TBDV 3

7.5K 256 14
                                    

Shakia's POV

Sa awa ng Diyos ay mas late pa ang professor namin kaninang umaga kaya nakaligtas ako. 'Di ko nga mabilang kung ilang santo ang tinawag ko dahil sa tuwa.

"Bes, ba't ba ang tagal mong nakapasok kanina?" Tanong ng kaibigan kong si Leyrei. Lunch break ngayon at magkasama kaming kumakain sa canteen.

"Sa sobrang ganda ba naman ng panaginip ko nakalimutan kong bumalik sa katawang lupa ko. Buti nalang talaga ginulo ako ni Kreyo," natatawa kong sabi.

Leyrei is my closest friend, in fact I could say that she's my best friend. Alam nya ang lahat sa'kin except the truth that I'm a club dancer. Natatakot akong baka mag-iba ang tingin n'ya sakin. She has always been vocal about her dislike regarding issues on prostitution and stuff. At kahit pa sabihing hindi naman ako nagbebenta ng dangal, kasuka-suka pa din ang ginagawa ko para lang mapasaya ang mga customer ng club.

"Ano ba 'yung napanaginipan mo bess?" curious nyang tanong.

"Napanaginipan ko na umuulan ng pera sa kalangitan," I said staring dreamily on the ceiling.

"Panaginip nga! Gising ka ngayon bes kaya kumain ka d'yan!" Panenermon n'ya pa. 'Langya 'to.

Nagsimula na ulit akong kumain nang may mapansin ako.

Napatiim bagang ako. May mga tao talagang kung makaasta akala mo'y pag aari ang mundo 'no?

I stood up.

"Bes, anong problema?" Worry lines appeared on Leyrei's face.

"Wait lang bes, saglit lang 'to." I smiled in assurance.

Naglakad ako papunta sa isa sa mga table doon at naabutan kong nagtataray ang isang estudyante. I know her. She's a certified brat.

"Aalis ka ba d'yan o hindi? Baka gusto mong ipakick out kita sa Hanford University? Ano?! Aangal ka pa?"

Rinig kong bulyaw n'ya sa babaeng naka occupy sa table at kumakain.

"Aalis na po, miss Nancy," takot na sabi no'ng babae.

Dito na ako sumabat.

"What's going on?" I asked calmly.

"Whatever it is-" tinapunan niya ako ng masamang tingin - "is none of your freaking business kaya pwede ba? Huwag kang pakialamera."

As of now an audience have gathered around us; curious, and waiting excitedly.

"You're wrong, it's my business," I replied calmly to Nancy.

"Oh? Talaga? Just who do you think you are to meddle with my business?" She flipped her hair and raised a perfectly and artificially arched brow at me.
"Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman si Nancy Luchavez, the unica Hija of Governor Luchavez, so back off."

Ngumiti ako, 'yung tipo ng ngiti na alam kong magpapakulo ng dugo n'ya hanggang 200 degree celcius.

"I'm Shakia Melendez," I said with phony politeness. "As the Student Council President of this university, I think it is my business when some brat is acting like she owns a table in this canteen." Tinitigan ko ang namumula niyang mukha.

Pansin ko rin ang katahimikan sa canteen dahil lahat nakatuon sa'min. Likas kasi sa tao ang pagiging tsismoso't tsismosa.

I continued, "Nancy Luchavez, I don't care if you're the daughter of the Governor or the Senator. You're a student of Hanford university and here, I am your President. So whether you like it or not, stick to the rules because you're no exception. You're not a Queen. Nagkakaintindihan naman tayo 'di ba?" I asked, adding a sweet smile na lalong nagpalukot sa mukha ni Nancy.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now