TBDV 48

4.4K 151 7
                                    

Shakia's POV

Muli akong umikot sa harap ng salamin upang pagmasdan ang sarili ko. We're only going for a casual date, no fancy restaurants, nothing like that. Gusto ko lang talagang makasama si Van at masulit ang araw na 'to.

Kinagat kagat ko ang labi ko habang iniinspeksyon ang suot ko. Nagsuot lang ako ng lacy off-shoulder na itim, pinaresan ko ito ng hapit na faded blue jeans. The jeans hugged my prominent butt and my shapely legs which I considered as my best assets. Hindi ko alam kong bakit ako nininerbyos. Malalalim ang hininga ko habang nag-aaply ng paborito kong liptint.

"Are you going on a date or a trial in court?"

Nakataas ang kilay ni Kuya nang lingunin ko siya. Nakahilig siya sa hamba ng pintuan at pinapanood ako.

I faced him fully and sighed. "Do I look okay?"

"You look perfect. If Van fails to see that then he needs to have his eyes checked," he said in a matter of fact tone.

I smiled gratefully and went to him for a hug. He patted my head. "I'm still finding it weird that my two siblings are er- dating, but I support you two."

"Okay na ba kayo ni Van?" Tanong ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"I can't say we're okay. But he's not trying to murder me with his glares either so I guess we're going there."

"I'm glad. I love you, kuya." Nakangiti akong lumayo sa kanya.

He chuckled. "Love you too. Bilisan mo na diyan, naghihintay na si Van sa baba."

"Ehh?? Ba't 'di mo sinabi agad?"

Natawa siya sa reaksyon ko. "Sorry, sorry pft."

Nakanguso kong kinuha ang itim kong sandals na apat na pulgada yata ang takong at mabilis ng lumabas.

Agad na dumapo ang tingin ko sa nilalang na nakatayo malapit sa pintuan. Simpleng grey T-shirt at biker jacket na pinaresan ng maong na pantalon lang ang suot nito pero sobrang gwapo pa rin nitong tignan.

Sinalubong nito ang titig ko. Bahagya akong naasiwa nang bumaba ang tingin nito sa katawan ko. Nakakatunaw, nakakakaba.

Tinuon ko muna ang atensyon ko sa mga kapatid ko. Yoyo was twitching his lips in disapproval, Nienie was giggling with Kallie, and Kuya was pretending that he's busy reading.

"Hoi, aalis na ako," anunsyo ko na nakatayo sa harap ng mga ito. "Shouldn't you give me a hug?"

Kallie and Nienie immediately ran and gave me a great bear hug. Natawa ako bago muling sinulyapan ang maarte kong nakababatang kapatid na lalaki. "Halika nga ditong unggoy ka."

"Yoko," maikli niyang sagot.

Napasimangot ako at hila-hila sina Nienie at Kallie ay kami na ang nag-adjust sa kaartehan niya. We sorrounded him with a giant hug. I live for this kind of warmth. Natawa ako nang makisali si Kuya Agustav sa group hug session namin.

'I love you, guys.'

"Bye bye!" Isa-isa ko silang tinignan, saka ako ngumiti at tumalikod papunta kay Van. Mabilis naming narating ang kotse niya. Nasa loob na kami nang sa wakas ay nagsalita siya. "You look good." Nag-iwas siya ng tingin at pabulong na dinagdag ang, "Good enough to eat."

Pakiramdam ko ay namula pati ang talampakan ko dahil sa sinabi niya. "Anong s-sinabi mo?"

Pinaandar na niya ang sasakyan. "I said, where's a good place to eat? I'm starving. Naglunch ka na?"

I looked at him suspiciously. Hindi naman 'yan ang sinabi niya eh. Pinalampas ko nalang dahil kinikilig pa din ako. "Di pa ako kumain. How about street foods? Madaming nagbebenta sa boulevard."

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now