▪ fifty

9.4K 232 25
                                    




I tied up my hair when we landed in Manila. I was really tired nang ihatid nila ako sa condo. Sky kissed me on my forehead before leaving my condo. He's with Sydney. Kahit na nakita ni Sydney ang ginawa niya sa akin, parang wala lang sa kan'ya. She's really mature. She knows that it just a friendly kiss, at saka gano'n na talaga si Sky sa akin.

"What's your surprise?" I asked Achaicus when I jumped on my bed, feeling tired.

"You are tired, maybe later." He cupped ny face and firmly pinch it.

Tumango ako at hindi na umangal. Kahit na atat na atat ako sa surprise niya, mas pinili kong magpahinga. Makakasama sa baby namin kapag paiiralin ko ang gusto ko. Ngayon, hindi lang sarili ko ang inaalagaan ko, pati ang bata na nasa sinapupunan ko.

"Kailangan kong umuwi. I need to do something first. Take care, baby," he said softly. "Babalik agad ako."

I smiled genuinely. I patted him consolingly on his shoulder. He tried to kiss me but I pushed him gently away. I laughed while looking at his reaction.

"Umalis ka na. I can handle myself," I said sweetly.

"Alright. We're going somewhere later. I'll fetch you," he kissed my cheeks and uttered his good bye.

Tumayo ako at naglakad papunta sa full length mirror nang umalis siya. Kinuha ko ang aking camera and took some mirror shots, showing my little tummy. Marahan ko itong hinaplos at napangiti.

I will tell Achai about his/her existence later. I wonder what would be his reaction kapag nalaman niyang he got me pregnant. Aayawan ba niya ako o papanindigan?

Kinuha ko ang nakita kong oxygen paper bag sa closet ko. I like this brand because Donny Pangilinan is an endorser there kaya nga lagi akong dumadaan sa oxygen para makita 'yong malaking poster niya. I am a big fan of him.

Nilagay ko sa loob nito ang tatlong pregnancy test. Siyempre, iisipin niya na damit 'to kaya hindi siya maghihinala kapag nakita niya akong may dalang paper bag. Matutuwa pa 'yon kasi reregaluhan ko na naman siya.

After an hour, I took a bath and changed my outfit into a crop top and high waist mini skirt. I putted light make-up on my face and wore a high-heeled sandals. I waited for Achaicus for one hours. I curled my hair, 'yong soft curls lang nang mag-text siya sa akin na on the way na raw siya. I did my best to make myself look presentable.

I crossed my arms while leaning against the wall. Hindi niya agad ako makikita dahil nasa tabi ako ng pintuan. So when I heard a click on my door, I tried my best not to laugh. Lumibot ang paningin niya nang makapasok siya. Kitang-kita ko ang pagkataranta niya nang hindi niya ako makita.

I walked toward him. I hugged him from the back and kissed his nape. Nanindig ang balahibo niya dahil sa ginawa ko.

"I love you," I said, grinning.

"You got me there," he sighed as he held my hand tightly.

Hinarap niya ako. Halata pa rin ang kaba sa kan'yang mga mata. Sinandal niya ang kan'yang noo sa aking noo at tinitigan ako nang mabuti. Hindi pa rin naaalis ang pangamba sa mata niya.

"Don't do it again," he whispered.

Pinagsalikop niya ang aming mga daliri hanggang sa marating namin ang basement. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. I mouthed 'thankyou' pero pinisil lang niya ang pisngi ko.

"Still my mataba pisngi," he laughed.

Hindi ako nainis or what nang sabihin niya 'yon. I giggled kahit ayaw ko nang sinasabihan ako nang gano'n. I looked away and make myself busy in something habang nagda-drive siya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin but knowing Achaicus, baka dalhin lang niya ako sa coffee shop or sa malapit na restaurant.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon