▪ twenty-eight

6.2K 193 23
                                    




"Baby, may tumatawag."

Naalipungatan ako nang paulit-ulit akong tapikin ni Achai na nasa aking tabi. Hindi pa rin niya nahahawi ang kurtina kahit mataas na ang sikat ng araw. Siguro hinahayaan niya akong makatulog nang matagal.

Kinuha ko ang cellphone ko na kan'yang inaabot sa akin. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag at ini-slide ang green button para masagot iyon.

Nakita ko sa gilid ng aking mata na lumabas ng kuwarto si Achai. Naamoy ko ang mabangong amoy na sigurado akong galing sa kusina. Maybe, he's cooking for our breakfast.

"Yes. . ." Napapaos ang aking boses dahil kagigising lang.

Sa tantsa ko ay nasa seven pa ng umaga. Ang body clock ko kasi, seven na nagigising.

"Eutychus,"

Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang pamilyar na boses. Mabilis akong napabangon at tiningnan ang contact name ng tumatawag. Nanlaki ang aking mga mata. Nagising ang buong diwa ko.

"Kuya!" Napahiyaw ako dahil sa tuwa.

It is been a while! Ang tagal tagal niya bago tawagan ako!

"Kumusta, Euty? Are you doing good there?" Ramdam ko ang galak sa boses ni Kuya.

"What took you so long? I waited you Kuya to contact me!" Punong-puno nang pangingulila ang aking boses.

"I am sorry, okay? Naging busy lang ako. Parang nililibot ko na nga buong England eh." Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya pero parang may mali. Parang peke. Parang pinipilit lang niyang maging masaya.

"I missed you,"

"I missed you, too. Alagaan mo si Mom at si Drusilla, okay? Wala pa ako riyan. Do your job as a nakakatatanda."

Tiningnan ko ang orasan na nasa bed side table ni Achaicus. It is 7:33 in the morning. Fuck, 12:33 na sa London! Seven hours kasi ang agwat kapag sa London at Philippines.

"Kuya, bakit hindi ka pa natutulog? Gabing-gabi na riyan ah."

"Hindi ako pinatulog nang pagka-miss sa 'yo." Pagak siyang natawa.

"Are you fine there?"

Natahimik ang kabilang linya pero alam ko pa ring and'yan pa rin siya dahil naririnig ko ang buga ng aircon. Bigla kong narinig ang paghinga niya nang malalim.

"I am fine here. Don't worry, Euty." Pilit niyang pinapasaya ang boses niya pero alam niyang kilala ko siya. Alam ko kung kailan niya pinepeke ang lahat.

"Kuya, 'yong totoo." Pagbabanta ko sa kan'ya.

"Ayos nga lang. Naho-homesick lang. Ang hirap kayang mawalay sa inyo. Don't worry, babalik na ako next month."

"Really, kuya?" Nagagalak kong tanong.

"Really..." May narinig pa akong ibinulong niya kasi hindi ko narinig nang maayos.

"Ano, Kuya?"

"Nothing. Ang sabi ko, matutulog na ako kasi dinadalaw na ako ng antok. I miss you. I love you, Euty."

Parang natunaw ang puso ko nang marinig ko ang malambot at malambing niyang boses nang sabihin ang huling kataga.

At least, ngayon, natawagan na ako ni Kuya. Okay na ako pero mami-miss ko pa rin siya.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon