TBDV 10

6.4K 211 7
                                    

Shakia's POV

I entered the house, tiptoing to be as silent as possible. Ayoko munang gisingin ang mga kapatid ko.

I don't want them to see me in make up, dressed like this at mukhang kagagaling lang nakipaglampungan. Isasantabi ko muna ang ala-ala ng mga nangyari sa gabing ito.

I'm about to face something worse.

Ginala ko ang paningin sa mga kagamitan namin, a small smile crossed my lips when I saw our pictures as kids hanged on the walls in our sala.

Nawala din ang ngiti ko nang makita ko ang larawan ni Mama at ng panganay naming kapatid.

Kamusta na kaya kayo?

Are you guys happy?

Ikaw ma? Masaya ka ba na wala kami?

I controlled the sudden urge to smash the picture frame in the wall. Naikuyom ko ang kamao ko, at dahil wala akong mapagbuntunan ng galit ay hinampas ko ang sariling dibdib habang dumadaloy ang luha mula sa mga mata ko.

I fucking hate you! How could a mother abandon her children?! Damn you!

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. I can't face my siblings looking like a wreck right?

Pumasok muna ako sa banyo para tanggalin ang kolorete sa mukha ko, nagbihis na din ako ng maayos na damit.

I walked towards my siblings' room while tying my hair into a messy bun.

Maingat kong binuksan ang pintuan at pinasok ang kwarto. I sighed. I hate waking them up at this hour.

But I have no choice, do I? I never had a choice.

Binaha ng liwanag ang kwarto ng i -on ko ang switch ng ilaw.

Sumampa ako sa kama at bahagyang niyugyog ang balikat ni Kreyo. He slowly opened his eyes, squinting at the sudden light.

He rubbed his eyes before saying,"Zup sis."

"Yow, yo," ganting sabi ko. "Pakigising ang katabi mo," sabi ko sabay nguso kay Annie.

"Naks ate, mukha kang pato," he mumbled that made me pinch his nose.

"Shatap yoyo."

"Hmm?" Nagising na din si Annie dahil sa ingay namin.

"Maupo nga kayong dalawa," seryoso kong sabi sa kanila.

They grudgingly obliged.

"Pag ito hindi importante kuuu di talaga kita bati ate," angal ni Kreyo.

Kahit kailan talaga reklamador tong batang to. But I understand his grumpiness, it's already almost ten after all.

"Talk," Kreyo said around a yawn.

I glanced at Annie who is blinking her eyes sleepily, tila kinukurot ang puso ko habang tinitignan ko sila.

Evankhell... this is so fucking unfair of you.

"Paano ba to...Haha," I nervously started.

Kreyo frowned, "Magsasalita ka o matutulog ako?"

"Oo naaa eto na. So uhm... I kind of have this job kung saan kailangan kong mag stay-in kaya di na ako makakauwi dito sa'tin. You know ate needs to work para may panggastos tayo diba?" Tabingi ang ngiti ko habang minamasdan ang reaksyon ng dalawa kong kapatid.

Tila nawala ang antok ng dalawa matapos kong magsalita.

"Are you leaving us ate?"

I tried hard to stop my tears as I watched Annie breaking into tears.

Ang pinaka ayaw ko ay ang nakikita ang mga kapatid kong nasasaktan, at nahihirapan.

Tangina di ko kayang makita silang ganito.

Agad kong niyakap si Annie at hinagod ang likod niya, I sensed her desperation as she clung to me tightly.

I'm desperate too. I'm desperate to keep myself together.

"Nienie magtatrabaho lang naman si Ate eh, uuwi din ako pag linggo ta's bigyan kita ng pasalubong. Gusto mo 'yun diba?" Inilayo ko siya ng bahagya at pinahid ang luhaan niyang mukha.

Evankhell you've got to let me go home every sunday.

"You're not leaving us for good like what mom did right?"

My throat felt dry when she said that.

"No, of course not. I will never be like Mom. I will never leave you."

I stood up abruptly and turn my back on them.

"Ate?" Annie's little voice quiver.

"Stay put kiddos, ikukuha ko kayo ng tubig okay?" Dali dali akong lumabas ng kwarto, at saka ko lang hinayaang malayang dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.

Congratulations Shakia, that was quite an act.

Tuluyan na akong napahagulhol. I bit my lower lip to stop any sound from escaping in my already dry throat.

Tinungo ko ang kusina at nagsalin ako ng tubig sa baso, I gripped the glass tightly when I noticed my hand trembling.

Napaigtad ako ng may biglang magsalita mula sa aking likuran.

"Ano 'yun Ate?"

Nalingunan ko si Kreyo na halata ang pagkalito sa mukha.

Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi ko,"Huh?anong ano yoyo?"

"What job are you talking about?Nagpapahelper ka ba kaya kailangang stay-in? Gano'n na ba tayo kagipit sa pera ate? Yung dati mong trabaho?Waitress 'yun diba? Nasesante ka ba? Why do I feel like you're hiding something from us? Just tell me, alright?"

Hindi ko alam kung paano sagutin ang mga tanong ni Kreyo, I feel so freaking lost.

"Hayaan mo lang ako yoyo okay? It's not something you should worry yourself about. Alagaan mo nalang ng mabuti sa Annie habang wala ako dito ah?" I managed a small smile.

"You know I'm not a kid right? I can handle everything. Even Annie can.All of us stopped being a kid when Mom and Dad left us. Kaya sana naman ate, sabihin mo sa'min ang lahat."

Pagkasabi niyon ay pumasok na ulit sa kwarto si Kreyo.

Malungkot ko siyang sinundan ng tingin. Kaya nga ayaw kong sabihin sa inyo eh. Even if I know you can take it, I know it would cause you to fake your smiles and start pretending you're okay.

I want to spare you from that. I want you to enjoy being a kid..

Okay lang na akuin ko lahat. Okay lang. Kaya ko naman eh.

Kakayanin ko...

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now