Chapter 8

6.5K 183 0
                                    

* Ezekiel POV *

Kakarating ko lang sa pilipinas at kakauwi ko lang matapos kung asikasuhin ang ilang business ng family namin sa france. Kaya natagalan bago ako makabalik dito.

Dumeritso ako sa may follower shop, para kunin yung flower na binili ko kanina. Matapos kung bayaran yung flower. Dumiretso kaagad ako sa sasakyan para makaalis na ako. Pagpasok ko sa loob  ilalagay ko palang sana yung susi ng may biglang pumasok sa front seat na ikinagulat ko.

" What the- "

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong tinutukan ng baril. Kayang- kaya ko yung agawin sa kanya. Kaya lang bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa lamig ng pagkatitig niya sa akin.

" Don't move or I'll shoot you. " malamig nitong sabi na talagang nagpapatayo ng balahibo ko.

I dont know! But, ngayon  lang ako nakaencounter ng ganitong tao na mas malamig pa sa akin? Talagang mapapatayo ang lahat ng balahibo mo sa katawan kapag narinig mo ang boses niya.

Natahimik nalang ako at sinundan yung tingin niya sa labas ng sasakyan. Napatingin ako sa mga kalalakehang palinga-linga sa paligid at parang may hinahanap? Napatingin ulit ako sa katabi ko, seryuso lang yung mukha niya habang nakatingin sa labas.

Mukhang siya ang hinahanap nito...

Pagtingin ko ulit sa labas. Wala na yung mga kalalakehan. Naramdaman ko naman na ibinaba niya na yung baril niya na nakatutok sa akin. Nakasandal naman siya sa upuan ng sasakyan pagkatingin ko sa kanya.

" Wala kaba ganang umalis? " inis kung tanong sa kanya.

Nakakainis naman kasi ang babaeng toh. Nagmamadali ako dahil may importante pa akong puntahan. Tapos, bigla nalang siya susulpot dito sa loob ng sasakyan ko at tutukan ako ng baril? At mukhang wala pa siya balak umalis.

" Kung gusto mong umalis.. umalis ka. " cold parin nitong sabi at ipinikit yung mga mata niya.

Shit! Hindi man lang marunong mahiya? Siya na nga yung nakakaabala. Sya pa yung may ganang mang-utos? Kung hindi lang talaga ito babae, kanina ko pa ito tinapos.

Dahil nagmamadali ako, wala na akong nagawa kundi isama nalang ang babaeng toh, at hayaan na matulog sa loob ng sasakyan. Baka kahit anong gawin ko, wala siguro itong balak umalis. Lalo nat nakikita ko sa mga mukha niya na parang nahihirapan ito.

Pagkarating ko sa pupuntahan ko.. agad akong lumabas sa sasakyan at kinuha yung bulaklak na binili ko kanina na nakalagay sa backseat. Hinayaan ko nalang muna na matulog ang babaeng yun sa sasakyan ko. Mamaya ko nalang ito gigisingin pagkaalis ko dito.

Pinapasok naman ako ng mga katulong dito sa bahay na pinuntahan ko dahil kilala naman nila ako. Naabutan ko pa sina Tita Amelia at Tito Warren na nanunuod ng TV sa may salla.

" Good evening po, Tita....Tito. " bati ko sa kanila.

Gulat naman silang napatingin sa akin.

Hindi kasi nila inaasahan na ngayon ang balik ko.

Napatayo naman sila at lumapit sa akin...

" Ezekiel. " masayang sabi ni Tita saka ako niyakap.

" Mabuti naman nakabalik kana. " sabi pa nito.

" Namimiss ko na po kasi ang anak niyo. " nakangiti sabi ko sa kanila na ikinangiti naman nilang dalawa.

Umupo kami sa couch at agad kaming nagkwentuhan nina Tito. Sinabi ko sa kanya kung ano ang ginawa ko sa France. Except nalang sa totoong dahilan kung bakit ako nandon.

" Si Trexie po nasaan? " tanong ko sa kanila.

Bago pa man magsalita si Tita. Napatingin kaming tatlo ng bumukas ang pinto. Napangiti naman ako ng makitang pumasok ang babaeng mahal ko. Tumayo ako para lapitan siya ng napatigil ako dahil sa masasamang titig nito sa akin.

" Dumeritso kaba dito para sabihin sa akin na break na tayo? " galit nitong sabi.

" W-what? No! " gulat kung sabi sa kanya.

Mas lalo namang sumama yung pagkakatingin niya sa akin. Kinakabahan naman ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko kasi alam kung ano ang ikinagalit nito? Eh, wala naman akong ginawang masama para ikakagalit niya.

" Huwag ka na nga magkaila dyan, Ezekiel! E.. sino yung babaeng nasa loob ng sasakyan mo? " galit nitong sabi.

Shit!

Ngayon lang nagsink sa utak ko yung babae na yun. Kaya ba siya nagagalit, dahil doon sa babaeng nasa kotse ko?

" Trexie, let me explain. " sabi ko sa kanya.

" Explain mo yang mukha mo! Break na tayo! " galit nitong sigaw sa akin at patakbong umakyat papunta sa kwarto niya.

Susundan ko sana siya para mag-expalain na mali yung iniisip niya tungkol sa akin at sa babaeng yun ng pinigilan ako ni Tito.

" Hayaan mo muna siya, Ezekiel. Mainit lang yung ulo niya kaya nasabi niya yun. " sabi nito Tito sa akin.

" Tama si Warren, Ezekiel. Umuwi ka muna at magpahinga. Siguradong pagod ka galing sa byahe. " sabi pa ni Tita sa akin.

Wala na akong ginawa kundi umuwi muna, kahit na gustong-gusto kung puntahan si Trexie para magkaayos kami. Mas lalo lang nagdagdagn yung galit niya sa akin dahil sa babaeng yun na hindi ko naman kilala? Pumunta ako sa bahay nila Trexie para magkaayos kami, dahil lang sa hindi ako nagpaalam sa kanya na umalis ako papuntang France. Pero dahil sa babaeng yun, mas lalo pang nagalit yung babaeng mahal ko sa akin.

Galit akong bumalik sa sasakyan ko para makaharap ko ang babaeng yun. Nang dahil sa kanya nag-away na naman kami ni Trexie. Malas siguro ang babaeng yun, kaya siya hinahabol kanina.

Pagdating ko sa sasakyan. Wala na akong makitang tao sa loob pagkabukas ko ng pinto, kahit anino wala! Pero napansin ko na parang basa yung sandalan ng upuan ko. Lumapit ako dito at saka hinawakan yun.

" A blood? " kunot noo kung sabi.

Hindi kaya may tama ang babaeng yun?  At sa kanya itong dugo na nahawakan ko? Bakit hindi ko manlang nahalata kanina. 

Shit!

Bigla akong napamura mg maalala ko yung mukha niya kanina na nahihirapan ito. Siguradong marami ng dugo ang nawala sa kanya. Shit! Konsensya ko pa kung may mangyaring masama sa babaeng yun.

The Life of a Cold PrincessWhere stories live. Discover now