TBDV 11

6.4K 215 17
                                    

Shakia's POV

This morning is the worst I've ever had. Hindi kumikibo sa'kin si Kreyo, tahimik niya lang na ginawa ang mga trabaho niya kanina at iwas na iwas siya kahit na matignan ako. Si Annie naman ay ganoon din, bagama't bakas ang lungkot sa mukha niya.

Ni hindi nga sila nagpaalam sa'kin kanina ng pumasok sila sa eskwela.

Hinayaan ko lang sila, hindi din ako nagtangkang kausapin sila. I know the wounds are still too fresh and it may start bleeding again.

Alam ko na hindi magtatagal ang trato nila ng ganyan sa'kin, 'di din naman nila ako matitiis. Pero sa ngayon titiisin ko muna ang pakikitungo nila, lalo na ni Kreyo.

When had that kid grown so much? I thought with a fond smile.

Para akong nakalutang sa alapaap habang naglalakad ako sa hallway ng paaralan namin. It's still too early, ang aga ko kasi nagising kanina. Biglang kumulo ang tiyan ko. Hm? Kumain naman ako ah.

Teka kumain nga ba ako? Hindi-

"Anak ng-?!" Gulat kong bulalas ng may biglang humila sa braso ko papunta sa isang gilid.

Nagsalubong ang kilay ko ng bumungad sa'kin ang mukha ng isang lalaki. Kaibigan to nung demonyo diba? Pinsan niya pa 'ata, right Aaron is his name.

"Anong kailangan mo?" Pormal kong tanong sabay bawi sa aking braso.

Ngumiti siya, 'yung ngiting mayabang. Kaimbyerna.

"Sundan mo lang ang kagwapuhan ko at ipinapangako kong sa liwanag ang hantong mo." Pagkasabi niyon ay nagsimula siyang tahakin ang daan papunta 'ata sa... garahe ng eskwelahan?

At hindi din halatang bilib siya sa sarili niya 'no?

Nilingon niya ako ng mapansin niyang hindi ako sumunod, "O? tara na binibini."

May problema 'ata sa pananalita ang lalaking 'to ah. 'Yung pinsan niya demonyito, eto naman may maluwag na turnilyo.

Abnormality runs in the blood talaga eh 'no?

"Wala akong panahon makipaglokohan sayo," I said wearily.

Marami akong pinagdadaanan kaya please huwag mo ng dagdagan, I thought grimly.

"Okiey okiey, pinasusundo ka kasi ng magaling kong pinsan na pangalawa sa kagwapuhan ko. It's about your deal."

Para akong binagsakan ng bubong, haharapin ko na naman ang lalaking 'yun? The guy who gives me strange feels, who hates me so much, and who is making me experience life in a hellhole right now.

But hey, I'll be living with him soon so I should get used to seeing his face, no matter how much I hate it.

"Lead the way,"sabi ko nalang.

Tahimik kong sinundan si Aaron hanggang sa marating namin ang garahe, strangely it's not so hot in here.

"She's here your highness," Aaron announced with a mock curtsy.

Hindi ko mapigilang mapanganga ng makita si Evankhell na nakasandal sa isang sasakyan na alam kong milyones ang halaga. It's a black freaking Lamborghini Veneno! Just how rich is this guy?

Itinikom ko ang bibig ko. Sadyang may mga tao talagang ipinanganak na maswerte noh? Evankhell had it all, the looks, surely the brains, and the riches.

I wonder about his family. Perpekto din ba ang pamilyang pinanggalingan ng isang Evankhell Hanford?

"Iwan mo na kami Aaron,"malamig na sabi ni Evankhell.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now