TBDV 49

4.6K 144 9
                                    

Please play Justine Vasquez's cover of 'When I met you' in the multimedia.

Shakia's POV

Halos mapunit na ang labi ko dahil sa kakangiti habang magkasama kami ni Van. Hindi ko lubos akalain na makikita ko ang ganito niyang side. Scratch that, I didn't expected that he have this kind of side at all!

Matapos ang masayang kainan sa boulevard ay nag-aya siyang mag sine at heto kami ngayon pumipili ng pwedeng panoorin. I'd love to watch something romantic with him. Ngunit sa kamalas-malasan ay horror ang lahat ng showing ngayon. Ayaw man lang makisama ng pagkakataon. Nanghahaba na ang nguso ko habang sinisipat ang bawat poster.

"Find anything you wanna watch?" Sumulpot sa tabi ko si Van na may dalang maliit na box ng popcorn.

"All of them are showing bloody murder."

He chuckled and swept the posters himself. "You missed one." Nilapitan niya ang isang plain looking poster.  Sinilip ko din ang tinitignan niya. Maliit ito kaya siguro ay hindi ko kaagad napansin. "When I met you," basa ko sa title nito. Awtomatiko akong lumingon kay Van.

"Yeah. When I met you," Van said in a quiet voice, his eyes on me.

Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Tingin ko'y hobby na 'to ng puso ko kapag nasa paligid ang lalaking 'to.

Ibinalik ko ang atensyon sa poster habang pinapakalma ang nagwawala kong sistema na kahit kailan ay hindi yata masasanay sa mga titig at ngiti ng isang Evankhell Hanford. Back to the poster. 'Di ko kilala ang mga artista sa paskil pero mukhang love story. And that's the only thing I want to watch right now. A happy ending love story.

Napansin ko agad na walang ni isang tao sa loob ng sinehan nang makapasok na kami. The auditorium was barely lit so I took extra care in treading in between spaces of adjoined padded chairs.

"It's not starting yet. Mukhang masyado tayong maaga?" I said in uncertainty. I don't usually go to cinemas kaya hindi ko alam ang kalakaran dito. Para kasi sa mga katulad ko ay luho ang gumastos para lang makapanood ng palabas.

"Mukha nga," sang-ayon ni Van. "Wait here. Bibili ako ng isa pang box ng popcorn. This one's too small." Tumango nalang ako at naupo sa pinakagitna at pinakaunahang pwesto.

I drummed my fingers on the chair as I waited. Normal ba na hanggang ngayon ay wala pa ding ibang pumapasok dito? Is this a bad movie? Umiling-iling ako at nilibot ang paningin. Hindi pa bumabalik si Van.

I wonder what's taking him so long. Tatayo na sana ako para sundan siya nang biglang pumailanlang sa buong auditorium ang tunog ng gitara.

Kumunot ang noo ko.

Someone is strumming a guitar. Seriously? Here?

Tumayo ako at luminga-linga para hanapin ang pinagmulan ng tunog. Napatigil ako sa paglinga nang may ibang tunog pa akong narinig.

Bumukas ang ilaw sa likuran ko, sa banda kung saan naroroon ang big screen. I know this because I could see how it reflected on the other wall. Lumunok ako. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

🎶There I was an empty piece of a shell🎶

I froze when the strumming slowly faded and that voice filled my senses with something so... so unreal it almost feels like magic.


🎶Just mindin' my own world
Without even knowin' what love and life were all about🎶


Dahan-dahan akong lumingon at muntik nang bumigay ang tuhod ko sa nakita ko.

🎶Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so in love with you🎶

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now