TBDV 7

6.3K 197 3
                                    


Shakia's POV

Napatayo ako ng direcho at pasimple kong pinahiran ang luha ko.

Tinignan ko ang lalaking nagsalita. Mas matangkad siya sakin, brown hair na mukhang kay lambot, ang ganda din ng kulay kastanyo niyang mga mata. Napansin ko na hindi siya naka uniform, a new guy I think.

May alanganing ngiti na nakapaskil sa labi niya habang nakatingin sakin.

"Transferee?" I asked instead.

"Hiyeep. Masyadong malaki ang unibersidad niyo.Don't get me wrong, I can read directions well pero hindi ko talaga mahanap ang Dean's office eh. Kanina pa ako dito, good thing nakita kita."

I swear the look on his face now resembled that of a lost puppy yapping. Lihim akong nagpasalamat na hindi niya ata napansin ang pag iyak ko kanina. Or maybe, mas tamang sabihin na hindi niya ito pinansin.

Napangiti ako. This guy sure has a way with his words.

"The Dean's office is back there," I said pointing the direction where I came from earlier."Direcho ka lang jan."

"Samahan mo kaya ako? Puhleaseee??" He pulled off a pout.

I forgot my own misfortune for a moment as I watched him. Ang kyut kyut.

Pfft. He is so childish.

"Well, tingin ko hindi ka na mawawala d'yan."

His lips twitched, "Nope, gusto kong samahan mo ako. Wala ka bang awa sakin? Hahayaan mo ba talaga akong mag isa?" madrama niyang sabi.

Bahagya akong natawa sa kakulitan niya. "Oo na, oo na batang makulit." I'm also glad for the distraction.

"Hiyeeyyy!!" Parang bata niyang hiyaw."Tara na!"

I almost expected him to grab my hand and run across the hallway.

He didn't.

"Siyanga pala, ang pangalan ko ay Arkien Lozada, you can call me Kien. What's yours?" He looked back at me dahil medyo nauuna siya sakin.

Ngumiti ako,"I'm Shakia Melendez. Welcome to Hanford University Kien."

Being the SC president I felt like it's also my responsibility to welcome transferees here. I didn't enjoy being a host. But welcoming the likes of Arkien Lozada is really a pleasure.

A shadow crossed my face upon remembering Evankhell.

Napabuntonghininga ako. I dreaded going home tonight.

****

Nandito na naman ako ngayon, umeembay sa mahinang saliw ng musika habang napapaliguan ng iba't ibang kulay mula sa mga pailaw.

"Scarlet!"

Ayan na naman ang mga sigaw mula sa mga kalalakihang puno ng pagnanasa ang mga mukha.

This place is my prison. This place is my hell. At mananatili ako sa lugar na ito hangga't di ko nababayaran ang pagkakautang ko kay Mr.Tsuyu na may ari ng club na ito.

I inwardly mustered a bitter smile.

"Scarlet, gusto kang papuntahin ni Mr.Han sa VIP Room," bungad ng manager namin pagkapasok ko sa dressing room. Inabot niya na rin sa'kin ang envelope na naglalaman ng kita ko para sa gabing ito.

Limang libo ang kinikita ko gabi-gabi pero dahil binabayaran ko ng paonti-onti ang utang ko kay Mr.Tsuyu ay nakapag-uuwi lang ako ng tatlong libo na pinangkakasya ko sa gastusin naming magkakapatid.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Manager. "Mr.Han?"

Tumango siya. "Isa siya sa malapit at importanteng kaibigan ni Mr.Tsuyu. Bilisan mo na Scarlet, ayaw niya na pinaghihintay."

Tumango na lamang ako at tumalima.

Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang VIP Room. Isa iyong parte ng club kung saan naglalagi ang importanteng bisita ni Mr.Tsuyu.

Ano kayang kailangan niya sa'kin?

Somehow, I have a bad feeling about this.

Hindi ko na nga nagawang magbihis dahil sa pagmamadali. I'm still in my skimpy stage get up. Hindi ako komportable, but I have no choice.

Kumatok ako ng marating ko na ang pinto.

"Bukas yan." A gruff male voice said from inside.

Alanganin akong pumasok at iniwan kong bahagyang nakabukas ang pinto.

"Mr.Han?"

"Ah, the beautiful Scarlet."

Malaking tao si Mr.Han. Wala na halos buhok ang gitna ng ulo niya, nangungulubot, malaki ang tiyan na nakatago sa kanyang business suit. Hindi siya mukhang kagalang galang. For some reason he give me the creeps.

Komportable siyang sumandal sa malaking sofa na nasa pinakagitna ng silid.

Harapan niya akong pinasadahan ng tingin habang naglalaro ang ngiting may masamang balak sa mukha niya.

Gusto ko ng lumabas dito! Damn.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now