Chapter 39

6.4K 157 12
                                    

* Ezekiel POV *

Matapos ang nangyari kanina, dito na kami dumeritso sa hideout ng mga Street Kings... Sina Mrs. Lopez naman ay pinauwi muna namin, para magkapagpahinga muna sila. Meron ding nagbabantay sa kanila para siguradong ligtas sila doon.

Si Mae naman, hindi pa nagpapakita sa amin simula kanina. Nag-alala na nga ako sa kanya matapos ang sagutan nila ni Mrs. Lopez kanina. Gusto ko siyang hanapin para damayan sa sakit na nararamdaman nito. Pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin... Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ko macontact ang phone niya. Nag-alala ako dito sa maari nitog gawin. Baka sumugod siya mag-isa sa kampo nila Evilton.

Isa pa yung si Evilton. Bakit kailangan niya pang idamay si Trexie? Wala naman itong kinalaman sa nangyayari. Huwag lang talaga siyang magkakamaling saktan si Trexie, dahil ako mismo ang tatapos sa kanya.

" Ano ba kasi ang nangyari kanina Alfred? Bakit nakuha nila si Trexie? " inis na tanong sa kanya ni Nick.

" Alam kung kasalanan ko ang nangyari? Naging mabilis kasi sila, at nagulat nalang ako kanina ng may biglang tumakil sa ilong ko at may pinaamoy silang gamot sa akin para makatulog ako. Kaya ayun nakuha nila si Trexie sa akin. " sabi nito na halatamg sinisisi niya ang sarili niya.

" Ilang ulit bang sabihin sa atin ni Heaven na maging alerto tayo sa lahat ng oras! Kaya ikaw ang pinabantay niya kay Trexie, dahil may tiwala si Heaven sayo, Alfred. " galit namang sabi ni B.A.

Kung hindi kapa nasanay na tumingin sa kanya. Paniguradong tatakbo kana sa takot ngayon dahil sa mga mata niya. Talagang umiiba ang kulay nito kapag nagagalit siya.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang lahat, dahil kanina pa ako naguguluhan sa mga pinagsasabi nila. Ano ang kinalaman ni Alfred kay Trexie? Ang alam ko lang ay may binilin si Mae bawat isa sa kanila, bago magsimula ang kaguluhan kanina.

" Tumigil na kayo. Wala tayong makukuha kung patuloy tayong magsisisihan dito. "  seryusong sabi ni Hell.

Minsan talaga naisip ko na mas nakakatakot si Hell kaysa kay B.A. Sa codename palang nito ay kakaiba na. At kahit na namumula ang mga mata ni B.A. mas nakakatakot parin si Hell sa kanya dahil sa aura nitong dala. Si Hell kasi yung tipo ng tao na kahit hindi kapa nakakilos sa kinatatayuan mo? Ay siguradong patay kana. Magkatulad sila ni Heaven, na talagang nakakatakot ang aura na laging dala nilang dalawa. Isang salita palang kasi ni Heaven, napapasunod niya na kaagad ang mga tao na nasa paligid niya.

" Wait! Just tell me, kung ano ang kinalaman ni Alfred kay Trexie. " naguguluhan kung tanong sa kanila.

Napatingin silang lahat sa akin. At kitang-kita sa mga mukha nila na parang wala silang balak na sabihin sa akin ang nangyayari? Nakakabwesit na! Para kaming mga tanga dito na hindi alam kung ano ang nangyayari sa paligid.

" Fine! Huwag niyo nalang sabihin sa akin. "  inis kung sabi.

Napabuntong hininga naman si Hell saka tumingin sa akin.

" Lingid sa kaalaman mo.. magkaibigan lang sila Alfred at Kiara. At akala mo din kaya nandito si Alfred ay dahil may pinagagawa sa kanya si Kiara. "

" So, bakit nga ba nandito siya? " sabi ko na nakaturo pa kay Alfred.

Pakiramdam ko kasi may iba pang dahilan kung bakit nandito ang lalakeng yun.

" Nakiusap sa kanya si Kiara na dito mag-aral para mabantayan ni Aflred si Trexie. "

" A-Ano? Pero bakit? " naguguluhan kung tanong sa kanya.

" Dahil alam ni Kiara na idadamay ito ni Evilton... Alam niyang kukunin ni Evilton si Trexie para lalong saktan ang mga Lopez. Tulad ng nangyari noon. "

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now