Chapter 27

6.5K 166 3
                                    

* Kiara POV *

" Boss naman! Sinabi ko ng hindi na kailangan yun? " inis kung sabi sa kanya.

" No! Kiara. My decision is final. "

" But, Boss! Kunwari lang naman ito... Kaya hindi na kailangan na sa simbahan pa ang kasal. " pamumulit ko sa kanya

Kanina pa kaming nagtatalo ditong dalawa tungkol sa pesteng kasal na yun. Nang malaman kasi ni Boss na pumayag na ang anak niya na pakasalan ako? Pinapunta niya kaagad ako sa bahay nila, at sinabi ba naman sa akin na simbahan kami ikakasal? Sinabi ko nga sa kanya na kahit sa Judge nalang kami ikakasal, dahil yung surname lang naman ang kailangan ko. Hindi yung anak niya!

" Its still no, Kiara. " pagmamatigas nito.

Bwesit talaga!

Napatingin naman ako sa anak niya na kanina pa nandito, habang kumportableng nakaupo sa sofa.

" Ikaw! Wala ka man lang bang sasabihin? "  inis kung tanong sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin. At talagang nakataas pa ang isang kilay niya?

" Kahit na anong pilit mo kay Daddy. Hindi parin yan papayag.. Talagang ang gusto niya ang masusunod. Kaya pumayag kana lang. Kung ayaw mong, hindi matuloy ang kasal. "  sabi nito sa akin..

Kinuha ko yung magazine na nakapatong sa ibabaw ng mesa at inis na itinapon sa kanya.. na kanya namang nailagan. At mas lalo lang magdagdagan ang inis ko ng ngumisi lang ito sa akin.

" Bwesit! " inis kung sabi at napaupo nalang sa may sofa.

Si Boss naman, parang tanga na ang laki ng ngiti... Kulang nalang mapunit yung bibig niya sa pagkangiti niya.

" So! Okay na ang lahat? Ang by the way. Next week na yung kasal niyo. " nakangiti nitong sabi.

Hindi nalang ako umangal pa dahil hindi niya naman kami papakinggan. Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko kay Boss? Baka kanina ko pa ito pinatahimik... Ang tigas kasi ng ulo eh.

*****
Sa mga nagdaang araw? Wala akong ibang ginawa kundi ang magpakabusy...

Magpakabusy sa pesteng kasal na yan... Sukat ng damit.. ang pagpunta sa food gathering para pumili ng food. At kung ano-ano pa!

Actually, hindi naman ako halos ang gumawa non, dahil nandon si Tita para tulunga ako. Pero naiinis talaga ako, dahil hindi ko naman dapat toh ginagawa dahil hindi naman totoo ang kasal namin... Oo! Ikakasal kami! Pero sa papel lang at sa mga mata ng mga tao. Pero hindi sa amin at sa kung sino man ang nakakaalam kung bakit kami ikakasal!

Hanggang sa dumating na yung araw ng kasal namin.

" I'm happy for you, Mae. " nakangiting sabi sa akin ni Annika.

" Anong I'm happy for you ka dyan? Tanga ka ba? Ikakasal lang si Mae, dahil lang sa apelyido ni Peterson. " sabi naman ni Mandy.

" Kahit na! Atleast pareho na tayong tatlo na may mga asawa nah. "  nakangiti nitong sabi.

" Shut-up! Nika! Hindi ko aasawahin si Peterson. " sabi ko sa kanya.

Pero ang Nerdy, tinawanan lang ako?

Matapos akong ayusan. Sinuot ko naman yung damit ko na parang katulad kay cinderilla na sobrang bigat.. Idagdag mo pa yung heels na yung na sobrang taas. Pagkatapos non, umalis na kami ng hotel na pagmamay-ari nina Boss.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now