TBDV 32

4.6K 159 13
                                    

Shakia's POV

My dress looks hopeless. Tingin ko ay tapos na ang gabing ito para sakin kaya minabuti kong hanapin ang pinakamabilis na daan palabas ng hall. I knew this was going to be a terrible night. I have Nancy and Evankhell to thank for that.

And speaking of the latter, siguro naman ay masyado 'yong busy ngayon para mapansin na nawawala ang alalay niya na inutusan niya lang kumuha ng beer kanina. No need to worry about him.

I silently cursed my dress for slowing my pace. Idagdag pa na ang taas ng takong ko kaya hirap akong maglakad sa kalagitnaan ng mga mananayaw na ang lilikot ng indak gayong sweet music naman ang pinapatugtog.

What the hell? I thought and started to bend over. Wala naman sigurong makakapansin kung bitbitin ko nalang 'tong heels ko diba?

"Found 'ya."

My eyes widened when an arm snaked around my waist, pulling me towards his chest. My nose caught a whiff of a familiar manly scent and when I looked up I knew I was right.

Tila napuno ng naghahabulang mga daga ang tiyan ko nang humigpit ang pagkapulupot ng dalawang braso ni Evankhell sa bewang ko. Hindi ako mapakali dahil sa pagkakadikit ng mga katawan namin. Pakiramdam ko ay malulunod ako.

This is not good for my hormones!

"Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong anas. Sinubukan kong itulak ang dibdib nito ngunit hindi man lang ito natinag.

I sucked in a startled breath when he lowered his head and uttered in a low voice, "Don't you think I deserve this dance? You're my date, after all."

The warmth of his breath against my cheek sent the hairs on my nape on ends. Parang lumalangoy ang ulo ko sa kakaibang sensasyon na dinudulot ng pagkakalapit namin sa isa't isa.

A sudden thought hit me. His breath had smelled of mint... something acrid... beer?

Para akong nahimasmasan nang mapagtanto iyon. I pressed my hands against his chest and successfully pushed him away. Nagkaroon ng distansya sa pagitan namin ngunit nanatili ang mga braso nito sa bewang ko.

"You're drunk."

Ang Evankhell na nakilala at nakasama ko nitong nakaraang mga linggo ay hinding hindi gagawa ng ganitong bagay. Pwera nalang kung lasing ito o tuluyan na ngang nawala sa katinuan. Sapilitan kong tinanggal ang mga braso niya sakin. But I wish it could have stayed, under different circumstances.

He stood on his feet, looking suspiciously unsteady. Namumungay ang mga mata niya habang nakatitig sakin, parang nangungusap ang mga ito, bagay na kailan ma'y hindi ko makikita sa dimunyung si Evankhell sa normal na pagkakataon.

"Holy sht! Tinablan na si Van!" Aaron and Kyfer suddenly appeared out of nowhere.

"Ang baba talaga ng tolerance nito sa alcohol. Nilaklak pa kasi pati beer ni Kyfer." Umiling iling si Aaron. "Mas mabuting iuwi na natin 'to. Pustahan tayo isang ihip nalang knockdown na 'yan."

Binalingan nito si Kyfer. "Ako na bahala dito tol, si Mack nalang ang hanapin mo. Isa pa 'yung nanganganib malunod sa alak eh."

Kyfer merely nodded and left. Mukhang sanay na siya sa ganitong tagpo.

"Tara." Inalalayan ni Aaron ang kaibigan nitong lasing habang nakasunod naman ako bitbit ang takong ko. Muli'y naglaro sa isip ko ang magkalapit namang mga katawan, ang mainit nitong braso sa bewang ko, ang namumungay nitong mata at ang mamula-mula nitong labi na halos lumapat na sa leeg ko kanina.

Amidst the throng of the motion-filled hall I finally admitted to myself. I'm attracted to him. This is a hopeless and dangerous attraction that I should never feel towards someone like Evankhell Hanford.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now