Chapter 24

6.4K 145 0
                                    

Tulad ng sabi ni Kuya.. siya yung taya. Lagi naman eh... Sa tuwing naglalaro kami? Siya laging nagpiprisinta na taya. Kaya pumayag na rin ako.

Pumikit na si Kuya at nagsimula na din siyang magbilang. Ako naman ay nagsimula ng magtago. Yung hindi niya makikita? Bumilang si Kuya hanggang sampu. Pero natapos na ang bilang niya na wala akong marinig na nagsalita. Noon kasi kapag siya yung taya? At matapos niyang magbilang? Lagi niyang sinasabi na " Game na " or " magtago na kayo. " . Pero ngayon wala akong narinig mula sa kanya

Akala ko nag-iba ng trick si Kuya para mahuli ako? Pero lumipas ang ilang minuto. Hindi nagparamdam sa akin si Kuya. Kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko. Napalinga-linga ako sa paligid para makita ko si Kuya. Pero laking gulat ko ng makita siyang buhat-buhat ng isang malaking mama habang nagpupumiglas.

" K-Kuya? " pagtawag ko sa kanya, habang patakbong papunta sa deriksyon niya. Napalingon naman sa akin si Kuya.

" Mae. " nanghihinang sabi nito.

" Kuya! Bakit ka nila kinukuha? Saan ka nila dadalhin? "  nagtataka kung tanong sa kanya.

Sa mga oras na yun, kinakabahan na ako. At nag-uumpisa naring tumulo ang mga luha ko dahil sa ginawa nila sa kuya ko.

" Mae! U-umalis kana! Humingi ka ng tulong! " nahihirapan nitong sigaw.

Napansin kung may tumutulong dugo na nagmumula sa ulo niya. At nakita ko rin na papalapit na yung isang mama papunta sa akin.

" Pero Kuya- "

" Takbo Mae! Takbo! "  sigaw ulit nito sa akin.

Dahil na rin sa dala ng takot at pag-alala kay Kuya. Wala akong magawa kundi sundin ang sinabi niya. Tumakbo ako hanggat sa makakaya ko. Hanggang sa makarating ako sa mansyon. At hinanap sila Mommy.

" Mommy! Daddy! " naiiyak kung sigaw ng makita ko sila.

Sabay naman silang napalingon sa akin.

" Mae! What happened? Are you okay? " nag-alalang tanong sa akin ni Daddy.

" D-daddy si K-kuya David. " naiiyak at hinihingal kung sabi sa kanya.

Nagulat nalang ako ng malakas na hinila ni Mommy ang kamay ko papaharap sa kanya. Hindi ko pa man nasasabi sa kanya, pero nararamdaman kung nag-alala na ito kay Kuya... At nararamdaman ko na rin na ito na siguro ang katapusan ko.

" What happened to my son? " galit nitong sigaw sa akin.

Takot ang nararamdaman ko kay Mommy ng mga panahon na yun. At kahit natatakot ako? Sinabi ko parin sa kanila kung ano ang nangyari kay Kuya David. Agad naman silang tumawag ng mga pulis saka pinuntahan yung park. Pero pagdating namin doon. Huli na ang lahat. Wala na doon si Kuya David, maging yung mga taong kumuha sa kanya.

Nong araw ding yun, nagbago ang lahat. Nakatanggap din ako ng isang malakas na sampal kay Mommy. Sobrang galit ang nararamdaman niya sa akin at ako ang sinisisi nila sa nangyari kay Kuya... Maging si Kuya Drake ay galit din sa akin. Kung noon nakakausap ko pa siya? Ngayon hindi na. Para nalang akong isang hangin na dinadaanan niya lang at parang walang nakita.

Sa tuwing dadaan din siya sa harapan ko? Sobrang sama naman ng pagkatitig niya sa akin. Para bang may pinatay ako? Maging si Daddy ay hindi na rin ako kinikibo. Pakiramdam ko? Isa lang akong display sa bahay na hindi nila pinapansin. Na para bang hindi nila ako nakikita.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now