Chapter 55

7K 157 1
                                    

Kanina pa nakatingin si Ezekiel sa mukha ni Kiara, habang ito ay nakahiga sa hospital bed at nanatiling walang malay. Gusto niya kasing, hindi maalis ang paningin nito kay Kiara... At gusto niya rin na siya ang unang makita nito kapag gising ito.

Mula kasi nong naganap na labanan sa pagitan nina Evilton at Kiara, hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising. Naging maayos naman ang operation kay Kiara, dahil yung balang tumama sa kanya ay hindi gaanong kalala. At laking pasasalamat nalang nila dahil hindi ito umabot sa bandang dibdib nito. Kaya nakaligtas ito sa operation. At doon sila nakahinga ng maluwag.

Two weeks naring nanatiling tulog si Kiara, at mukhang bumabawi talaga ito ng lakas na nawala sa kanya. At sa two weeks na yun, walang palya si Ezekiel para dumalaw dito. Araw-araw niya itong dinadalaw para kamustahin ito at malaman kung may nangyayari na ba dito.

Minsan nga, doon na rin siya natutulog para alagaan ito. Gusto niyang bumawi kay Kiara sa mga panahon na nagkulang siya bilang asawa niya dito... Minsan nga, siya na ring nagpupunas at nagbibihis kay Kiara. Wala namang malisya yun sa kanya, dahil nakita niya at nahawakan ang katawan nito. At bilang asawa nito, dapat niya lang gawin yun.

Bumibisita rin doon ang mga kaibigan ni Kiara. Pero paminsan-minsa lang sila dumadalaw dahil may mga obligasyon din silang kailangan gawin sa kanilang buhay. Katulad ni Annika na buntis na.. at masilan ang pagbubuntis nito. Kaya dapat siyang mag-ingat at mag bed rest sa kanilang bahay. Maging si Mandy ay malapit ng magkagraduate at kailangan niyang magfocus sa kanyang study. At yung mga lalake naman ay nag-aasikaso sa negosyo ng kanilang pamilya. Kahit na gustuhin man nilang araw-araw ang pagbibisita kay Kiara, ay hindi pwede. At sigurado silang magagalit si Kiara sa kanila, kapag pinabayaan ng mga ito ang kanilang mga obligasyon.

" Kiel, kamusta... May sign na bang magigising siya? " tanong ni Drake na kakapasok lang sa loob at tinapik nito si Ezekiel sa balikat.

Tumayo naman si Ezekiel sa kinauupuan niya, para bigyan ng space si Drake na makalapit sa kapatid. Hinalikan naman ni Drake sa noo ang kapatid niya saka umayos ng tayo at tumingin kay Ezekiel na nakatingin parin kay Kiara.

" Sabi nong doctor ilang araw lang magigising na siya. Pero two weeks na ang nakalipas at hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. " sabi ni Ezekiel na halatang may lungkot sa boses nito.

Lumapit naman sa kanya si Drake at pilit na palakasin ang loob nito.

" Tiwala lang Kiel. Magigising din siya. Matapang si Mae, at kakayanin niyang makasurvive sa kalagayan niya ngayon. " nakangiting sabi ni Drake sa kanya.

Napangiti naman si Ezekiel, pero saglit lang dahil agad din namang nawala ito. At wala pang saysay ang ngiti niya, kung ang taong mahal niya ay nakahalatay sa kama at wala paring malay.

" Kamusta na si Trexie at David? "  biglang tanong niya dito.

Isang beses lang kasi siyang dumalaw sa dalawa.. pagkatapos non wala ng sumunod kahit na nasa iisang hospital lang sila. May gusto niya kasing bantayan si Kiara bawat oras. At sa bawat oras na yun, lagi niya itong namimiss.

" Si Trexie nakalabas na nong isang araw, at namamahinga na ito sa bahay. Si David naman, ngayon palang makakalabas at bibisitahin rin niya si Mae dito mamaya. "  sabi ni Drake sa kanya.

Medyo nakarecover na kasi si David sa mga natamong sugat at bugbog sa katawan nito. Kaya pinayagan na siya ng doctor na lumabas. Nagulat pa nga yung doctor ng malaman na 12 years ng binubugbog si David. At isang himala daw ang nangyari sa kanya, dahil buhay pa ito at nakayanan lahat ng sakit at paghihirap.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now