TBDV 24

5.3K 163 2
                                    

Shakia's POV

"Bes, 'yung totoo natatae ka ba?"

Napalingon ako sa kaibigan kong si Leyrei. "Ha?" wala sa loob kong bigkas.

"Kanina ka pa kasi hindi mapakali diyan, baka kako nagpipigil ka lang. Bes may banyo tayo at wala pa naman si Ma'am eh. Alam mo naman na concern lang ako sayo diba?"

I could almost hear a sympathetic, 'Its okay, I'm here bes' after what she said.

Pinagsasabi nito?

"Tae mo mukha mo. May iniisip lang ako." I glanced at the wall clock nervously. Mag-aalastres na, dalawang oras nalang at haharap na ako kay kamatayan.

"Wanna share it?"

"Ayokong ipasa, wala ako ng app na 'yan eh." I swear I wasn't attempting-

"Was that supposed to be funny?" Leyrei asked with a dead-panned face. Minsan lang mangyaring lumabas ang ganyang mukha niyan, kapag lang napaka walang kwenta ng mga naririnig niya.

"No. It was supposed to shut you up." Iniwas ko ang nag-iinit kong mukha sa mapanuring mata nito.

"Balakajan. Makapag facebook na nga lang, baka nag-update ng status si kwass hehe."

Hindi ko nalang siya pinansin at sinimulan kong isaksak sa utak ko na nitong nakaraang labing-walong taon ay naging makabuluhan naman ang buhay ko.

"Bes!"

Muntik na akong malaglag sa gulat dahil sa biglang pagtili ni Leyrei.

"Naaano ka na naman ba ah? For the listener's sake bes, keep it down!"

Hindi na ako magugulat kung ang dahilan ng pagtili niya ang litrato ng fil-am niyang crush. Stalker.

"Why didn't you told me?"

Or not.

Patay-malisya akong nag-iwas ng tingin. "Ano na naman 'yan ah?"

Nagsalubong ang mga kilay ko ng halos isubsob ni Leyrei sa pagmumukha ko ang hawak niyang cellphone.

"'Yan! Ano iyang eksena niyo ni Evankhell Hanford ah?"

"Ilayo mo nga 'yan, naduduling ako," lukot ang mukha kong sabi. Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa desk ng magsimulang i-play ni Leyrei ang nakuhang video sa eksena kanina.

I really have a bad feeling about this. God knows how pissed Evankhell is right now, he might even be plotting ways to murder me at this moment. O baka naghire na siya ng firing squad para i-execute ako mamaya pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan sa suite niya.

Kung pwede lang sana na hindi na ako bumalik doon.

"Miss Melendez, pinapatawag ka sa opisina ng Dean."

Napalingon ako sa babaeng pumukaw sa tumatanga kong diwa, nakadungaw ito sa tarangkahan ng pintuan namin. Ilang segundo na ang nakalilipas pero parang 'di parin naproseso ng utak ko ang presensiya niya.

"Hey! Earth to Shakia!" Mahinang tinampal ni Leyrei ang kaliwa kong pisngi na hindi naman na talaga kailangan.

Hindi na ako nagtanong kung bakit ako pinapatawag dahil malalaman ko din naman mula sa Dean. Okay na 'yong ibang tao naman ang sumorpresa sakin, nitong nakaraan kasi ay sarili ko lagi ang nasosorpresa sa padalos-dalos kong aksyon.

Walang imik na lumabas na ako ng silid namin at tinahak ang daan tungong opisina.

"Good afternoon Mr.Cortez," bungad ko pagkapasok.

The grim expression on the Dean's face tells me I'm in for a bad news. I swallowed nervously.

Inignora nito ang pagbati ko at pinaupo ako sa upuang nasa harap ng desk nito.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now