TBDV 26

5.5K 159 8
                                    

Shakia's POV

Dapat ba akong matuwa na nagsilayas na 'yong mga engkanto dito, o dapat na ba akong matakot dahil kami nalang dalawa ni dimunyu ang nasa suite ngayon?

Sinulyapan ko ang card na iniwan ni Aaron. Ramdam ko ang concern niya sa kaibigan niya grabe, 'yong tipo ng kaibigan na ilalayo ka sa kapahamakan. Sana oil.

And the demon? Ayon bumalik sa kwarto niya matapos pagsarhan 'yong mga kaibigan niya. He didn't even utter a word to me. I honestly expected him to snarl at me the moment he got rid of his friends, but well, who knows what he's thinking?

It was about twenty minutes later when he went out of his room, at mula sa sala ay pinanood ko siyang pumunta ng kusina. Himala! Simula 'nong nandito ako ay never ko siyang nakitang umapak sa kusina kung hindi naman kakain o mag-aastang panginoon.

I watched him curiously as he started to get a frying pan and some eggs. Is he trying to cook?

Nangalumbaba ako at patuloy siyang pinagmasdan. The devil has been ignoring me all this time, he's acting like I'm thin air for all he care.

I could immediately tell that he isn't used in handling things in the kitchen. Nakakatawa ang paraan niya ng pagbasag ng itlog. He even looked startled when some of the egg splashed messily on his hand. Evankhell in the kitchen is laughable and weirdly adorable.

Teka, ano ba 'tong iniisip ko? Adorable? No way!

"Eh?" Nagulat ako ng pagkatapos niyang ilagay ang mantika ay direcho niya ring inilagay ang itlog sa ibabaw ng malakas na apoy sa gasul. Ilang sandali lang ay nagtatalon na siya paatras. The oil had started dancing and spurting out of the pan.

"Shit! What the-"

A series of expletives escaped from his mouth while trying to shield himself with a plate from the onslaught of hot oil. Hindi na ako nakatiis kaya lumapit na ako sa kanya para isalba siya sa sitwasyon niya. Kumuha na rin ako ng plato sa tray para protektahan ang sarili ko mula sa nagngangalit na mantika.

"Ako na sir Dee." Kaawa-awa ka kasi.

Nawala na ang takot ko na gantihan niya ako dahil kung iyon nga ang balak niya'y sana kanina niya pa ito ginawa. Inilahad ko ang kamay ko para hingin ang sandok na hawak niya. Pero ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Instead, wearing a determined face, he took a step towards the pan while firmly holding his shield in front of him.

Sabay kaming napaatras ng nag-ala bulkang naghahasik ng lava na naman ang pan. He accidentally bumped into me while retreating. I expected him to fire a sharp retort but he only acted like nothing happened.

I feel so stupid and embarrassed. Damn it dimunyu! Pansinin mo naman ako, nagmumukha na akong tanga dito sa likod mo gagi ka! Ako na nga 'tong nag-aalok ng tulong eh.

Dahil sa sobrang kahihiyan ay lumayo na lang ako. Wala akong kwartong pwedeng pagtaguan kaya nagkulong nalang ako sa banyo. I sat on the lid of the toilet bowl and covered my flushed face. Is this his way of getting back at me? Ignoring my presence? Very smart. Naisip niya siguro na mas maiging ipagsawalang bahala ang presensiya ko kesa chugiin ako na maaari niya pang ikakulong. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganito ako kaapektado.

Ilang minuto ang lumipas ay bigla kong naamoy na may nasusunog kaya agad akong lumabas ng banyo. I rushed to the kitchen and saw Evankhell turning off the stove hurriedly. Hawak nito sa kaliwang kamay ang cellphone nito, mukhang meron itong katawag.

"Well, I'll be damned! You just ruined my dinner," he said tersely to whoever he's talking to the phone. Kita kong nagkulay uling nga ang itlog na niluto nito. Malamang ay pinabayaan niya 'yan habang kausap ang katawag niya.

That Bitch Dancer is a  Virginحيث تعيش القصص. اكتشف الآن