▪ eleven

10.5K 312 19
                                    




I sighed. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong-hininga. Kung alam ko lang na si Achaicus ang makakasama ko, malamang ay hindi na ako nag-cutting at nakinig na lamang sa aming professor.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw ko siyang makasama. I mean, wala namang problema, 'di ba? Pero bakit may parte sa akin na gusto ko siyang iwasan?

"You can always count on me, ya' know, Euty. What's bothering you?" Tumindig ang aking mga balahibo nang bumulong siya malapit sa aking tainga.

"Shut up! Just walk, you jerk!" Napasigaw ako dahil sa irita. Hindi dahil sa kan'ya, kun'di dahil sa naging reaksyon ko nang bumulong siya.

He let out a small chuckle while staring at me. Mas lalo akong nairita at naunang naglakad. Simula no'ng lagi niya aking ginugulo, napapansin ko na lagi akong naiinis at naiirita.

Tinakbo niya ang distansya naming dalawa at hinawakang muli ang aking mga kamay. Tiningnan ko siya ngunit hindi na siya nakatingin sa akin. Seryoso lamang siyang naglalakad kaya mas pinili ko na lang ang manahimik habang naglalakad kasama siya.

Dinala niya ako sa library. Kumunot ang aking noo. Ano'ng gagawin namin dito?

"Hindi porket pumayag akong samahan ka ngayon ay talagang magbubulakbol tayo. We're here to read, to learn. Hindi puwedeng ma-miss mo ang lesson today, kaya you teach your self by reading books." Mariin niyang saad sa akin.

Kusa akong napatango. Doon ko lamang naisip na malaking kawalan ang pagka-absent ko ngayon sa subject na iyon, dahil 'yong professor ko roon ay mas'yadong strikto at mahigpit. Ayaw niya ng may liban sa klase niya.

Huminga ako nang malalim. Grade conscious pa naman ako. Malalagot din ako kay kuya kapag nalaman niya 'to. Napatingin ako sa kasama ko. May hawak na siyang mga libro sa kamay niya kaya naghanap kami ng mauupuan.

"I know you're friends with my brother. Uhm, please don't tell to my kuya na I ditch my class today. Please?" Puno ng sinserong wika ko.

Napangiti siya ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin. 'Yong ngiting niyang 'yon ay may kakaiba. Parang may binabalak.

"Hmm," ang tono niya ay parang nang-aasar. "In one condition." This time, humarap siya sa akin nang may malalaking ngisi sa labi.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Napatingin siya roon at parang dumilim ang aura niya. Kinalaunan ay kumalma siya. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka.

"What is it?" My lips curved.

"I will not tell it unless," tumigil siya at umupo sa nahanap naming vacant. Umupo rin ako sa harap niya at nilapag ang aking mga gamit.

"Unless what?" Naiinip kong tanong.

"If you will go out with me on sunday." Determinadong aniya.

Laglag ang panga kong napatingin sa kan'ya. Date? On sunday? What the hell?

Tulala ako nang matapos ang huling klase sa araw na ito. Iniisip ko pa rin ang naging usapan namin ni Achaicus sa library. Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Nagbasa na lamang ako kahit hindi ko maintindihan kung ano ang binabasa ko dulot niya.

Matindi kasing magalit si kuya. Isusumbong niya pa kay Mommy, tapos makakarating kay Daddy, which is ayaw kong mangyari dahil ayaw ko silang ma-disappoint sa akin. Kilala nila akong bilang grade conscious at hindi gagawa ng gano'ng bagay kaya ayaw kong madismaya sila dahil sa akin.

Naputol ang aking iniisip nang marinig ko ang boses ni Gaius. Tumaas ang aking kilay nang ngiting-ngiti siyang nakatingin sa akin habang may hinihintay.

"Anong nangyari sa inyo ni Arta?" Tanong niya agad.

"Arta?"

"Achaicus Artaxerxes. Duh!" She rolled her eyes at mataray ang kan'yang tono.

"It's your fault!"

Naalala ko ang ginawa niya. Dahil sa kan'ya kaya tuloy nagdadalawang-isip ako kung papayag ba ako sa date na tinatanong sa akin ni Achaicus. Dapat iniwan na lang niya ako mag-isa kung ayaw naman niya akong samahan. Mas gusto ko pa 'yon kaysa makasama ang lalaking 'yon.

"What?" Natatawang tanong niya.

Mas lalo akong nairita nang tatawa-tawa siyang hinarap ako. Ayaw kong sabihin sa kan'ya kasi iniwan niya ako sa lalaking 'yon! I hate Achaicus! God, I hate him so much!

Pinupuwersa niya akong makipag-date sa kan'ya! Hindi ba mas magandang makipag-date 'pag gusto niyong dalawang makipag-date talaga? Hindi 'yong bina-blackmail ka! Mas masarap sa feeling kapag 'kusa'!

"Don't talk to me, Gaius."

"You're so grumpy. Ano ba'ng nangyari? Did you kiss? Ya' know," natatawa niyang asar.

Tinalikuran ko siya at hindi na siya nilingon. Alam kong nagiging harsh ako sa mga oras na 'to but can you blame me? Alam kong may kasalanan ako sa ibang parte ng pangyayaring 'to, pero hindi naman yata tama na iwan niya ako pagkatapos ko siyang samahan para lamang gumaan ang kan'yang loob.

"Oh, you little Eutychus. Don't be mad at me. You'll thank me someday."

Napahinto ako nang marinig ko ang boses niya sa aking likuran. Hindi ako lumingon.

Naglakad akong muli ngunit napatingin ako nang mas nauna siyang maglakad sa akin.

Nagalit ko ba siya?

Umiling ako upang maiwala iyon sa aking iniisip. Lagi na lang ako may iniisip na dapat hindi ko isipin sa mga nakaraang araw. Siguro dahil marami na ring nakaaligid na mga tao sa akin. Dati kasi loner ako, pero ngayon, I have Gaius, so hindi ko hahayaang masira kami.

Huminga ako nang malalim. Magso-sorry ako bukas sa kan'ya. Natapos na rin naman 'yon eh, at wala na akong choice.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip nang may marinig akong sumipol sa kabilang banda. Hindi ko sana papansinin pero alam ko ang pigura. Kabisado ko na siya.

"So what's your decision?"

Mariin akong napapikit nang marinig ko ang matigas niyang boses. Naglakad siya papalapit sa akin kaya bahagya akong napaatras.

Binasa ko ang aking labi at diresto siyang tiningnan sa kan'yang itim na itim na mga mata. "I'll accept the deal, just please, please don't tell it to kuya."

Ang kaninang walang emosyon niyang mukha ay nabuhayan. Lumaki rin ang kan'yang mga ngiti. "That's settle, then," mahina siyang natawa. "You'll be mine starting on sunday."

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon