Chapter 22

6.7K 161 1
                                    

" Sigurado kana ba talaga dyan, Kiara? " naguguluhang tanong sa akin ni Nick.

" Yeah! "

" Okay lang naman na hindi mo na ituloy... Marami pa namang paraan. " naiinis naring sabi ni Tyler.

" May iba pa ba Tyler? Alam nating pareho na yun nalang ang natatanging paraan para magkaharap kami ni Evilton. " medyo inis ko na ring sabi.

Nasabi ko kasi sa kanila yung pinag-usapan namin ni Boss na magpapakasal ako sa anak niya. Kahit sila ay nagulat din ng malaman nilang anak ni Boss si Ezekiel. Usuall! Hindi pumayag ang apat na magpakasal ako sa lalakeng yun. Kaya kanina pa nila pinipilit sa akin na huwag ko na daw ituloy yung pagpapakasal? Kahit naman.. ako hindi rin gustong mangyari yun. Pero yun nalang ang natatanging paraan para mahanap ko na ang Kuya ko.

" Kung talagang buo na ang desisyon mo? Wala na kaming magagawa kundi ang suportahan ka. Pero nakakasigurado ka ba talagang mapapayag mo si Ezekiel? " sabi ni Kyle.

" Kilala mo naman yung tao, Kiara. Hindi madaling mapapayag yun. Lalo nat mahal na mahal niya ang girlfriend niya. " sabi naman ni Clay sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanila. Ang swerte ko sa kanilang apat isali mo na rin si Chris. Dahil kahit hindi kami magkadugo? Kitang-kita mo sa kanila  yung pag-alala nila sa akin.

" Dont worry. May plano na ako sa kanya. " nakangisi kung sabi.

" Dapat na ba kaming matakot? " sabi ni Kyle.

Nagkibit balikat lang ako saka tumayo at lumabas ng bahay. Pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan. Napatigil ako ng bigla akong akbayan ni Nick.

" Kung ano man yang binabalak mo? Mag-iingat ka parin, Kiara. Dahil ayaw naming may mangyaring masama sa bunso namin. " seryuso nitong sabi sa akin.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Lumalabas na naman yung pagiging Kuya niya sa akin. Pero okay lang! Dahil kahit papaano naranasan kung magkaroon ng Kuya.

Tumango lang ako sa kanya saka tuluyang umalis na ng bahay saka ng motor ko.

Pagdating ko sa school. Sakto namang nakita ko si Ezekiel sa may parking lot na kadadating lang din yata? Pinark ko yung motor ko na medyo malapit lang sa sasakyan niya, saka bumaba pagkapatay ko ng engine at tinawag siya.

" Mr. Peterson. " pagtawag ko sa kanya dahilan para mapalingon siya sa akin.

Wala pa akong ginagawa pero masama na ang pagkakatingin niya sa akin. Talaga bang ganun nalang kalaki ang atraso ko sa kanila ng girlfriend niya?

" What do you want? " malamig nitong sabi sa akin.

" Tsk! Ang aga-aga ang init ng ulo mo Mr. Peterson... Baguhin mo yan.. dahil baka yan ang ikapahamak mo. " nakangising sabi ko sa kanya saka umalis sa harapan niya.

Mamaya ko nalang siya kakausapin tungkol sa bagay na yun. Dahil baka dadanak ang dugo kapag makipagsabayan ako sa init ng ulo niya.

Pagdating ko sa room. Napansin ko kaagad ang Trexie na yun na nakaupo katabi sa ng upuan ko. Deritso lang ang lakad ko hanggang sa pinakadulo dahil ayaw ko siyang makatabi. Naiinis kasi ako kapag nakikita ko ang mukha niya. At kapag ako nainis? Baka mapatakbo siya ng wala sa oras.

Inubob ko yung ulo ko sa desk sabay pikit ng mata ko. Hindi naman ako interesado sa lesson nila at alam ko din kung ang dinidiscuss nila. Sa dami ba naman ng school na pinasukan ko? Malamang pabalik-balik lang yung discussion. At baka mabored pa ako at makagawa na naman na tiyak hindi nila magugustuhan.

The Life of a Cold PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang