TBDV 19

5.9K 195 18
                                    


Shakia's POV

"Ipatong mo nalang diyan," sabi ko kay Kien pagkapasok namin sa faculty room.

Walang nakatambay na guro dito ngayon, siguro may meeting somewhere in the campus.

Nasingil ko na si Kien kanina dun sa utang niyang pagpapahiya sa'kin. Thinking about what I said makes me cringe. Pero di bale na, nabigyan ko naman na si Kien ng isang malupet na hampas sa likod.

Tamang lakas lang para maalog ang baga, atay, buto at kung ano pang internal organs na meron siya.

Napakunot noo ako ng mapansin ang pag ngiwi ni Kien ng ilagay na niya ang mga libro sa mesa. Naalala ko din kanina nang ipatong ko sa kan'ya ang mga libro ay napangiwi din siya.

Hindi kaya ginugudtym na naman ako nito? Nagpapaawa ba siya?Nagpapaguilty?

"That's not gonna work again." Inerapan ko siya. Asa ka namang tatanungin kita kung ayos ka lang 'no?

"Shin'yu, ba't nang-aaway ka naman ah?" He pouted.

Sabi ko nga walang problema sa sistema niya."Shut up."

I watched him as he rolled up the long sleeves of his shirt and I almost gasp when I saw an ugly bruise in his arm. Kaya pala siya napapangiwi kanina!

"Bakit hindi mo sinabi?!" I asked incredulously. Edi sana ay hindi ko pinabuhat sa kanya 'yung mga libro!Hindi ko din sana siya hinampas sa likod kung alam ko na may dinadamdam pala siya.

"Ah! Haha." Dali dali niyang binalik sa ayos ang manggas ng damit niya. "Sinabi ang ano? Yahh Shin'yu ayos ka lang ba ah?" He smiled.

Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? And what's that stupid smile for?

"Napano ba 'yun ah? Seriously, nadaganan ka ba ng poste?"  mataman ko siyang tinignan.

Kumamot siya sa kanyang batok, "Err... nabuwal ako una kamay kaya naging ganito?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata, "Kung magsisinungaling ka lang din naman, pwede ba iyon namang kapani paniwala?"

"Shin'yu bat ang dami mong tanong?" A teasing smile curved in his lips as he said, "Yieee concern ka talaga sa lovable bestfriend mo 'no?"

Napatalon ako sa gulat nang tusukin niya ang tagiliran ko. Malakas pa naman ang kiliti ko doon!

"Hah! Asa ka pa! Hindi ako concern sayo 'no! Kien ah isa pang lapit sakin at babalian talaga kita ng buto sa katawan!!" gigil kong litanya habang dinuduro duro siya.

Kung kanina'y nag-aalala ako sa kanya ngayon ay purong inis at gigil nalang ang nararamdaman ko.

Wait... Did I just say nag-aalala ako? No, of course I didn't.

"Aww saklap! Shin'yu namannn matapos mo akong gamitin gaganitohin mo lang ako??" he wiped imaginary tears from his eyes.

Lupet! "Umalis ka sa harapan ko takte ka! Huwag na huwag kang magpapakita ulit sakin kuha mo?"

Sapilitan ko siyang pinagtulakan palabas ng faculty room habang angal naman siya ng angal.

"Shin'yuuu masakitttt! Ayaaawww!"

"Che! Lumayas ka!" I slammed the door close.

Buti nalang walang mga guro dito. Wala ding mga estudyante kaya walang nakakita kung paano ako umasta.

I know it was kind of childish, but lately I've been acting on my impulse that it's frightening me. Ano bang nangyayari sa dati ay balanse kong buhay?

Bigla nalang may tumulak pabukas ng pinto. Aba't-

Ang tigas talaga ng bungo ng lalaking 'yun! Alin ba sa sinabi ko ang 'di malinaw sa kan'ya?

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now