▪ twenty-three

7.4K 223 6
                                    




Tawa ako nang tawa nang makita kong inis pa rin si Achai sa ginawa ko. I seduced someone in front of him kaya 'yong lalaki ay mabilis na napatakbo nang sapakin niya ito. Ayaw ko mang matawa dahil naaawa ako sa lalaki, kasalanan ko kung bakit siya nasuntok, pero natatawa talaga ako sa mukhang binibigay sa akin ni Achaicus.

"This is really insane, Eutychus!"

"I'm sorry na. . . " Panunuyo ko sa kan'ya.

"I am telling you, Euty, don't do that again in front of me." Mariin ang pagkakasabi niya.

Hinaplos ko ang braso niya para mapakalma siya. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at bakit ko ba ginawa 'yon. That is not really me.

Pero nagawa ko dahil gusto kong makita kung ano'ng reaksyon niya. Nagsisi tuloy ako ngayon because he's really mad at ayaw niya akong tingnan.

"Achai," bulong ko. "I said, I'm sorry."

Huminga siya nang malalim at napahilamos sa kan'yang mukha. Tiningnan niya ako at hinila patayo. I don't know what we're gonna do pero para hindi na siya magalit ay mananahimik na lang ako.

"Iuuwi na kita." Sabi niya at naunang lumabas.

Gusto ko sanang umangal but everytime I look at his face, nagi-guilty lang ako sa ginawa ko. I decided to shut up hanggang sa narating namin ang parking lot.

Tahimik niyang binuksan ang passenger seat at pinapasok ako ro'n. Nang makasakay siya ay mabilis niyang pinaandar ang engine at nag-drive.

Walang gustong magsalita sa amin hanggang sa narating na namin ang bahay. Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang aking kamay at tinanggal ang seat belt ko.

Oh, I forgot my seatbelt.

Hinalikan niya ako sa noo at hinaplos ang aking mukha. "I'm sorry, baby." Mahinang bulong niya.

"I-it's okay." Naiilang kong sabi dahil titig na titig siya sa akin.

"Don't do that again in front of me, okay? You're driving me crazy. Do you want me to be a devil in front of you; punching some guy and don't know what I am doing?" Mahinang sabi niya habang ang kamay niya'y nagiging malikot. Hinawakan niya ang aking leeg papunta sa aking labi. Nanigas ako roon.

"Hmm?" He hummed when he realized that I did not answer him. He's still busy touching my thighs. Napapakagat na ako sa aking labi. Oh god, Achaicus!

He fixed my hair and held my face. "But I don't want to do that. I don't want you to see me like that and I know na ayaw mo sa gano'n kaya don't worry, I will never do that." Hinaplos niya ang aking labi at napirmi. "Even if I am really jealous with what you two doing." Nanghihinang sabi niya na gunit nagawa pa akong halikan sa labi.

"I will adjust myself because my baby doesn't want me to punch other guy. . . My baby... wants my kisses." Isang halik pa ang iginawad niya sa akin bago ko mabilis binuksan ang pintuan ng kotse niya.

Hindi ako nakapagsalita at mabilis akong lumabas. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa mabilis na pagtibok nito. Mabibilis din ang aking paghinga dahil sa pagtakbo. Fuck! This is really not good!

God, Achaicus! You're gaving me a heart attack!

Dinamdam ko iyon hanggang pagtulog. Iniisip ko pa rin kung bakit ganito katindi ang epekto ni Achaicus sa akin. Nililigawan niya pa lang ako, oo, gusto ko siya, aminado ako, pero bakit ganito katindi?

I am new to this feelings. Wala pa akong alam. Lahat ng ito are still new to me. Ang paglalambing, ang pagtatampo, everything that is connected to relationship! But I have an idea about that because I like watching movies!

Hidden Star (Engineer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon