▪ thirteen

8.6K 290 54
                                    




I'm not conscious at how I look but now is different. I am going to have my first date with somone who looks like a monkey. I should be look presentable and pretty. Ayaw kong mapahiya ang sarili ko ro'n. Siya dapat ang mapahiya!

Paikot-ikot ako sa harap ng salamin dahil tinititigan ko nang mabuti ang aking suot na bistida. Nang makuntento ako ay kinuha ko ang purse kong nasa ibabaw ng aking kama at mabilis na bumaba.

Hindi na ako nagtaka nang maabutan kong prenteng nakaupo si Achaicus sa aming sofa. May hawak siyang papel na kan'yang binabasa. Babanggitin ko sana ang kan'yang pangalan nang marinig ko ang matigas niyang tinig na nagpatigil sa akin na gawin iyon.

"Are you done?"

I rolled my eyes. Kung hindi lang ako nagpauto sa lalaking 'to, nandito sana ako sa bahay at nagbabasa ng manga o nanonood ng animé or c-drama or taiwanese. Dahil sa kan'ya, nasira ang date ko with myself.

"Duh! Can't you see?" Sinupladahan ko siya.

"Please behave yourself. We're going to meet someone today. You'll be my date."

Na-stun ako sa aking kinatatayuan. I thought, we're going to have our own date? May ime-meet lang pala kami ngayon at naisipan lang niya akong dalhin?

"What the heck are you thinking, Achaicus?! Edi sana naghanap ka na lang ibang babae kung gano'n lang pala!"

"Why? Are you expecting something? Hmm?" He smirked while staring at me intently. "You think, I'll treat you somewhere, so that we can have our own fcking date?" Tumayo siya mula sa kan'yang kinauupuan. "Sorry to say this to you, my dear, but you're wrong. I just want to see someone and you should come with me."

"Who told you that I'm expecting something?" Inis kong tanong.

Mas nauna akong naglakad sa kan'ya at lumabas ng bahay. Dahil sa inis ay hindi ko siya pinansin kahit paulit-ulit niyang tinatawag ang aking pangalan. Nang pagbuksan niya ako ng pinto ay hindi ako kumibo. Nanatili lamang akong tahimik sa aking kinauupuan at hindi siya pinansin sa buong biyahe.

May nalalaman pa siyang magiging sa kan'ya na raw ako simula sa sunday. Duh, fvck that matatamis na salita na puro kasinungalingan naman! Hindi ako galit dahil nag-eexpect ako, galit ako because I treasure my first date, because it is my first, pero anong nangyari? Third-wheel pa ako!

"H'wag mo mas'yadong pagdikitin ang kilay mo, Euty. Ingatan mo rin cellphone mo, baka mabasag dahil sa higpit na pagkakahawak mo," mahinahon niyang sinabi sa akin, ngunit hindi ko pinansin.

Huminga ako nang malalim. Wala akong mapapala kung maiinis lang ako sa kan'ya. Dapat kalmado ako. Dapat hindi ako naaapektuhan.

Right. "Bakit ito ang naisip mong kapalit sa deal natin?"

"I told you, kailangan ko lang ng kasama."

Tanginang rason 'yan!

"Stop cussing!" He hissed.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang aking bibig sa pagmumura. Iilan sa mga tao, ayaw sa mga taong nagmumura, pero ito kasi ang way ko kung paano ko i-express ang mga feelings ko.

"Sino ka para sundin ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. Mabibigat na aking paghinga dahil sa inis. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naiinis.

"Pinagkatiwalaan ng kuya mo para bantayan ka. So, kung hindi mo ako susundin, isang tawag ko lang sa kuya mo, report agad mga ginagawa mo." Seryoso niyang sambit.

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon