TBDV 22

5.5K 186 23
                                    

Shakia's POV

Bad timing. I'm supposed to go home today but since the boss demon is down the slave needs to take care of him diba?

Mababa naman na ang lagnat ni Evankhell nung icheck ko kaninang tanghali. Hindi na din siya nagdedeliryo kagaya kahapon, basically natutulog nalang siya ngayon. Ni hindi niya nga napansin nang punasan ko ng bimpo ang mukha niya eh.

Buti nga kasi pag nagising siya at nakita akong ginagawa iyon ay baka mag super sayan 100 siya at literal na sipain ako palabas ng suite na 'to.

Alam kong kahit madrama ang buhay niya ay demonyo parin siya, don't me.

And besides, the last thing he'd want is to be pitied by someone he hates, namely ME.

Tatawagan ko nalang si Kreyo para ipaalam na walang uwiang magaganap sa maganda nilang ate.

Yoyo picked up the phone before the first ring ended.

"Yow yo, hulaan ko kanina mo pa inaantay ang tawag ko diba? Bilis makasagot eh." Pambungad ko.

I could almost envision him looking over his phone at all times waiting for my name to register at the caller Id.

"Nag e- Ml ako kaya nakatutok ako sa cellphone ko. Huwag kang assuming." Yan ang masungit niyang sagot sakin.

"Kunwari pa 'to pero yung totoo miss mo na ako diba? Aminin." Tukso ko.

"Kasuka ka talaga ate." Rinig ko ang pag-iinarte niyang nasusuka.

I sighed. Seriously, I missed both he and Annie badly.

"Yoyo, nag-iba boses mo ah, mukhang nagbibinata ka na yata." Sinabayan ko ng upo sa sofa ang pagtawa ko.

"Magtigil ka nga diyan! Paanong mag-iiba ang boses ko sa pandinig mo eh mag-iisang linggo pa lang ng huli tayong mag-usap. Tch. Sira na ba tenga mo ate?"

Isang linggo pa lang pala. But why does it feel like eternity already?Sanay ako sa ingay sa bahay, hinahanap-hanap din ng tenga ko ang ingay ng mga sasakyang dumadaan sa kalye gabi-gabi na nagsisilbing hele hanggang makatulog ako.

And more importantly, I missed being with my siblings, hindi ako sanay na malayo sa kanila at hindi sila nachecheck gabi-gabi.

Besides, being away from them makes me feel so alone.

"Hoy ate, kung hindi ka rin naman pala magsasalita mas mabuti pang patayin mo na 'tong tawag. Tch."

Aba't-

"Yoyo, manners please, rumespeto ka sa nakatatanda sayo." Kunwari ay puno ng kaseryosohan ang boses ko para kunwari karesperespeto.

"Huwag mo na lang kaya akong kausapin? Uuwi ka naman ngayon diba? Partida ate, in-game pa ako oh."

Pakiramdam ko biglang pumotok ang isa kong fallopian tube, nagpasalamat na din ako na wala dito si Kreyo dahil baka nakurot ko siya sa singit ng wala sa oras. Bumuntung-hininga muna ako bago ako sumagot.

"Kaya nga ako napatawag para sabihin sayo na di ako makakauwi bukas kasi may emergency dito sa trabaho." Liar.Liar.

Saglit siyang natahimik and when he talked his voice sounded quieter. "Anong klaseng emergency?"

Namatay 'yung boss ko.

"Uhm,maraming trabaho kaya busy kami. Pakisabi nalang kay Annie na sorry ah? Babawi nalang ako next time." Pinilit kong pasiglain ang boses ko.

Kahit na miss na miss ko na sila ay hindi ko parin pwedeng basta nalang iwan si Evankhell dito ng ganun ganun lang. Baka mapano yan at ako pa ang sisihin ni Aaron diba?

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now