▪ six

14K 405 17
                                    




I hugged myself tightly while thinking deeply about something. Mas'yadong binabagabag ni Achaicus ang aking isip kaya nitong mga nagdaang araw, talagang ginalingan ko ang pagtago upang maiwasan siya. Kahit saan ako pumunta, talagang nasusundan niya ako, tapos ayan na naman siya... Magbibitiw na naman ng mga salitang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog tuwing gabi.

Ayaw ko muna siyang makita. Ayaw ko pa.

Hindi ko maintindihan ang kinikilos at mga sinasabi niya. Siguro, hindi ako sanay sa mga ganitong bagay? Sinanay ako ni kuya na siya lang at si Daddy ang lalaki sa buhay ko. Pinalaki niya akong gano'n kahit na hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa.

Maraming nagbalak manligaw sa akin ngunit mabilis kumilos ang kuya ko. Mas mabilis pa sa pag-ikot ng orasan. Kahit hindi ko sabihin, nalalaman niya. Nalalaman niyang may pumuporma sa akin, at hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon.

Mahigpit si kuya. Mahigpit sa lahat ng mahigpit, pero hindi ako nasasakal, kasi kahit lagi kaming nag-aaway, siya rin naman ang dahilan kung bakit maayos ako ngayon. Talagang ginawa niya ang tungkulin niya bilang kuya ko.

Huminga ako nang malalim. Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Pinagkiskis ko sa isa't-isa ang aking mga palad. Bakit ba iyon ang iniisip ko?

"Nako, Euty, naii-stress ka ngayon, ah? Ano nga bang dahilan 'yan?" Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Gaius na umupo sa tabi ko.

"Sumasakit lang ulo ko."

"Bakit hindi ka pumunta sa infirmary room? Ayaw mo no'n, mae-excuse ka sa klase?"

"H'wag mo 'kong dinedemonyo, Gaius, ah!" Matalas ko siyang tinitigan.

Humalakhak siya bilang tugon. Kinuha niya ang bag niyang nasa likuran at nilipat sa tabi ko. "Dito ako uupo, ah." Aniya.

Umupo ako nang maayos. Naisip kong pagkatapos nitong subject na ito ay didiretso ako sa library. Kahit ayaw ni Gaius doon, pupunta pa rin ako. Mas mabuti nang naroon ako para hindi makita ni Achaicus, at magsabi na naman sa akin ng ikagugulo ng aking isip.

"Magbabasa ako mamaya sa library, Gaius. Alam ko namang hindi ka sasama. Sabihin ko na lang kay kuya na ayain ka niyang nag-date." Mahina kong usal.

Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya. Pumirmi siya sa kan'yang kinauupuan at lumikot ang kan'yang mga mata. Natahimik siya. Namula ang magkabilaan niyang pisngi kaya mahina akong natawa.

"Sabihin ko rin kay kuya na sunduin ka niya ngayon. Ano, gusto mo ba?"

"Oo naman! Siyempre!" Pasigaw niyang sagot kaya ang iilan sa mga kaklase namin ay napatingin sa aming dalawa.

Doon nagtapos ang daldalan naming dalawa dahil dumating ang professor namin sa subject na iyon. Walang naglakas-loob sa aming mag-ingay. Lahat kami ay nasa sa kan'ya ang atensyon.

Natapos ang klase kaya tinext ko si kuya tungkol sa usapan namin ni Gaius, pero hindi ko sinabi na ako mismo ang nagtulak, s'yempre, paano sila magki-click, 'di ba?

Sabay kaming lumabas ni Gaius na halos hindi na mapirmi sa kan'yang kinatatayuan. Para siyang bulate na binudburan ng asin dahil kanina pa siyang galaw nang galaw. Saka lang siya natahimik nang matanaw namin si kuya na papalapit sa kinaroroonan namin, habang malalaki ang suot niyang ngiti.

Nginitian ko si kuya at sinuklian din niya ang ngiti ko ng isang yakap kaya napahiwalay sa akin si Gaius. Agad din naman siyang humiwalay at binati si Gaius na nananahimik sa gilid habang pinapanood kami.

"Hey, Gaius."

"Hi, Bethuel." Malambing ang tono niya.

"Kuya, 'yong sinabi ko. Mag-iingat kayo, ah? Saka, h'wag mo na rin akong sunduin, kuya. Magga-grab na lang ako."

"Are you sure?"

Nagsimula akong maglakad papalayo sa kanila. "Yes, kuya! Enjoy!"

Mabibilis ang mga lakad ko papunta sa library. Malaki pa rin ang ngisi ko kasi 'pag iniisip kong magkakaroon ng date si kuya Caiaphas at Gaius, kinikilig ako. S'yempre, kapatid ko 'yon at kaibigan. Gusto ko rin si Gaius para sa kuya ko, kaya anong problema?

Naghanap ako ng puwedeng maupuan. Naglibot ako at nang makahanap ako ng puwesto, ay agad kong inilapag ang aking mga gamit, at umupo. Nilabas ko ang librong binili sa akin ni kuya kahapon. Hindi ko alam kung anong binili niya, basta ang sabi niya, kumuha lang siya ng mga librong nakikita niya at binili niya ito kaagad.

Tiningnan ko ang isa sa mga nabili niya. The Girl with the Dragon Tattoo. Binasa ko ang likod, and fck, interesting! Nagsimula akong magbasa, at tuluyan na akong napunta sa ibang mundo na nilikha ng sumulat ng istoryang binabasa ko ngayon.

"I'll believe Gaius from now on." Isang baritonong boses ang nagbalik sa akin sa riyalidad.

Nabitiwan ko ang librong aking binabasa dahil sa gulat. Mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Namamawis ang aking mga kamay.

Hindi ko alam kung bakit gan'to ang naging reaksyon ko nang makita ko si Achaicus.

Baka dahil guilty ako? Nagi-guilty ako dahil alam ko sa sarili kong pinagtataguan ko siya?

"Hi," pigil ang aking hininga nang sambitin ko iyon.

"It's nice to see you again." Casual ang kan'yang boses.

I looked down. Hindi ko kayang itaas ang aking paningin dahil hindi ko kayang tumingin nang diretso sa kan'yang mga mata. Parang mga libro ito na kaya akong dalhin sa iba't-ibang mundo... At ang mas nakakatakot, ay ang mundo niya.

Tumikhim ako. "You can sit in front of me."

"That's a good offer. Thankyou."

I show him my smile. Hindi ko alam kung paano ko siya ie-entertain. Nawawala lahat ang nasa isip ko kapag siya ang katabi ko, kaharap ko, o kausap ko.

"I can see that you're still awkward when you're with me. Is it because of our first encounter at starbucks?"

I laughed a bit. "No, we're okay. I'm just not used to you. You know, we're not close pa, and I'm still shy."

He nodded as he listened to my answer.

"Masasanay ka rin. Anyways, are you done reading that book?"

"Not yet. Why?"

"I'll take you to coffee bean."

Siguro nga, kailangan ko nang masanay. Siguro nga, dapat hindi na ako ma-awkward sa kan'ya. Siguro nga, puwede ko na siyang kaibiganin. Siguro nga, maaari ko na siyang ipasok sa mundo ko.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon