Chapter 30

6.5K 173 6
                                    

Malapit na akong matapos sa pagkain ko ng may biglang umupo sa upuan na nasa harapan ko. Napaangat ako ng tingin at bumungad sa akin ang mukha ni Drake na kasama si Chris.

" Anong kailangan mo? " tanong ko sa kanya at sinubo ang huling pagkain ko.

" Naikwento sa akin ni Kiel, ang pinag-usapan niyo. " seryuso nitong sabi sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam na may pagkachismoso pala ang lalakeng yun?

" Bakit kailangan mo pang hanapin si David? Matagal na siyang wala Mae. Kaya please lang, huwag mo ng ituloy ang paghahanap mo sa kanya... Dahil binabalik mo lang yung nakaraan eh. " galit nitong sabi sa akin.

Inubos ko yung tubig ko saka siyang tiningnan ng seryuso.

" Ano naman ang pakialam mo sa paghahanap ko sa kanya? Kung ano man ang ginagawa ko ngayon? Wala na kayong kinalaman don. At alam kung buhay pa si Kuya David. "

Kung para sa kanila patay na ito? Pwes! Para sa akin, buhay pa ang kuya ko. At gagawin ko ang lahat, mahanap ko lang siya

" May pakialam ako don, Mae. Dahil kakambal ko yun! At paano ka nakakasigurado na buhay nga siya? Paano ka nakakasigurado na kay Evilton ito? Sa hayop mong ama! "  seryuso at may bahid na galit na sabi nito sa akin.

" Hindi ko siya ama. " diin kung sabi sa kanya.

Nakangising tumingin siya sa akin dahilan para mas lalong kumunot ang noo ko.

" Balik-baliktarin mo man ang mundo, Mae. Hindi mo parin mababago na Tatay mo parin siya... Ang sumira sa pamilya ko... Ang bumaboy kay Mommy. At kasalanan mo parin kung bakit nawala ang kakambal ko? Ikaw naman siguro ang kailangan niya diba? Bakit hindi kana lang magpakita at isuko mo ang sarili mo sa kanya? Para magsama-sama ng kayo ng demonyo mong ama. At huwag ng guluhin ang pamilya ko! " galit nitong sabi sa akin.

Alam kung galit siya sa akin. Pero hindi ko alam na ganyan pala siya mag-isip?

Tumayo ako sa upuan ko, pero bago ako umalis sa harapan nila, may sinabi pa ako sa kanya na sapat ng marinig niya.

" Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang gusto mo. At kapag natapos na ang lahat ng ito? Asahan mong hindi niyo na ako makikita pa. " sabi ko at tuluyan ng umalis sa harapan nila.

* Drake POV *

Nakatingin ako sa papalayong si Mae.  Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon? Ilang araw din akong nag-isip-isip. At naisip ko na dapat ko muna siyang kilalanin dahil matagal din kaming hindi nagkasama. Pero ito ako ngayon, kung ano-ano ang pinagsasabi sa kanya... Alam kung nasaktan siya sa sinabi ko kanina. Pero hindi ko mapigilan yung sarili ko ng makaradamng galit sa demonyo niyang ama. At alam ko din na wala siyang kasalanan sa nangyari. Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng galit sa tuwing nakikita ko siya. Dahil naalala ko yung kahayupang ginawa ni Evilton sa Mommy ko.

" Hindi mo dapat sinabi yun kay Kiara, Drake. Alam kung siya ang sinisisi ng pamilya sa pagkawala ng kakambal mo? Pero hindi tamang sabihin mo yun sa kanya. " 

Inis akong tumingin kay Chris ng sabihin niya yun.

" Ano ba ang pakialam mo? Bakit ba concern kayo lahat sa babaeng yun? " inis kung tanong sa kanya.

" Matagal na naming kilala lahat si Kiara. At alam namin kung ano ang nangyari sa kanya at sa pamilya mo. "

" Yun naman pala eh. Kaya hindi mo ako masisi kung bakit nagkaganito ako ngayon? " inis ko paring sabi sa kanya.

Hindi niya pinansin yung sinabi ko. Tumayo ito sa upuan niya. At bago siya umalis may sinabi pa ito sa akin.

" Kung ikaw madali lang na isuko si Kiara kay Evilton? Pero kami hindi. Matagal na naming nakakasama si Kiara. At parang kapatid narin ang turing namin sa kanya... Napamahal narin siya sa amin, Drake. Kaya hindi namin hahayaang mawala ang taong minahal na namin. "

Akala ko tapos na itong magsalita, dahil huminto na siya. Pero may kasunod pa siyang sinabi na nagpapagulo sa isip ko.

" Pero Drake.. paalala lang. Tao rin si Kiara. Kaya nasasaktan rin siya sa nangyayari. At mas nasasaktan kami, kapag nakikita siyang nasasaktan na nag-iisa. "  sabi nito saka tuluyan ng umalis sa harapan ko.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, matapos sabihin yun sa akin ni Chris. Gusto kung maawa kay Mae. Pero bakit nangingibabaw parin sa akin yung galit ko sa kanya sa tuwing naalala ko yung mga panahon na nawala yung kapatid ko? Mali ba ako naiisi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa pamilya namin? Mali ba ako na sa kanya ko ibuntong lahat ng galit ko, dahil nong mga panahon na kailangan nila ng tulong ay wala ako?

Kung sumama kaya ako sa kanila noon nila David na pumunta sa park para maglaro? Hindi siguro nangyaroi yun. Baka natulongan ko pa sila na makatakas sa mga taong kumuha sa kakambal ko. Kung sana sumama na lang ako? Malamang magkasama siguro kaming lumaki ni Kiara. At hindi siguro siya magbabago ngayon.

" Huwag mo ng isipin ang nangyari noon.. Ang isipin mo nalang kung paano kayo makakabawi kay Heaven. Dahil sa ngayon.. kailangan ni Heaven ng isang pamilya na kadugo niya na tutulong at susuporta sa kanya. "

Gulat akong napatingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Seryuso siyang nakatingin sa akin na para bang may masama akong nagawa sa kanya. Pareho silang dalawa ni Mae na tumingin. Dahil kung tumingin ang babaeng toh na nasa harapan ko? Siguradong kakabahan ka.

" Why are you, here? " seryusong tanong ko sa kanya na hindi niya naman pinansin.

" Tama ang sinabi ni Chris kanina. Tao rin siya at nasasaktan. Pero sa totoo lang. Kung nasasaktan kayo sa nangyayari? Mas doble naman ang sakit na nararamdaman ngayon ni Heaven... Biktima rin siya sa kahayupang ginawa ni Evilton sa pamilya niyo? At sa pagsilang niya, wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa mundo... Pinanganak lang siya, kaya wala siyang kasalanan sa nangyayari. Kaya kung ako sayo? Bumawi ka sa kapatid mo bago pa mahuli ang lahat. " sabi nito at umali na sa harapan ko.

Napangisi nalang ako dahil hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya kanina sa harapan ko. Tama siguro ang sabi-sabi nila tungkol sa kanya. Ang babaeng pasulpot-sulpot sa kung saan. Walang iba kundi si Hell.

Mas lalo akong napaisip sa sinabi niya at para bang natamaan ako? Siguro nga tama siya. Walang kinalaman si Mae sa nangyayari sa pamilya namin. At biktima lang din siya sa panggugulo ni Evilton sa pamilya namin. At kung tama nga siya na buhay pa ang kakambal ko? Dapat ko siyang tulongan.

Pero bago yun. Kailangan ko muna siya kausapin ng maayos at makipagbati sa kanya. Dahil kahit sabihin ko man o hindi? Alam ko sa sarili ko na namimiss ko na din ang kapatid ko. Ang makulit kung bunsong kapatid.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now