Chapter 15

6.7K 169 2
                                    

* Authors POV *

Maraming naghihiyawan dahil sa nagaganap na laban ngayon. Lalo na at ngayon lang sila nakakita ng isang matindi at napakalupit na laban. At sa nakikita nila ngayon. Talagang masasabi nilang, mayroon ng makakatalo kay Ezekiel.

Walang iba kundi ang kinakalaban nito ngayon. At talagang nasisigurado silang may katapat na ang isang Ezekiel. Dahil napapantayan nito ang bilis, galing at lakas ni Ezekiel.  At siguradong malaking usap-usapan ang nagaganap na laban ngayon.

Kanina pa naglalaban ang dalawa, pero kahit ni isa wala man lang nakuhang galos ang kalaban ni Ezekiel. Dahil sa bawat atake na binibigay ni Ezekiel.. mabilis naman itong sinangga. Pwera nalang kay Ezekiel na marami ng nakuhang sugat sa mukha at sa katawan. Dahil kahit anong bilis ni Ezekiel.. nagagawa parin siyang habulin ng kalaban niya. At hindi nito kayang iwasan ang bawat atake na binibigay sa kanya. Lalo na at mas mabilis pa itong kumilos sa kanya.

" Yan lang ba ang kaya mong gawin? "  sabi nito na parang iniinsulto si Ezekiel.

Dahil sa sinabi nito.. mas lalong kumulo ang dugo ni Ezekiel. Dahil bilang isang pinuno ng isang mafia at King of Gangster. Nakakainsulto yun para sa kanya. Sa loob ng mahigit taon niyang pakikipaglaban. Ngayon lang siyang nainsulto ng ganito. At ngayon lang din siya nakatapat ng isang taong napapantayan ang lakas niya. At kaya-kaya siyang sugatan ng ganun kadali.

Tumayo siya sa pagkakaluhod, dahil sa ginawa ng kalaban niya sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, siguradong kanina pa patay ang kalaban niya. Dahil sa masaman tingin na ibinibigay niya dito. Pero ang hindi alam ni Ezekiel.. kanina pa nakangisi ang kaharap niya sa kanya na hindi niya makita ang mukha dahil sa maskarang suot nito.

" I kill you. " galit na galit na sabi ni Ezekiel sa kaharap niya. Saka siya na ang unang sumugod dito.

Sinipa niya ito sa may sikmura, na hindi naman natuloy dahil agad nitong nahawakan ang paa niya. Na ikinasingkit ng mata nito. Tumalon siya kasabay non ang pagsipa gamit ng isang paa niya, para sana patamaan ang kalaban niya na agad naman itong nagbend dahilan para hindi tumama ang sipa niya. At mabitawan nito ang paa niyang hawak nito. Nakita niya naman kung paano pabaliktad tumambling ang kalaban niya at tumayo ito ng maayos.

Nang nakapaglanding si Ezekiel sa sahig. Agad ulit itong sumugod sa kalaban niya. Naging mabilis ang kilos niya kaya nagawa niya itong suntukin sa sikmura, at hindi pa siya nakuntento. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito saka mabilis na inilagay ito sa likod ng kalaban. Dahilan para mapaluhod ito.

" Yan lang ba ang kaya mo? "  galit nitong balik tanong sa kalaban niya.

Pero ang hindi niya alam, mas lalong napangisi ang kalaban niya. At ang hindi alam ni Ezekiel... na walang-wala pa ito sa mga ginagawa ng kalaban niya sa labas ng underworld.

Ginamit niya ang lakas niya para tumayo, saka mabilisang humarap kay Ezekiel dahilan para magulat ito. Dahil ganun nalang ito kabilis na makawala sa pagkakawak niya dito.

" Lets' end this. "  seryuso nitong sabi.

Hindi pa man nakakabawi sa pagkagulat si Ezekiel ng sumugod na ito sa kanya. Kung kanina mas mabilis ang kilos ni Ezekiel. Ngayon ay dobleng bilis ang binibigay ng kilos ng kalaban niya sa kanya.

Mabilis nitong tinapos ang laban. Kahit anong lakas ng tao, at kahit na pinatatama niya ito sa katawan sa bawat atakeng binibigay niya. Hindi parin ito matumba-tumba. Kaya ang ginagawa niya, pinatamaan niya si Ezekiel sa dibdib.. kung saan malapit ang atay-atay nito. Sa kili-kili at sa likod ng tenga nito. Dahilan para hindi makagalaw si Ezekiel. Dahilan para maging hudyat na tapos na ang laban.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now