TBDV 2

7.7K 265 25
                                    

Shakia's POV

"Kuya, bayad po oh." Inabutan ko siya ng sampung piso at akmang aalis na s'ya ng, "Uy! Kuya, saglit." Pigil ko sa kan'ya.

"Yung sukli ko po. Sa hirap ng buhay ngayon pati piso pinaka-iingat ingatan na," litanya ko.

Pagkaabot niya sakin ay lumarga na siya.

Pumasok na ako sa gate ng bahay namin. Hindi ito kalakihan at gawa sa konkretong materyales. It's the property that my father was able to leave us bago pa siya mawala. Sinigurado ko munang maayos ang hitsura ko bago ako pumasok.

Diretso ako sa kwarto ng dalawa kong kapatid, sina Annie at Kreyo na walo at labinlimang taong gulang na.

Bahagya akong nalungkot nang makitang mahimbing na ang tulog ng mga ito. Nahuli na naman ako ng dating para matulungan sila sa mga assignments nila. Ang dami ko talagang pagkukulang bilang nakatatanda nilang kapatid.

Buti nalang din at hindi mareklamo si Kreyo pagdating sa gawaing bahay na siya ang nakatoka kapag wala ako.

"Pasensya na kayo kay ate ha?" I whispered then kissed both of them on the forehead saka ako maingat na lumabas sa kwarto nila at pumasok na sa kwarto ko.

Tumigil ako sa harap ng malaking salamin at naupo. Napatitig ako sa repleksyon ko at naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.

Sinimulan kong tanggalin ang koloreteng nasa mukha ko habang inaalala ko ang nangyari kanina.

I was almost raped.

Kung hindi lang sila dumating baka kung ano na ang nangyari sa'kin. Nakatanggap man ako ng masasakit na salita mula sa lalaking 'yon ay nagpapasalamat pa din ako sa tulong nila sa'kin.

I could have died dahil sigurado naman akong tutuluyan ako ng mga lalaking 'yun para hindi ako makapagsumbong sa mga pulis.

Dying is a luxury that I can't afford. I can't be like my father.

Eight years ago, we were one happy family. My dad was an aspiring businessman, hanggang sa maloko s'ya ng isang kliyente na ikinalugi ng negosyo n'ya at doon na nagkandaloko-loko ang lahat.

My father started to get lost in his depression.

He shut us out, nawalan s'ya ng ganang mabuhay, hanggang sa mag- suicide siya sa opisina n'ya.

A year later iniwan din kami ng mama namin, umalis siya tangay ang panganay naming kapatid.

Ang masaklap pa doon, they weren't even kind enough to explain to us why.

They never even bid goodbye, basta nalang silang sumuko at nawala.

Ni hindi man lang nila naisip ang kalagayan namin.

I felt that familiar ache whenever I remembered the pain of being left in the dark.

'Yung tipong walang makapa.

Wala kang makapitan.

At wala kang mapuntahan.

I was only ten years old then, clueless about life and clueless as to how I would raise my siblings who were then seven and one year old.

I wanted to die right then and there, pero hindi pwede. Kaya pinilit kong mabuhay. Namalimos ako, at nangalkal ng basura para lang may makain kami ng mga kapatid ko.

Thankfully, I was able to continue my studies by being a part-time working student for a teacher. Nagmagandang-loob itong pag-aralin ako at si Kreyo hanggang sa matapos ako ng haiskul.

Minsan nga din ay kinailangan kong bitbitin si Annie sa eskwelahan kapag wala akong mapagbilinan. My mother and father's family were not from here, taga probinsya ang mga ito kaya wala akong ibang maaasahan.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now