Chapter 18

6.5K 179 6
                                    

Kanina pa ako nandito sa loob ng opisina ni Boss. At 2 hours na ako naghihintay, pero hanggang ngayon wala pa siya!

Pinagtataguan ba ako ng matandang yun? Sa pagkakaalam ko dito lang siya tumatambay. Bakit wala pa siya? Kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya ulit. At kapag hindi niya pa sinagot ang tawag ko? Papasabugin ko talaga ang Bar niya.

Nakakailang ring pa.. bago niya pa ito sinagot.

" Mabuti naman at sinagot niyo na rin? "  inis kung sabi.

"  Bigla kasi akong nakaramdam ng hindi maganda, e. "  sabi nito.

At mabuti naman naramdaman niya. Dahil kung hindi, papasabugin ko talaga ang Bar niya. Kasama ang mga tao dito.

" May gusto akong sabihin sayo. "  agad kung sabi sa kanya.

" Alam ko. Pero syempre may kapalit. "  sabi nito.

Nakakainis ang matandang toh! Kung hindi ko lang siyang tinuturing bilang ama ko? Malamang kanina ko pa ito pinatay. Napakamandurugas kasi. Lahat nalang ng pabor na hinihingi ko sa kanya, laging may kapalit!

" Fine! "  sabi ko nalang, dahil alam kung wala naman akong magagawa kapag tumanggi ako.

Narinig ko naman na tumawa siya sa kabilang linya. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya pinaghahalaan na kabilang siya sa mga boss ng mafia. Kung kumilos kasi, parang bata kahit na lagpas na sa calendar yung edad niya.

" Pwede ka bang mag waitress muna dyan sa bar? Kulang kasi sila. "  sabi nito.

" NO WAY! "  biglang sigaw ko. Mas gugustohin ko pang mag vocalist o mag bartender nalang. Pero ang mag waitress?

Huwag nalang!

" Ikaw rin. Hindi mo rin makukuha ang gusto mo.. At mas lalong hindi mo na rin makikita ang kapatid mo? "

Bwesit! Nang blackmail pa talaga!

" Mandurugas ka talaga! "  galit kung sigaw sa kanya at pinatay na yung phone ko.

Lumabas na ako sa opisina niya at dumeritso sa may counter. Hindi naman sinabi ni Boss na kailangan ko ring magbihis ng damit, katulad sa mga waitress niya? Kaya okay na itong suot ko para makapagserve.

" O! Hi Kiara! Magseserve ka? " nakangiting tanong sa akin ng isang bartender.

" Yeah! "  walang ganang kung sabi sa kanya.

Pero pansin ko yung pagkakunot ng noo niya, habang nakatingin sa suot ko.

" What? "  inis kung tanong sa kanya.

" Eh....nagtext kasi sa akin si Boss. Magpalit ka daw ng damit katulad sa mga waitress... Kung hindi- "

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng sinamaan ko siya ng tingin. At napansin ko kung paano siya napapalunok ng sunod-sunod.

" Ihanda mo yung iseserve ko? "  seryusong sabi ko sa kanya at umalis sa harapan niya.

Pumunta ako sa may locker room ng mga babae at kumuha ng uniform na hindi pa nagagamit at yung sakto sa katawan ko. Ayaw-ayaw ko talagang isuot ang damit na ito. Sobrang hapit kasi sa katawan ko at sobrang eksi at hapit na hapit talaga sa katawan ko! Lalo na yung damit nila. Dahil naka white T-shirt naman ako? Yung miniskirt lang ang sinuot ko na talagang kitang-kita ang hita ko. Mabuti nalang nakacycling ako. Kaya hindi ako mabubusuhan nito. Pinarisan ko na rin ng black sneakers ko at saka itinali yung buhok ko.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now