Chapter 45

6.3K 158 4
                                    

Napagising ako ng marinig ko yung mga huni ng ibon na nanggagaling sa labas.

Umaga na pala.

Napangitin ako sa katabi ko ng maramdaman ko ang mga kamay nito na nakayakap sa bewang ko. Napatagilid ako ng higa para matingnan ko siya ng maayos na hanggang ngayon ay tulog parin. Napangiti ako ng may nangyari na naman ulit sa amin kagabi.

Alam kung tanga ako, dahil ibinigay ko ang sarili ko sa taong may iba ng mahal... Hindi niyo naman ako masisisi diba? Dahil nagmahal lang din naman ako. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at sa maling tao pa na alam kung hindi masusuklian ang pagmamahal ko.. Pero habang wala pa yung taong mahal niya? Kailangan kung sulitin ang mga araw na kasama ko siya, na magkasama kaming dalawa. Dahil alam ko na ang pagmamahal ay hindi magtatagal.

Napamura ako ng tumunog yung tyan ko sa gutom. Nakalimutan ko palang kumain kagabi. At kasalanan ng lalakeng toh kung bakit hindi ako nakakain kagabi.

Bumangon ako ng kunti para gisingin siya, dahil talagang nagugutom na ako.

" Ezekiel. " pagtawag ko sa pangalan niya. Pero hindi naman sumasagot?

" Ezekiel. "

" Hmm.. " sabi nito na nakapikit parin ang mga mata.

" Nagugutom na ako. " sabi ko pero hindi lang nagsalita ang gago. Kaya tinawag ko siya ulit.

Nang hindi siya sumagot. Kinurot ko siya dahilan para mapasigaw siya at magising.

" What is your problem? " inis na tanong nito sa akin.

" Nagugutom na ako. " sabi ko sa kanya.

Nainis naman ako ng tiningnan lang ako nito saka ngumiti. Ano ba ang problema ng lalaking toh? Abnormal ba toh?

Dahil wala naman akong nakuhang responce sa kanya? At sa inis ko, sinipa ko siya, dahilan para mahulog siya sa kama. At ako naman ay umalis ng kama at nagmamadaling magbihis saka lumabas ng room namin. Nakalimutan ko tuloy magsuot ng tsenilas dahil sa pagmamadaling kung makakain nah. Kagabi pa ako walang kain at talagang gutom na gutom ako ngayon. Kaya huwag lang talagang magkakamali ang mga tao dito na awayin ako.

* Ezekiel POV *

Langya talaga ang babaeng yun. Tapa bang sipain ako ng malakas? Ang sakit tuloy ng pwet ko dahil sa pagkakahulog ko sa kama. Rinig ko naman yung sinabi niya na gutom siya? At gusto ko lang talaga siya inisin kanina. Pero hindi ko alam na ganun pala siya kapag gutom, nagiging amazona? Kung sabagay matagal naman talaga yung amazona.

Pero napangiti ako ng maalala ko yung nangyari sa amin kagabi. Pangalawang beses ng mangyari sa amin, at hindi ko yun pinagsisihan. Marunong ako magpigil, pero pagdating sa kanya? Talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan siya. At angkinin siya ng paulit-ulit. Naramdaman ko na nabuhay na naman ang alaga ko ng maalala ko yung ayos niya kagabi, pagkalabas niya ng banyo. Yun ang pangalawang beses na nakita ko siya nakatapis lang ng tuwalya ang kanyang katawan. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan siya at angkinin. Because she is so damn hot!

Nagbihis na ako para sundan siya sa labas. Bago pa ako makalabas ng kwarto namin, napatigil ako ng makita ko yung tsenilas niya na nasa tabi lang ng kama namin.

Umalis ba siyang nakapaa lang?

Kinuha ko nalang yung tsenilas niya saka lumabas na ng room.

" Excuse me! Nakita mo ba ang asawa ko? "  tanong ko doon sa isang crew.

" Si Mrs. Peterson po? Nakita ko siyang papunta sa lobby kanina. " sabi nito.

The Life of a Cold PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora