TBDV 44

4.5K 152 26
                                    

Shakia's POV

"Kuya was the best. He always wants to make me happy. Lagi niyang ginagawa ang lahat para sakin at lagi niyang pinapakita sa akin na masaya siya." Naglandas ang mga luha sa pisngi ni Kallie. She was sitting on a wheelchair and delivering her last words for her brother who lay on the casket in front of us.

"Gusto kong sabihin sa kanya na... na kuya 'di mo naman kailangang ngumiti lagi eh. Maiintindihan ko naman kung paminsan-minsan ay umiyak ka. Kasi patatahanin kita kung kaya ko. It makes me sad to think that I've never done anything for my kuya. Kuya... wherever you are I hope you're happy now. I will be okay po. So don't worry about me. Bunso loves you so much." Hinalikan niya ang daliri niya at nilapat iyon sa kabaong ni Kien.

Tears slid down my cheeks as I watched her. Every moment feels like torture. And when it was my turn to speak I found myself at a lost for words.

"Kien..." Lumunok ako at huminga ng malalim. Saglit na natuon ang atensyon ko sa mga taong dumalo.

Some of his classmates came. Leyrei came. Evankhell. Agustav. Yoyo and Nienie are also here.

"Kien was... the best friend that no one deserves to have. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa niya para sakin. Hinding hindi ko makakalimutan ang unang araw, ang unang oras, ang unang segundo na nakita ko ang ngiti sa mga labi niya. Hindi ko makakalimutan ang tunog ng tawa niya." Naninikip ang dibdib ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Patuloy sa pagdaloy ang luha sa mga pisngi ko. Ang sakit. Ang sakit sakit.

"If only I could turn back time. I would have laughed with him. I would have eat with him. I would have told him how much he means to me. And I would have told him that I love him. I love him like the brother I've always longed to see again. Pero hindi na niya 'yun malalaman at 'di ko na 'yun masasabi sa kanya kasi wala na siya. All I could ever say now is... goodbye, you will always and forever be remembered as the sunshine in my life. Sleep well, my shin'yu."

Pinanood ko ang unti-unting pag-akyat ng puting lobo papunta sa nagdidilim na kalangitan.

The small crowd slowly dispersed after the service.

Nauna na din sa pag-alis sina Yoyo at Nienie. Babalik sila sa mansion kasama si Kallie. Si kuya na ang nag suggest na doon na muna kaming lahat. I don't like that arrangement but I know that it's the best option for all of us. Mabuting sanayin ko sila na mamuhay kasama ng pamilya nina Kuya. Wala naman akong ibang mapag-iiwanan sa kanila. At least alam ko na hindi sila pababayaan ni Kuya.

My brother approached me and gave me a hug. "Sabay ka na sa'min?"

Umiling ako. "Susunod nalang ako. Gusto ko munang magpaalam ulit kay Kien."

"Isasabay ko na lang siya sakin." Napalingon ako sa gilid ko nang lumapit si Van. He had kept his distance from me throughout the service. Pero alam ko na kahit malayo siya ay nakasunod ang mga tingin niya sakin.

Tumango si Kuya. "Okay, careful going home, you two." Nginitian niya si Evankhell bago siya tumungo sa kotse niya. Nakapasok na sa loob niyon sina Yoyo, Nienie, at Kallie.

I could tell that they're still bothered by the fact that they are indeed related by blood. But I know they will work it out.

Binalingan ko si Evankhell. "Umalis ka na din."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kakasabi ko lang na isasabay kita sakin diba?"

"Sasabay ako kay Leyrei at may iba pa akong lakad kaya mauna ka na."

"Okay." Pero nanatili itong nakatayo at nakatitig sakin. His dark and expressive eyes were looking down at me seriously. It somehow makes me feel warm.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now