TBDV 30

4.8K 154 6
                                    

Shakia's POV

The last three weeks seem to have dragged on forever. Pero sa wakas bukas na din ng gabi ang University prom na pinagpuyatan at pinaghirapan naming ihanda.

We encountered countless of problems, the major one was working with the demon named Evankhell Hanford.

Lahat nalang yata ng sabihin ko ay kinokontra niya. Matatawag na ngang himala na nagawa naming tapusin ang preparasyon sa prom.

May personal vendetta nga yata talaga ang lalaking 'yun na gawing impyerno ang buhay ko.

Nakapanghihinayang din na sa tatlong linggong iyon ay hindi ako nakabisita ni isang beses man lang sa mga kapatid ko. School works took much of my time, and the rest was taken by Evankhell.

Kung ano ano nalang ang dinadahilan ko sa t'wing tumatawag ako kay Kreyo at sa tingin ko nga'y mababatukan na ako n'on 'pag nakauwi ako.

Sa awa ni Satanas ay wala akong nakikinitang pagbabago sa maladimunyung ugali ng umaalipin sa'kin nitong nakaraang mga araw. Kahit pa yata pumuti ang uwak ay mananatili pa rin itong dimunyu. Isang beses lang ata ito medyo bumait, n'ong nagbigay ito ng tubig sakin na tinapon din naman nito.

"Hey, move. We're going somewhere."

Awtomatiko akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. I wearily glanced at the wall clock, it's almost six in the evening. Kagagaling lang namin sa eskwelahan para gumawa ng last minute finishing touch sa venue at pagod na pagod na talaga ako. But then I know better, and for my own good I'd better follow the boss without a whim.

Wala sa sariling sinundan ko si Evankhell palabas. Pakiramdam ko ay lumulutang sa kung saan ang katinuan ko na saka lang bumalik sa sarili kong katawan nang nasa tapat na ako ng kotse ni Evankhell.

"Get in." Aniya mula sa loob.

Sa pagkakaalala ko ay sa semento ang bagsak ko n'ong huli akong sumakay sa kotseng 'yan. The memory of my elbows kissing rough cement is enough to render me frozen. No, thanks bruh.

"Saan ba tayo pupunta? Magtatrysikel nalang ako." Napabuntung-hininga ako nang maisip na mamamasahe na naman ako. Nasasaid na talaga ang ipon ko.

Dumungaw ang mukha nito sa bintana, salubong ang mga kilay na animo'y inip na inip. "Hindi kita ihuhulog, so just get in, alright?"

My shoulders sagged. Ano pa nga bang bago? Siya na naman ang masusunod.

"Remember my rules?" He said once I've settled inside his car.

Like I'd forget. "Yea."

"Good."

We were silent the whole ride. Limang minuto din yata ang itinagal ng biyahe bago nito inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang building.
Una kong napansin ang business plate sa pinakababa ng building. Lorenza's Boutique?

I groaned inwardly. Mukhang gagawin niya akong tagabitbit sa mga damit na bibilhin niya ngayon. I didn't peg him to be the type who'd visit botiques.

A mélange of colors greeted my eyes when we entered through glass doors.

The place was spacious, a complete set of flower-cushioned chairs and table was on the center, may malaking salamin sa isang banda at sa gilid niyon ang linya ng iba't ibang damit na nagkakaiba-iba ang disenyo at kulay.

Maya-maya bumukas ang nakapinid na pinto sa dulo at lumabas mula doon ang isang babaeng pinanganak sa katawan ng lalaki. Lorenza looked like a Lorenzo. His smile widened upon seeing us. He looked like he's been bar hopping in Hawaii dahil sa disenyo ng polo nito.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now