▪ sixteen

7.5K 265 56
                                    




Naaalipungatan ako nang maramdaman kong mayroong mabigat na kung ano sa aking tiyan. Minulat ko ang aking mga mata at halos wala akong makita dahil sa sobrang dilim. Ang nagsisilbing ilaw lang ng silid ay ang buwang napakaliwanag.

I tilted my head and I saw Achaicus looking at me but when he noticed that I'm awake, mabilis siyang umiwas ng tingin.

"What are you looking at?" Mataray kong tanong.

"Tinitingnan ko lang kung natutulog ka na ba talaga..." Magaspang ang boses niya nang sinabi niya iyon. "You are my responsibility. I brought you here kaya dapat walang may mangyayaring masama sa 'yo."

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Umurong ako nang mas malayo pa sa kan'ya. Nakita ko ang pagguhit ng pagkadismaya sa kan'yang mga mata ngunit mabilis niyang naitago iyon.

"Maaga pa." Maikling sagot niya.

Masama ko siyang tiningnan nang makita ko ang oras sa aking cellphone. 2 o'clock na ng madaling araw at may biyahe pa kami mamaya! Kailangan na naming umuwi dahil may pasok pa kami bukas tapos hindi siya matutulog e siya ang magda-drive?

The vacation was fun. Nakapag-swimming ako and I took a lot of shots of myself. Madalas ay hindi ko pinapansin si Achaicus at kina Amerithe at Camille ako sumasama para walang excuse na lapitan niya ako.

Sa ilang araw naming nandito, nilabanan ko talaga ang sarili ko na hindi siya kausapin. Alam kong nahahalata niya iyon. Ayaw ko lang namang masaktan. Ayaw ko lang namang mag-grow 'tong nararamdaman ko para sa kan'ya.

So I spent the entire days flirting with guys out there and taking selfies or iniikot ko ang buong lugar. I even bought a souvenir for my siblings and Mom because they like souvenirs.

"You should sleep. Magda-drive ka pa mamaya."

"Are you avoiding me?"

Nanliit ang aking mga mata habang tinitingnan ko siya. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Why the fuck would I do that?"

"I don't know. What's the problem?"

"And what the fuck are you saying? We don't have a problem."

"Why are you cussing?!" Hinila niya ako palapit sa kan'ya. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya. Para akong nakukuryente sa bawat hawak niya.

Nanahimik ako. I looked down and played with my fingers. What the hell.

"You're pissing me off! Mas'yado kang assumero!" Sigaw ko kahit na napakalapit niya.

"Bakit ka ba galit na galit? Nagtanong lang ako kung iniiwasan mo ba ako. Mas'yado ka namang guilty." Mabibilis ang paghinga niya nang tingnan ako. Nakita ko ang irita sa mata niya. Mariin siyang napapikit at huminga nang malalim.

Ginamit ko ang buong lakas ko para makawala. Pumunta ako sa dulo ng kama at hinarang ang unan sa pagitan naming dalawa.

"Huwag kang lalapit!"

Napahawak siya sa sentido niya at bahagyang hinilot ito. Hindi niya ako pinansing muli. Humiga siya nang maayos at tinitigan ako nang matagal bago siya tumalikod at hindi na muli ako kinausap.

Hanggang sa dumating kami sa Manila ay walang nagbalak sa aming dalawa na ibaba ang pride at makipag-usap. Well, okay lang. Sino ba siya? Kaya ko naman maghanap agad eh. Kaya ko namang lumandi agad ng iba

Sinalubong ako ni Gaius ng isang mahigpit na yakap at malaking ngiti. Binigay ko sa kaniya ang binili ko sa kaniyang chocolate cake dahil hindi ko naalala na bilhan siya ng souvenir.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon