TBDV 40

4.7K 166 11
                                    

Shakia's POV

Napayuko ako nang muling tumama ang isang lukot na papel sa ulo ko. 'Di ko makita kung sino ang nagtapon nito at hindi ko na din inalam. Binilisan ko nalang ang paglalakad tungo sa classroom namin.

Mukhang lalong nagalit ang ibang estudyante nang malaman nilang mananatili ako sa unibersidad namin. They want me out of here.

I drew a deep breath. Konti nalang ay aabot na ako sa silid. Doon, may makakausap ako ng normal, si Leyrei.

Pokus ako sa paghakbang at diretso lang ang tingin ko kaya muntik ko nang mahampas ng dala kong libro ang biglang humablot sa palapulsuhan ko.

"Jesus, Kien!" I muttered. Akala ko kung sino. Akala ko si Nancy na naman o 'yung grupo ng kababaihan na sumugod sakin sa classroom kahapon.

Ngumiti ito at binitawan ang kapit sakin. Hindi nito suot ang uniporme nito at mukha din itong walang tulog.

"Sorry, 'di na ulit ako nakabisita sa ospital. How's your sister?" I looked at him worriedly.

"She's the same," he answered vaguely. His eyes have a distant look in them. They were dull and shadowed. Hindi ako sanay na ganito siya.

Hindi pa rin kaya naooperahan ang kapatid nito?

Sumilay ulit ang isang ngiti sa labi nito nang bumaling ito sakin. "You shouldn't be worrying about her, tho. I heard what happened."

Nagkibit-balikat ako. "Nah. At least now it's all out in the open."

Namulsa ito, nakatuon sakin ang mga mata. May kakaiba sa tingin nito. I just can't point out exactly what it is.

"You don't have to pretend that it's okay, Shin'yu. It's okay to not be okay."

I don't know if it's because of the way he said it, or the way a small smile crept on his lips, or maybe just the words themselves that unlocked the gates that was holding  back my tears.

"Do you... want to run away with me?" Nilahad nito ang kanang kamay.

"There's nowhere to go, Kien."

He lowered his gaze and said almost to himself, "Yeah. There's nowhere to go."

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. I looked up at him in confusion.

"Just come with me."

Naguguluhan man ay nagpatianod na lamang ako sa kanya.

For the first time in my life, I'm actually skipping classes and surprisingly, it doesn't make me feel guilty.

Palabas na kami ng gate nang maramdaman kong binibitawan ni Kien ang kamay ko at nauuna na ito sa paglalakad.

Tatawagin ko na sana ito nang may biglang humigit sakin mula sa likod at isang kamay ang  tinakip sa bibig at ilong ko. Unang rumihistro sakin ang kakaibang amoy na nalanghap ko bago ako nakaramdam ng takot.

Mahigpit ang hawak sakin. Nagdidilim na ang paningin ko. Nahihilo ako. Nanlulupaypay ang katawan. Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay naaninag ko pa ang mga lalaking nakaitim, ang itim na van, at ang likod ni Kien.

One thought ticked for the last time in my mind before I succumbed to oblivion.

Why... are you not turning around Kien?

"GISING!"

I slowly came to my senses when I heard that voice followed immediately by a tap on my face.

"Huwag mong hawakan 'yan gago! Package 'yan para kay boss."

I could barely make out what they're saying. Pakiramdam ko ay nanlalambot pa din ang buong katawan ko. My mouth feels dry. My wrists and the base of my legs burns like hell.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now