TBDV 25

5.2K 171 2
                                    


Aaron's POV

Ehem.. let me take this golden opportunity to announce to you na ANG GWAPO KO. Ngayon lang ako binigyan ng author ng pagkakataon na magka POV kaya lulubos-lubosin ko na, baka kasi wala ng kasunod 'to.
Do your best as if it's your last, kumbaga.

"Aaron! Pengeng tubig!" Kasabay niyon ang paglagapak ng sombrero sa mukha ko.

Ay putspa! Ang panget mo talaga Mac!

"Wala kang karapatang utusan ako tol."

"Lul. Bakit naman?" aniya na nakadekwatro sa sopang nasa harapan ko.

"Nagtanong ka pa talaga? Mukha bang utusan 'tong gwapo kong 'to? Iba nalang ang utusan mo." Ngumuso ako sa direksyon nina Kyfer na nakababad na naman sa cp at si Van na nakikipagtitigan lang ata sa mesang nasa gitna namin.

Nasa suite kasi kami ngayon ni Van, tambay sa sala habang nakabukas ang TV kahit na wala namang nanonood sa amin. Wala pa si Miss Pres slash alipin ni Van, mukhang nasa school pa 'ata, o baka nasa labas takot lang pumasok dahil ayaw ma deads sa tropa kong highblood pressure na naman.

Tangna basta ang tisoy ko, sheyt.

"Sino naman kina Kyfer at Van ang mukhang utusan?" Dada na naman ni Mac.

Sinulyapan ko ang unang nabanggit na tila nakaglue sa lagkit makatitig sa cp niya. 'Pag 'yan inistorbo asahan mong wala kang aasahan kaya 'wag ka ng umasa sa kanya. Gulo noh?

Mas natitinag pa ang bato kumpara diyan eh, ewan ko nga kung bakit ko 'yan naging kaibigan. Sa gwapo kong 'to? Sheyt men.

At iyang si Van naman, wala akong pakialam diyan. Lul gusto ko pang mabuhay at malahian ng marami na malabong mangyari 'pag inistorbo ko ang lalaking 'yan.

"Ikaw, mukha kang utusan," sagot ko sa naging tanong ni Mac. "Bakit ko kailangang maghanap ng iba eh anjan ka naman na diba?" dagdag ko pa sabay ngisi.

"'Ngina tara suntukan?"

Natigil ang suntukan sana namin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Miss Pres. Iniwan kasi naming di nakalock ang pintuan kasi wala lang, tamad kaming magbukas 'pag may nagbebell men. Tingnan mo nga naman, mukhang masaya siyang makita ako, hwahahaha.

"Miss Pres, tubig nga!"

Anlakas talaga makaastang amo 'to si Mac. "Pfft." Natawa nalang ako nang inisnob siya ni Miss Pres. "'Di ka na natuto Mac!" Pang ilang ulit na ba siyang inisnob ng babaeng 'yan? Pfft Lt.

I can't blame her, though. Qaqu naman kasi talaga 'yang kaibigan namin, and he could get way out of line sometimes.

"Jeez. Nabingi na naman yata ng tutuli niya sa tenga," iritadong sabi ni Mac.

Hindi ko na siya sinagot dahil napansin ko na ang tensyon sa pagitan nina Miss Pres at Van. Pansin ko kanina ang pag-igting ng panga ng huli pagkapasok ng una. Inaatake parin talaga ng high-blood pressure 'tong isang 'to. Mukhang 'di pa talaga siya nakaget-over sa nangyari sa canteen kaninang umaga, pahiyang-pahiya siya eh. Sobrang Lt 'yong mukha niya, sarap nga tumawa ng wagas pero nagpigil ako dahil baka ako ang mapagbuntunan ng umaalab niyang galit.

Nak ng.. 'Yong mga paa ni Van mukhang nakahanda ng dalhin siya sa harapan ni Miss Pres para lapain ito. Kilala ko 'yang gunggung na 'yan, minsan literal na hayop din talaga 'yan.

Mabilis akong lumipat sa tabi niya at inakbayan siya para manatili siya sa upuan niya. Baka kasi may biglang gawin kay Miss Pres eh. Okay sana kung ehem..alam na, pero base sa kabadtripan ni Van ay malabong iyong iniisip ko ang iniisip niya ngayon.

"Ginagawa mo?" he asked, tight-lipped.

"Miss Pres," binalingan ko muna si Shakia na nasa kusina. The look on her face shows that she'd rather be somewhere else right now. Sheyt, parehas lang kami men. "Pasok ka muna sa kwarto mo." Baka kasi biglang magwala 'tong isa dito.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now