Chapter 37

6.2K 172 3
                                    

Papunta na ako sa kinarurunan nina Hell gamit ang motor ko na kanina lang ibinigay sa akin ni Eze. Hindi na ako sumabay sa kotse niya dahil baka mas lalo lang kami matagalan. At alam ko naman na nakasunod silang lahat sa akin.

" Heaven, nasan kana? " galit na tanong sa akin ni Hell.

" Malapit na ako. "

" Good! Bilisan mo na ang pagpaneho dyan, dahil masyado silang marami dito. " sabi nito.

Mas binilisan ko pa ang pagpaneho ko. At pagkaraan ng ilang minuto nakarating na din ako sa kinaruruunan nila. Agad akong bumaba sa motor ko at tinulongan na rin silang makipaglaban. Pinagsusuntok at sinisipa ko yung mga kalabang lumalapit sa akin. Napatingin naman ako kina Hell at B.A na pinuprotektahan yung dalawang tao.

Si Hell na pinagbabaril yung magtangkang lumalapit sa kanila. At si B.A na brutal na hinihiwa yung ibat-ibang parte ng katawan ng mga kalaban niya, gamit ang espada nito.

Napiling-iling nalang ako sa pinagagawa nilang dalawa. At sa kinuha yung small knife ko na ginamit ko kanina. At kahit maliit lang na kutsilyo ang hawak ko? Kayang-kaya parin nito makapatay.

Sa bawat dinadaanan ko, mabilis ko silang sinasaksak sa puso at hinihiwa ang kanilang leeg para madali silang mapatay.

Nagkatinginan kaming tatlo saka ngumisi. At sabay-sabay na sinugod yung mga natitira pang mga kalaban, na nasa tanya ko ay nasa 10 pa ito o higit pa. Masasabi kung magagaling ang mga tauhan ni Evilton. Pero wala paring makakatalo sa tatlog demonyong nasa harapan nila.

" Bitawan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sayo. "

Napatigil ako sa pakikipaglaban ng makarinig ako ng sigaw at isang boses na pamilyar sa akin. At parang biglang kumulo ang dugo ko ng makita si Evilton, habang hawak-hawak ang isang babae na may nakatutok na baril dito.

" Trixie. "

Kahit hindi ako lumingo, alam ko kung sino ang nagsalita. Matagal din na panahon na marinig ko ang boses niya.

" Long time no see, Mr. and Mrs. Lopez. " nakangisi nitong sabi.

Napatingin ako sa deriksyon niya at kitang-kita ko kung paano nanigas sa kinatatayuan ang mag-asawa.

" E-evilton. " nanginginig nitong sabi.

Ngumisi lang sa kanya si Evilton na halatang nasisiyahan sa nakikita niya ngayon.

" Balita ko.. itong ampon niyo ang nagpapasaya sa inyo ngayon? Paano kung kukunin ko din siya sa inyo... Katulad ng pagkuha ko sa mahal niyong anak noon? "

Shit! Sa kanya na mismo nanggaling na siya ang kumuha kay Kuya David.

" M-mommy. " naiiyak na sabi ni Trexie na halatang nasasaktan sa ginagawa sa kanya ni Evilton.

" Bitawan mo na ang anak ko, please. Maawa ka sa amin Evilton. Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa pamilya ko noon? " nagmamakaawa niting sabi.

Napailing nalang ako sa nakikita ko ngayon. Ganyan niya ba talaga kamahal si Trexie para umiyak siya ng ganyan? Hindi naman sa naiingit ako. Pero kahit kailan, hindi ko pa siya nakikitang umiyak o ngumiti man lang na ako yung dahilan. Umiiyak nga siya, pero sa akin niya naman sinisisi ang lahat.

" Alam mo Mrs. Lopez. Okay na sana ng lahat noon at wala na sana akong balak guluhin pa ang pamilya mo. Kaya lang, binuhay mo pa kasi yung batang sisira sa lahat ng pinaghirapan ko. " galit nitong sabi na ngayong nanliliksi na ang matang nakatingin sa akin.

Demon is always a demon. Inaasahan ko ng sasabihin niya yun. Pero mas masakit pala kapag harap-harapang sinasabi yun sa iyo? Kung sa bagay masama ang ama ko. At kahit sariling anak nito ay kaya niyang patayin.

" Kiara. "

Napatingin ako kina Hell at B.A. nakikita ko sa mata nila na naaawa sila sa akin at alam kung nasasaktan rin sila sa nangyayari. Ngumiti lang ako sa kanya para sabihing na okay lang ako.

" What do you want? " bigla kung singit sa usapan nila.

Mas lalong nanliksik ang mga mata ni Evilton habang nakatingin sa akin. At alam kung bakit ganyan siya makatingin sa akin.

" Manang-mana ka talaga sa akin, bata. Akalain mong nagawa mong pasabugin ang isa sa mga kompanya ko na hindi ko alam? " gigil nitong sabi sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanya na mas lalong kinagalit niya. Isa yun sa mga plano ko kapag may ginawa siyang hindi maganda sa party kanina. At ginawa niya nga. Kaya agad kung inutusan sina Kyle at Clay na pasabugin ang kompanya niya.

" Itigil mo na ito, Evilton. Nasasaktan na si Trexie sa ginagawa mo! " galit na sigaw ni Eze.

" Peterson! Nandito ka ba para protektahan ang asawa mo.. O, nandito ka para iligtas ang mahal mo? " nakangising tanong sa kanya ni  Evilton.

Napatingin ako kay Ezekiel na nakatingin kay Trexie. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya habang nakatingim kay Trexie. Takot para sa babaeng mahal niya.

" Let go of her. " sabi nito na hindi sinagot yung tanong ni Evilton.

Sabihin niya man o hindi? Nakikita ko na nag-alala siya kay Trexie. At alam kung nandito siya para iligtas ito.

Siguro kailangan ko ng tanggapin na walang ibang magmamahal sa akin kundi ang mga kaibigan ko lang. Ang mga taong tinanggap ako at tinuring na bilang pamilya nila. Dahil alam ko na kahit kailan, hindi ako magagawang mahalin ng taong nasa harapan ko ngayon at ng mga magulang ko.

" Makukuha niyo lang ang babaeng toh, at yung isa niyo pang anak... Kung ibibigay niyo ang gusto ko. " nakangisi nitong sabi.

" What do you mean? " nagtatakang tanong sa kanya ni Mr. Lopez.

" Gusto ko lang malaman niyo na hanggang ngayon ay buhay pa ang batang kinuha namin sa inyo 12 years ago. "

Kita ko ang pagkagulat at pagkasabik sa mga mata nina Mr. Lopez ng malamg buhay pa ang anak nila. Lalo na si Kuya Seph na hindi mapigilang ngumiti. Alam kung nasasabik rin siyang makita ang kakambal.

" At alam kung pinaplano mo rin siyang makuha.. " sabi nito.

Nanlaki ang mata ko ng may kinuha siya sa ilalim ng suot niyang sapatos. Nakangising ipinakita niya yun sa akin at saka inihulog at inapakan ito.

Shit! Paano niya nalaman? Paano niya nalaman na sinadya kung maglagay sa kanya ng truking divice? Yun nalang ang tanging paraan para matunton ko kung saan nila itinago si Kuya David. Pero sinira na ng demonyong yun.

" Bwesit ka talaga Evilton. Ano ba talaga ang kailangan mo para matapos na ito? " galit na sigaw ko ng hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Hahakbang na sana ako para sumugod sa kanya ng hindi lang ako pinigilan nina Hell at B.A.

" Hindi pa ito ang tamang oras, Heaven. " bulong sa akin ni Hell.

" Ikaw! Ikaw ang kailang ko, Heaven. At gusto kung mawala kana sa landas ko. " sabi nito at umalis na sa harapan namin dala si Trexie.

Nanatili lang akong nakatayo dahil sa sinabi niya. Yun ba? Yun ba ang gusto nilang lahat na mangyari sa akin? At ganun na ba talaga ako kasamang tao para parusan ako ng ganito? Pinanganak lang naman ako at nabuhay sa mundong ito na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Ano ba ang naging kasalanan ko para parusahan ako ng ganito?

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now