TBDV 20

5.6K 179 6
                                    

Shakia's POV

Sabado. Mag-iisang linggo na akong inaalipin ng dimunyung 'yun. Ginawa niya akong tagalinis, tagalaba, tagabili, tagaluto at tagasilbi kahit sa mga bagay na kung tutuosin ay kayang kaya niya namang gawin.

Trip niya kasi talagang pahirapan ako eh. Siguro gusto niya na mamatay ako kakaserbisyo sa kanya.

Pa'no ko nasabi? Ba't niya pa ipapalaba sakin ang mga damit at pantalon niya kahit na may washing machine naman siya kung wala siyang planong patayin ako diba?

"Slave! Tubig!" 'yung dimunyu 'yan.

Kasalukuyan kasi siyang naghahapunan ngayon at ako naman nakatayo di kalayuan sa kanya para mag-abang kung sakaling may iuutos siya. Takte sarap niyang ipatumba.

Pabagsak niya pang ibinaba ang baso sa mesa matapos niyang tumungga.

Sana nilakasan niya pa para tuluyan ng mabasag 'no?

"Right away sir dee!" I said cheerfully. Agad kong tinangka na kunin ang baso niya pero iniwas niya ito.

"Get another one," masungit niyang sabi.

G*go ka ba?? Talagang sinusubukan ako ng lalaking to ah. Kalma lang tayo, Shakia.

Hindi naman masyadong halata na gusto mong marami akong huhugasan mamaya diba? Tsk.

"Okiee Sir Dee." I flashed my fakest smile.

Kumuha nga ako ng isa pang baso at sinalinan ng tubig mula sa pitcher na nasa loob ng ref.

"There you go," I said lightly as I passed the glass to him.

"Ang plastik mo." Aniya sabay kuha ng baso at inom mula dito.

"Pakikisama ang tawag dun," muntik ko na siyang bigyan ng nakamamatay na irap.

"Isa pa." He put the glass aside.

Anak ng-

Ang lakas lumaklak ng tubig ah, tuyong tuyo lalamunan natin eh 'no?Kumuha nalang ako ng isa pang baso ulit at naisipan kong kunin nalang ang pitsel sa ref at ilagay sa mesa dahil baka sakaling kulang pa ang tatlong basong tubig para sa dimunyung 'to.

"Did I told you to put that here?" he raised his brow at me.

"Initiative ang tawag sa ginagawa ko Sir Dee, baka kasi sobrang tagtuyot 'yang lalamunan mo eh." Gumuhit na naman ang plastik na ngiti sa mga labi ko.

"Put that fucking pitcher back in that goddamned refrigerator now!" He looked at me with irritation as he added, "And for fuck's sake stop flashing that fake smile bitch!"

Partida, nahighblood naman agad ang lalaking 'to. Wala ba sa bokabularyo niya ang salitang pasensya? Bakit konting kibot ko lang nagagalit na agad siya? Does he hate me that much?

Hindi na ako kumibo at ibinalik ang pitsel sa ref. Napakagat-labi nalang ako ng maya-maya ay ibinagsak niya na naman ang baso sa mesa kasabay ng katagang, "TUBIG!"

Narerealize niya kaya na mukha siyang tanga? Mukhang batang gustong gumanti matapos mapalo ng nanay niya. Tch.

Sa wakas ay natapos na din siyang kumain. And guess what? He practically used up 6 glasses. Lakas ng tama mo dimunyu ka.

Akala niya naman takot akong maghugas ng pinggan noh? Sorry ka nalang Evankhell pero sisiw lang sakin ang trabahong yan.

I hummed silently while doing the dishes. Konti lang naman ang nagamit, dumami lang dahil sa kakahingi ng dimunyu ng tubig na kailangang iba ibang baso ang gamitin.

"Cook something for me."

Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong pinggan ng marinig ang boses ni Evankhell sa likuran ko.

I turned around and realize he's so close. Dangerously close. I felt like I'd drown in this proximity.

Anong salamangka ba ang meron sa lalaking 'to para makaramdam ako ng ganito?

I woke from my trance when he snapped his fingers in front of my eyes. "Are you fucking deaf?"

Bwisit! Dimunyu nga pala siya!Malamang may alam tong vodoo tss. May lahi din kaya tong ninja turtle?Bigla bigla nalang sumusulpot ng hindi ko napapansin eh.

"Kakakain mo lang diba?" I said when I finally found my voice.

"Sa gusto kong kumain eh,paki mo?" humalukipkip siya at nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "Make it quick, and make it delicious."

Ng tumalikod na ito ay saka ko naman dinampot ang isang baso at inambahan ito ng bato, kaya lang bigla naman itong lumingon at nakita nito ang kamay ko at ang baso na nagdadate sa ere.

"What the fuck?!"

I quickly formed an excuse and started stretching my right arm too. Kapagkuwan ay inosente ko siyang tinignan, "Bawal mag istretching paminsan minsan pag nangangalay?Bawal?"

Patay. Naisip ko ng pinatay ni Evankhell ang distansya namin.

He looked calm and for some reason, I thought he'd murder me with that kind of expression on his face.

"Hmm.. Pinagpapawisan ka yata. Is the aircon not cold enough?"

I gasped when his hand reached to tuck the hair straying in my face to my ear. My heart started tumbling in my chest and for a moment I thought my heart would jump right out of the membrane holding it in place.

Pakiramdam ko ay nagtago ang dila ko dahil hindi ko na magawang umusal ng kahit anong kataga.

Uhh cat gimme back my tongue.

"You were trying to throw that glass at me earlier, weren't you?" His eyes glinted dangerously.

I stepped back and gave him an incredulous look. Oo,nagagawa ko pang umarte na hindi makapaniwala sa akusasyon niya kahit na pakiramdam ko mamamatay na ako ng wala sa oras dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Of course not! Why would I do that??I was just stretching because my arms felt sore. 'Yun lang." I congratulated myself for delivering that line without stuttering.

Hindi ko naman talaga balak na ibato 'yun sa kanya, iaamba lang pero hindi ibabato. Hindi pa naman kasi ako ganoon kabaliw. Kumbaga sa pagkain, ihahatid lang ang kutsara sa bibig pero hindi tuluyang ipapasok sa ngala-ngala.

"Damn retard." Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko pero buti nalang umalis na din siya sa kusina.

Saka pa ako nakahinga ng maluwag nang makita siyang pumasok sa kwarto niya na pabalag pang sinara ang pintuan.

Isang araw, ikakamatay ko 'tong ka eng engan ko talaga.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now