▪ one

42.6K 1K 337
                                    




I frowned while looking at the dirt that I need to clean for this day. Nasapo ko ang aking noo dahil dinig na dinig sa taas ang ingay na dulot ng vacuum sa baba. Doing households are my punishment for coming home late last night. This is all because of my fvcking brother!

After doing house chores, I went to bathroom to take a bath. Feeling ko kasi sobrang lagkit ko pagkatapos kong pawisan ng ilang balde. I smelled myself, and to be honest, I still smell good.

"Eutychus, faster! I need to pee!" I rolled my eyes when I heard my demanding brother outside the bathroom.

Sinuot ko ang bath robe at itinali iyon nang mahigpit. Nakataas ang kilay ko nang buksan ko ang pintuan. Muntik na akong madulas nang itulak ako ng demonyong lalaki nang malakas.

"Ano ba, Caiaphas?! Hindi mo ba ako nakikita? Kung makatulak, wagas eh!"

"Ay, ikaw ba 'yan? 'Kala ko pader eh."

I cursed under my breath. What a fvcking devil.

"Bakit ba kasi rito ka pa nag-ccr? You have your own bath room!" Singhal ko.

I went to my room to refresh my mind. Being with my devil brother was like being with lucifer in hell. He's the opposite of me. He's arrogant, so much confidence with his self, jerk, and lastly, devil. Well, mabait naman siya, pero bilang lang na araw kung kailan siya nagiging mabait sa akin.

"Ate Euty, ate Euty! Mummy is calling you!" When I heard Drusilla's voice, my baby sister, I jumped out of my bed and opened the door of my room. I showed her a big smile of mine and approach her.

"A'ryt, baby. Let's go. Mom is waiting." I held Drusilla's hand and she leads the way to where my mom is waiting.

"Is it okay to you to buy outside? Ito 'yong listahan ng bibilhin mo. Mag-grocery ka kasi naubusan na tayo at wala ng laman ang ref natin." I nodded as a response. I smiled at my mom when she gave me her cards.

"Magpasama ka sa kuya mo..." Mahinhin niyang suhestyon na siyang hindi ko inaprubahan.

Ayaw ko nga. Why would I bring him with me? Baka kumalat kasamaan niya at bigla na lang sumabog 'yong mall. Kawawa naman 'yong mga naghahanap-buhay, tapos dinala ko lang siya ro'n, bigla bigla na lang mag-iinit at magkakaroon ng sunog?

No. Freaking. Way.

I putted some liptint on my lips while combing my hair. Kinuha ko ang shoulder bag kong nasa kama and placed it on my shoulder. Huling sulyap sa salamin ang aking ginawa bago tuluyang umalis ng bahay.

Nagpara ako ng taxi nang makalabas ako ng subdivision. Tahimik ako habang nagmamasid sa labas. Marami akong iniisip na mga bagay bagay ngayon ngunit hindi lang halata sa mukha ko. Mas'yado akong masiyahin para mahalata.

Nang makita ko ang mall, agad akong pumara. Inabot ko ang bayad sa driver at agad akong umalis. Nilibot ko ang aking paningin. Maraming tao.

Sabi ng kuya ko, 'pag naglalakad daw ako, parang naliligaw raw ako. Parang hindi ko raw kasi alam kung saan ako pupunta kasi paikot-ikot 'yong ulo ko and I have a bitch face. All of my friends told me na ayaw raw talaga nilang lumapit sa akin noon 'coz I look like a bitch. They thought masungit ako. Tumawa ako no'ng sinabi nila sa akin 'yon.

Grocery muna ang pinuntahan ko. Mamaya ako magsha-shopping at magwawaldas ng pera ni Mommy. Hindi naman siya nagagalit kasi bihira lang akong humingi ng pera sa kan'ya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang ginawang listahan ni Mommy. Puro malalaki at mabibigat kaya hindi ko kayang dalhin. Hindi pa naman ako nagdala ng car kasi ayaw ko ngang kasama 'yong kuya kong demonyo. Baka nga wala na 'yon sa bahay at nasa condo niya dahil may dadalhin na naman siya ro'n na iba't-ibang babae.

I get myself a pushcart. I roam around the grocery store hanggang sa matapos kong bilhin ang nasa list. Pumila ako sa counter. Isang pushcart lang naman 'to na malaki at punong-puno ng laman kaya agaw atensyon sa iilan.

Mabilis ang naging daloy ng pila hanggang sa ako na ang magbabayad. May nag-assist ng mga pinamili ko kaya ang ginawa ko lang ay tumingin sa screen at tingnan ang mga presyo. Binigay ko ang card ni Mommy at pagkatapos niyang i-swipe ay binalik din niya sa akin ka agad. Binigay ko sa kanila ang address ng bahay namin para sila na ang mag-deliver ng mga pinamili ko dahil hindi ko kayang bitbitin.

Pumunta ako ng starbucks pagkatapos. Nag-order ako ng cappuccino. Kaunti lang ang tao rito ngayon kaya tahimik. Naghanap ako ng tamang spot na mauupuan. Umupo ako sa dulo, malapit sa pintuan dahil walang tao. May tao, pero malayo sa akin.

Nakita ko sa gilid ng aking mata na may papasok. Umupo ako nang tuwid at nag-antay ng order ko. Narinig kong nagsalita 'yong bagong pasok sa counter, telling his order. Pansin kong lumibot ang paningin niya at tumigil dito mismo sa inuupuan ko. Naglakad siya sa p'westo ko. Umupo siya sa harap ng table ko. My lips curved.

Umangat ang aking tingin nang mapansin ko ang isang waitress na may dalang dalawang coffee. Ako muna ang pinuntahan niya at binigay ang order, bago 'yong lalaking nasa harap ko. I gave him a smile and say "thanks." to her.

Kumunot ang aking noo nang mabasa ko ang name. Wait, what? Hindi naman Achaicus pinalagay ko sa cup, ah? It is Eutychus!

Nagtaka ako nang sabay kaming tumayo no'ng lalaking nasa harapan ko. Sabay rin kaming naglakad patungong counter. Nagkatinginan kami ngunit nag-iwasan ng tingin dahil parehas kaming naka-focus sa hawak naming kape na irereklamo namin.

"Hi, Miss! My name is Eutychus," tinuro ko ang nakasulat sa cup na Achaicus. "and my order is cappuccino, not caramel iced coffee."

"Oh hell, that's my fcking order, and this coffee has your name, so give me that fcking coffee, and I'll give this to you." Matigas at buo ang boses niya, panlalaking-panlalaki.

"Baka po nalito lang ang nag-serve dahil po parehas po kayong 'cus' ang dulo. Pasensya na po sa kapalpakan."

Ngumiti lamang ako at tumango. Inabot ko sa lalaki ang order pala niya, pero nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil malakas niyang hinila ang coffee na nasa kamay ko at nilapag lang sa counter ang akin.

"Rude... " I whispered to my self.

Napatigil ang lalaki sa paglalakad at muli akong hinarap. "What did you say?"

"Oh, did I say anything?" Sarkastiko kong tanong.

"Are you noob? Because that's what you look like. You know, first impression lasts." He smirked. "'Till we meet again... fcking noob."

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon