TBDV 45

4.6K 169 19
                                    

Shakia's POV

Tatlong araw nalang.

"Good Morning!" Masigla kong bati kay Kuya Agustav nang madaanan ko itong nag-aagahan sa sala. Mukhang hindi nito trip na kumain sa napakalaking kusina ng mansiyong ito. The arrangement is final. Dito na kami tutuloy.

Napuno ng pagtataka ang mukha nito. He may be wondering why I'm looking as vibrant as golden sunshine when I have just buried a dear friend yesterday. Let him wonder.

"Breakfast?" Alok nito.

"Pahingi nalang nitong sandwich. Hihi." Agad akong kumuha at kumagat. "I'm seriously two hours late for school, Kuya." Kanina pa ako tinatadtad ni Leyrei ng text. May exam daw kami. May recitation pa. Sandamakmak na assignment etcetera etcetera. For the first time, I actually don't care about those things.

"Yoyo and Nienie went ahead na?" Tanong ko habang nag-susuot ng sapatos.

"Yeah. Tulog pa si Kallie. Sasamahan ko siya mamaya sa check-up niya."

"Aww." Tumuwid ako ng tayo at agad na niyakap si Kuya. Kahit halatang nagulat ay niyakap din ako nito pabalik. "Thanks for being good to Kallie, Kuya."

"I don't know, Kia. But you're really scaring me right now." Nilayo niya ako at seryoso akong tinitigan. "Are you okay?"

Ngumuso ako. "Hundred percent." I kissed his cheek and grabbed my bag. "Bye bye! Nasa labas na ba si Mang Mando?"

I was referring to the elderly family driver. Kuya Agustav insisted na ipahatid ako kahit na mas gugustuhin ko nalang na magtraysikel.

"Yea—Teka, Kia." Sinundan ako nito.

"Bakit?"

"Van was asking me about you." Nakatingin ito sa cellphone nito na nakataas pa ang isang kilay.

"Ano sabi?" I didn't even bother hiding my excitement. Lowbat ako kaya siguro hindi niya ako direktang natext o natawagan. Napanguso naman ako.

"Nasaan ka na daw." He gave me a puzzled look. "Is something going on between you two?"

Nag-iwas ako ng tingin. "I dunno what you're talking about."

Natawa ako nang ngumiwi ito. "This is weird. He's my brother and you're my sister. Really weird."

I laughed gaily. "Sus. Babye na! I'll kiss Nancy for you."

"Don't—"

Hindi ko na siya pinakinggan at agad ng pumasok sa van. Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng mga nadadaanan namin. I smiled when I saw a cute little pup learning to walk with its mother along the streets. I laughed when I saw a kid licking the transparent liquid coming out of his nose. Nanatili ang ngiti sa labi ko kahit nang bumaba na ako sa tapat ng gate.

"Morning, Miss Pres! Late ka na!" Tawag ng isang second year sakin habang papasok ako at sila naman ay palabas ng gate. Mukhang break time na ngayon.

"Better late than absent, ika nga!" Natatawa kong sagot dito. Unti-unti ng nakakalimutan ng mga estudyante ng Hanford University ang issue tungkol sa akin. Because that's how it always is.

Lahat lumilipas.

Nasa innerquad na ako nang marinig ko ang tawag ng isang pamilyar na boses.

"Bes! Dito!"

Agad kong namataan si Leyrei na nakaupo sa damuhan. Parang square ang area'ng ito na napapalibutan ng mga building sa bawat kanto. Kapag nauupo kami sa damuhan ay nakikita namin sa terasa sa second floor ang mga dumadaan na estudyante.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now