. Dahil bihira ka lang makakita ng ganitong klaseng lalake.

Sa bawat araw na magkasama kami. Lalo akong nahuhulog sa kanya na alam kung dapat kung pigilan. At masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa itong nararadaman ko sa kanya.

" Wife. Are you- "  hindi ko na siya pinatapos ng ako mismo ang humalik sa kanya.

Nong una nagulat pa siya, pero hindi kalaunan ay gumanti na rin siya ng halik na mas pinalalim niya pa.

Ito ang isa sa mga mamiss ko sa kanya ang yakap at mga halik niya. Mga halik na nagbibigay ng init sa katawan ko at nagpapahina sa akin. At mga yakap na pakiramdam ko ay ligtas ako. 

Napabangon ako ng marinig kung nagvibrate yung phone ko.

Unti-unti kung inalis yung kamay niya na nakayakap sa akin at dahang-dahang umalis sa kama at sinuot yung robes. For the last time, may nangyari ulit sa amin. At ito na ang huling beses na may mangyari sa amin.

Pumunta ako sa may veranda at sinagot yung tawag.

" Yes? "

" Ms. "

Bigla akong nagseryuso ng si Alfred yung tumawag.

" May sasabihin ka? "

" Yes! Ms. Narinig ko mula mismo kay Evilton na balak niyang patayin ang Kuya mo at si Trexie kapag hindi kapa nagpakita? "

Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya. Hindi talaga siya makapaghintay na mapatay ako?

" Kamusta sila Kuya? " tanong ko sa kanya.

" Pareho silang hindi okay Ms. Dahil sinasaktan na din ni Evilton si Trexie. Pero mas malala ang sa Kuya mo, Ms. Dahil halos araw-araw nila itong sinasaktan. Kaya kailangan na nating kumilos, Ms. Bago pa may mangyaring masama sa kanila. " seryusong sabi sa akin ni Alfred.

Lintek ka Evilton! Talagang ginagalit mo ako. Huwag ka ang talagang magkakamaling patayin sila. Dahil lintek lang ang walang latay!

" Alfred. "

" Yes! Ms. "

Napangisi nalang ako dahil mukhang alam na ni Alfred kung ano ang nasa isip ko.

Ako at si Alfred lang ang nakakaalam kung saan nagtatago si Evilton. Hindi ko pa sinasabi kina Mandy kung saan nagtatago si Evilton, dahil may plano ako na kami lang dalawa ng Alfred ang nakakaalam. Pero kapag binago ko ang plano namin? Baka masira lang lahat ng pinaghirapan ko. Baka tuluyan na silang mawala.

" Prepare my weapon. We will save them. " sabi ko dahilan para ikasaya niya

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now